I forgot, I endure... I lived,
I ignore, I strived... I tried.
Then, our eyes met, lips touched,
Finally, I remember where I really belonged...
- LhordeJhayceeZuwail
Chapter One
Total Eclipse of the Heart
I blink enumerable and scanned the room I'm in. The room looks fancy even though it looks old. The antique chandelier with small candles na mukhang hindi na ginagamit, ang bahagyang nakabukas na bintana na natatabingan ng kulay abuhing kurtina at lumang lampshade. A wooden cupboards with glass door at may nakapaloob na mga libro. A magenta throne-like-sofa, old paintings, the beautiful life-size mirror with a golden and royal-like border and the queen-size bed I'm lying in. It has an extremely soft mattress, a flannel sheets, innumerable pillows and a thick comforter.
Sa side table ay mayroong napakagandang flower vase.
Where am I?
Iniisip ko kung paano ako napunta sa lugar na iyon. It's unfamiliar and I know, I've never been in this strange place.
Bumangon ako at bahagyang nakaramdam ng pagkahilo at p*******t ng ulo. I squeezed my eyes shut and touch my head, my forehead furrowed when I felt a cloth swathed in my head.
Inalis ko ang kumot at kahit nahihilo ay umalis ako ng kama. Tumapak ako sa malambot at magandang alpombra at parang hindi iyon bagay na tinatapak-tapakan lang. But it was created and design for that matter.
Lumapit ako sa life-size mirror. My broad forehead till the back of my head was swathed by a white bandage. My ash blonde waist-length wavy hair is in a bad shape, it's more wavy and tangled. My cupids bow lips is dry and I look pale.
I'm wearing a white long sleeves dress and a black leggings.
"At last your awake"
I look at the man who's owning an old, brittle voice.
"Lolo?"
My eyes widened in shock, surprise and of course, happiness.
Tinakbo ko ang pagitan namin at niyakap sya. He hugged me back while tapping my shoulder and gentle kissed my forehead.
"Pinagalala mo ako, apo,"
I pulled away and look up to his wrinkled but still handsome face. I'm petite and small compare to him, he's tall at hanggang dibdib lang nya ako.
"What am I doing here?"
Hindi sya sumagot at tumitig lang sakin pagkatapos ay tumalikod at naglakad palabas kaya sinundan ko sya.
Lolo's house is big and stunning. Lahat ng kagamitan, kung hindi kahoy ay antigo naman. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huling dalaw ko noon dito.
People are bucy doing something in front of a window. Siguro fixing something because I'm hearing the sound of hammer stroking nails.
But as we walked in some part of the hallway, may nag-aayos din ng bintana.
"Are you renovating your mansion, lolo?" I chuckled silently, "Mukhang wrong timing ang pagpunta ko dito"
Hindi sya sumagot, nagpatuloy sa paglalakad hanggang makababa kami sa first floor. May ibinulong sya sa isang babaeng mukhang kasambahay, ang babae ay tumango at umalis. Saka tinulungan ni lolo ang tatlong lalaking nagkukumpuni sa bintanang malapit sa malaking pinto.
My brows furrowed when I saw what they're doing.
Naglalagay sila ng mga malalaking kahoy sa bintana na tila ba hinaharangan nila iyon. Ang mga gamit sa sala ay bahagyang magulo. May naaninag ako sa labas na mga paroo't paritong mga armadong kalalakihan at imbes na baril ang hawak ay mga crossbow, espada at kung anu-ano.
"Miss, halina sa dinning area. Nakahanda na ang pagkain mo,"
Napalingon ako sa nagsalita, ang babaeng kausap kanina ni lolo. Siguro, she's ten years younger than lolo.
"Later, I still want to talk to my lolo"
Tinalikuran ko na sya bago pa sya makapagsalita.
I know its rude but I really need to talk to lolo.
Ang dami kong tanong. Why am I here? Paano ako nakapunta dito? What are they doing? What's happening?
"Ano hong ginagawa nyo, Lo?" Bahagya akong lumapit sa kanya.
