Hindi pa man nakakalapag ang chopper sa helipad ng State Building ay kinakabahan na kami. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung nasa ere palang kami ay kita na namin ang mga parents and guardians namin na naghihintay sa rooftop. Kanya kanya pang posing sila. May nakapamaywang, naka crossed-hands-on-chest, nakatingin sa relo at iba pa. Pwedi na silang ihanay sa Power Rangers. Gusto ko sanang matawa, pero napalunok na lamang ako ng makita ang mukha nina parents. Ang popsicle ko, mukhang lulunukin ako ng buhay. “Who among you came up with the great idea to go to Boracay?” Sarkastikong tanong ni Pops sa amin sa loob ng CEO’s office, ang office ng Daddy ni Vonn. Sabay-sabay naming tinuro si Vonn. “Ako?” Nabigla niyang tanong nang makitang nakaturo kami sa kanya. “A-ko!?” “Who booked th

