“Love?” Nag-aalalang tawag ni moms sa akin. “Moms!” Humagulgol ng iyak kong tawag sa kanya. Halos buong magdamag akong umiyak. Nakatulugan ko na ang pag-iyak at akala ko ay pagkagising ko ngayong umaga ay magiging okay na ako. Pero hindi pala. The moment I woke up, ay bigla na lamang muling tumulo ang luha ko. Pumasok siya sa kwarto at marahang isinara ang pinto. Agad akong yumakap sa kanya ng umupo siya sa tabi ko. “It’s okay, love. Everything is going to be okay,” I felt her caress my back at lalo akong napaiyak. “I don’t want to cry moms… I should have no reason to cry… But my tears wouldn’t stop falling.” “I know, love… And I understand… Crying is the only thing we can do when we cannot explain how much our heart is broken.” Lalo akong napaiyak sa sinabi niya at mas lalo kon