Tumigil sya't nagpakawala ng marahas na buntong hininga.
"Tulungan nyo sa itaas sila Gibson. Ako na dito"
Tumango ang tatlo at naglakad patungong hagdan. Tinanguan naman ni lolo ang babae bago ito umalis. Ipinagpatuloy nya ang pagpukpok sa bintana.
"You don't remember... Anything?" He asked.
"Ho?"
"You're with Harry and your friends when you went here, Franchesca"
"No..." Natawa ako pero unti-unting nawala ang ngiti, my brows knitted.
"You don't remember everything you did, Franchesca?" He looked at me, may galit sa mga mata.
Umiling ako kasabay ng pagluha ko.
Bulkshit, why am I crying?
I glanced at him.
"Why did you dyed your hair?"
Nagulat ako sa bilis ng pagbabago ng kanyang tanong.
"I dyed my hair two years ago when I turned fifteen. It was Lola's death anniversary" I smiled sadly. "I want to remember her... Everyday"
Lolo also smiled, he stared at Lola's portrait in the wall. I also look at it. She's elegant and lovely at that painting with her up-do hair, high fashioned gown and expensive jewelries... She looks like a queen in her own.
Pakiramdam ko, nakatitig ako sa older version ko.
"What did you do, Franchesca?" Bumalik ang marahas nyang tono saka ipinagpatuloy ulit ang pagkukumpuni sa bintana.
"Lo, hindi ko ho kayo maintindihan. Wala ho akong matandaan, hindi ko ho alam kung paano napunta---"
"Then think harder..." Sigaw nya kasabay ng malakas na pagpukpok.
Napaatras ako sa takot.
"Kasama mo sila Harry, ang mga kaibigan nyo at pumasok kayo sa Sebastian tomb"
Umiling ako. Walang maalala.
"Nakita ang sasakyang ineregalo ko pa kay Harry sa gilid ng kalsada. At hindi kalayuan sa Sebastian tomb ay nakita ka sa bangin na walang malay at natuyuan na ng dugo sa ulo" huminga sya ng malalim. "Bakit nyo ginawa iyon, Franchesca?"
"Hindi ko ho alam, lo... Wala ho akong matandaan---"
"Bakit nyo binuksan ang Sebastian tomb?" May pagmamakaawa't takot sa kanyang mata. "There's a warning sign. Sa matagal na panahon, walang nagtangkang sumira sa kadenang nakaharang doon. Anong ginawa nyo?"
I played with my fingers, pilit inaalala ang sinabi nito.
"Si Harry ho?" Tanong ko, kung kasama ko ito... Ang mga kaibigan namin... Nasan sila? "Nasaan ho sila Avi? Sila Bea, Ylona, Justin, Luther---"
"Hinding-hindi mo na sila makikita" tinalikuran nya ako't kumuha ng kahoy at iniharang iyon sa natitirang espasyo ng bintana. "Hindi ko pa ito sinasabi sa mga magulang mo dahil siguradong agad silang ba-byahe at pupunta dito sa Trinidad---"
"Sandali, Lo" my eyes glittered. "Ang araw,"
"No, Franchesca"
Mabilis akong tumakbo palabas ng malaking bahay at tinititigan ang araw. Unti-unti iyong tinatakpan ng itim na bilog. It's actually breathtaking.
"Where's my phone?" Tanong ko sa mga armadong kalalakihan doon.
Iniabot sakin ni lolo ang cellphone ko at isang eclipse shades "It's dangerous to be outside, Franchesca"
Kinalikot ko ang phone ko at kumunot ang noo ko ng makakita ng kakaibang larawan ng isang calligraphy. I tilted my head, because I don't understand it, I deleted it. Isinuot ko ang shades then I look at the solar eclipse. Tulad ng mga nandon ay pinapanuod din ang eclipse.
Pero habang tumatagal, nahihilo ako at nakakaramdam ng kakaiba. Hanggang sa tuluyan ng matakpan ang araw at tila isa na iyong singsing.
Napakurap-kurap ako. I can feel my toes and hand shaking and my head is in turmoil.
Muntikan na akong matumba buti't nasalo ako ni lolo.
"I-I'm okay" I assured him and tried to stand but I trembled.
"Anong nangyayari, ap-apo?"
I gripped in his arm when I feel the excruciating pain in my head and it's slowly killing me. Napasigaw ako.
"They're finding her." Sabi ng isang babae saka hinawakan ang aking kamay habang may nagbuhat naman sakin papasok ng mansyon habang sumisigaw pa rin ako sa sakit.
"Makakalabas ba sila? Siguradong mahina pa sila kahit n-na..." lolo's voice broke. "Kahit na pinatay nila ang mga b-bata"
"Hindi natin alam pero nabasa ko sa journal, ang solar eclipse ang magiging susi nila para makalabas. Oras na matapos ang eclipse, mawawala ang kapangyarihang nakabalot sa Sebastian tomb"
Naramdaman kong inihiga na ako sa kama. Ang mata ko'y unti-unti ng pumipikit.
"Maghanda na kayo, siguraduhing nakasarado ang lahat ng maaaring daan. H'wag magpapapasok ng hindi kilala."
Narinig kong bilin ni lolo sa mga nandon. Nagugulhan ako sa mga pinaguusapan at ginagawa nila.
"Sinisigurado kong hinding-hindi nila makukuha ang apo ko... Hinding-hindi sila makakapasok dito" mahigpit na hinawakan ni lolo ang kamay ko.
Sino? Sino ang kukuha sakin? Sino sila? Bakit kailangang takpan ang mga bintana? Bakit para silang takot na takot? Anong mayron? Anong kinalaman ng solar eclipse? Anong mayron sa Sebastian tomb? Ano ba ang nangyayari?
"Ventura, kalat na ang dilim sa labas" imporma kay lolo ng lalaking pumasok sa silid.
Mas humigpit ang hawak sa kamay ko ni lolo.
Mariin akong pumikit. Tila ba may bumubulong sakin. Para bang naglalakbay ang aking isipan.
Kasabay ng pagbalik ng ala-ala ko ay ang bigla kong pagbangon. Hinihingal kong sinalat ang aking ulo ng makaramdam na naman ng sakit. Nag-iisa na lang ako sa silid at napakatahimik.
Bumango ako, sumilip sa may bintana na may maliit na butas. Madilim, ibig sabihin ay gabi na.
Nakapaa akong lumabas ng silid, nakakakilabot ang sobrang katahimikan, nakakabingi. Hanggang sa makarating ako sa dulo ng hallway kung nasaan ang hagdan. Doon lang ako nakarinig ng ingay at mukhang nanggagaling pa sa TV.
"... This happened thirty minutes ago after the solar eclipse, darkness surrounds the sky even if it's only three in the afternoon and people in Baguio City start to panic because some of them are attacking people like they're zombie biting their prey's neck. Some people think that this is some kind of prank but bloods and dead bodies are scattered in some places of Baguio City."
Kumunot ang noo ko ng marinig iyon, mabilis na bumaba ng hagdan.
"We can't asked anyone who started this because as you can see, once you've been bitten... You die or become like them. And we think that this is not a zombie apocalypse because they're not into the humans flesh... They're into humans blood... And we think, and I know it sounds unbelievable, but we still believe... They're vampires"
Napalunok ako. I can also hear commotion in the background. People screaming, begging for their life and some angry growl. Like a hungry creature starving for blood.
Nahinto ako sa dulo ng hagdan, hindi na kayang humakbang pa.
"We urge people to stay at their house--- Hello, okay, okay... Kadarating lang ho ng balitang ito... Some places in Pangasinan are also in invasion, people also start attacking people... We suggest people to go home or just stay at their house, lock their doors and stay safe"
Napalingon ako ng may tumikhim sa likod ko.
Ngumiti ang babaeng hindi nalalayo ang edad sakin.
"Handa na ang hapunan, halika na"
She has this friendly smile and I know that it's genuine because it's written in her innocent eyes.
Wala sa sariling sumunod ako sa kanya.
Alam kong maluwang ang dinning area, it has a long table with twelve or more chair pero dahil ang daming tao, nagkakagulo ay parang sumikip iyon.
There are babies, kids, teenagers, ladies and granny's. Wala akong makitang lalaki na matanda, puro mga bata at nasa edad ko na. Natuon ang attensyon nila sa'kin.
"Maykan, mangan tayon" a guy said to me in their language.
The girl beside him elbowed him. "Hindi ka nyan naiintindihan"
A middle age girl stop them and smile at me. "Halika na, Frances, siguradong gutom na gutom ka na"
I simple smile and nod then sat on an empty chair. It was a simple food, rice, bread, vegetables and pork.
Inasikaso nila ako't tinimplahan pa ng gatas.
"Pasensya na kung nandito kami lahat, ito kasi ang pinakaligtas na lugar at hindi makakapasok ang mga iyon"
I looked at her to assured that its okay, that I don't have a problem to whoever lolo's guess. That I don't have a say sa kung sino ang gusto nitong patirahin doon.
"Kung asikasuhin naman parang walang kamay... Hindi nya tayo katulong"
"Jane, tumigil ka"
I raised a brow at that girl who's sitting at the end of the table.
"Maldita talaga 'to... Inggit ka lang" said by a guy.
"Che, inggit mo mukha mo" then she walk out.
"Pagpasensyahan mo na lang ang batang iyon, hija"
Tumango ako at kumain na.
"Hi! Ako nga pala si Steve" pakilala noong lalaki sa harap ko.
"Ako naman si Paz"
Hanggang sa lahat na sila magpakilala dahil napakadami nila, hindi ko na matandaan ang pangalan ng iba.
Naging tahimik naman ang hapunan. Maliban sa mga umiiyak na baby at mga pasayaw na bata ay wala naman ng naging problema.
"Lo? Bakit hindi ho kayo sumabay samin---"
Natigil ako ng makita ang ginagawa nila. They're holding a crossbow, some are even fixing and creating a weapon.
"Sleep, Franchesca"
Is he serious? Ilang araw na akong tulog, he doesn't really expect me to sleep again.
"I remembered everything"
Now, I got his, their attention.
"Nasiraan kami. Napagpasyahan naming maglagad at nakita namin ang sign, we ignored it. Believe me, lolo... But it rained" I bit my lower lip.
I-kunwento dito ang lahat ng mga nangyari habang umiiyak, lahat, except the beer-weed-part.
"I'm sorry," nagbaba ako ng tingin, hindi kayang salubungin ang mga mapanghusga nilang mga mata.
Alam ko, kahit hindi nila sabihin... Galit sila sakin. Hindi lang nila pinapakita dahil apo ako ni Ventura Beltran.
"Aakyat na ho ako"
Patakbo akong tumaas ng hagdan hanggang sa makarating sa nakalaang kwarto para sakin.
Nanghihinang umupo ako sa dulo ng kama.
I get my phone and scan it. I scan my pictures, pictures of my friends and Harry. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang isang larawan na dapat ay wala na doon.
"What the..."
It's the calligraphy. I remembered when I deleted it during the solar eclipse.
"Siegfried" I whispered.
Napapitlag ako ng biglang tumunog ang hawak at makitang tumatawag si mom. Mabilis kong sinagot iyon.
"M-Mom, hello---"
"Baby," nanginginig ang boses nito. "Baby, I-I'm sorry..."
"Ho? B-Bakit ho?"
"Just always remember, mama loves you"
My tears starts to fall because of what she said. She sounds different, her voice. It feels like there's something wrong. That there's something wrong about her.
"I love you too, mom" I smiled. "I will talk to lolo, uuwi din--- mom? M-Mom? Mom?"
Napatayo ako ng makarinig ng sigawan sa kabilang linya.
Kumabog ang aking dibdib.
Then the line went dead...