Chapter 17

2324 Words
I closed my eyes And spoke to you In a thousand Silent ways. - Unknown Chapter Seventeen The Adventures of Frances... Part II Play with fire My mouth fell open and jaw dropped when I saw the city of Casterium. The walls and towers, it's all bricks. Men are only wearing a skirt-like dress and some were even dress while women are wearing dresses. There's no jeep, bus or any car's. Because of that, the air is fresh and clean. I really feel like I'm in the medieval era. I stopped and turned around while staring at that place and the people passing by. At the side of the streets, people sell different garments and goods. Lahat abala, lahat ay may kanya-kanyang pibagkakaabalahan. Parang lahat ng pagod ko biglang nawala dahil sa mga bumungad sa'kin, especially the castle. Sa kinatatayuan ko, kitang-kita ang mga tore ng kastilyo ng pinuno ng Casterium at itinuturing na reyna ng buong Aztheiodia. Ang naglalakihang tore ay pinapagitnaan ang bell tower. Siguradong napakalaki, napakaluwang at napakaganda ng kastilyong iyon. Sa siyudad pa nga lang, nakikitaan na ng karangyaan, sa kastilyo pa kaya mismo. Ni wala akong nakitang palaboy o taong grasa o mga batang pakalat-kalat. At hindi nga ako nagkamali dahil kulang pa ang maganda para ilarawan ang kastilyo ng Casterium. The environment is peaceful and refreshing to my eyes. Sa gitna ay may napakalaking rebulto ng isang lalaki, kasing-laki ito ng kastilyo. Tila ba nakatitig sa'kin. Natigil lang ako sa pagmamasid ng makarinig ng boses ng babae talking in a foreign language. Maybe, their own language. Nilingon ko ito pagkatapos inilibot ang tingin sa paligid at itinuro ang sarili. "Oo, hangal... Halika dito." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya pero lumapit pa rin ako. In front of her, there's a lot of fruits and vegetables na nakalagay sa mga basket. May kinuha syang basket ng prutas at iniabot sa'kin. "Ano pa ang ginagawa mo? Dalhin mo na iyan at ilagay sa kusina." She shrieked at me as she widened her eyes. Wala sa sariling kinuha ko ang basket at sinundan ang ibang mga babaeng may dala-dala ding basket hanggang sa makarating kami sa kusina. Lahat ng nandon ay may kanya-kanyang ginagawa. "Magmadali, bukas ng gabi ang kasal ng Queen Eudoxia at Lord Felix---" Napaikot ang tingin ko sa chef nila. Did he just say Felix? "--- kaya kailangan natin itong matapos ngayon dahil ang ice queen, ang hari ng mga of Greco's, ang muse ng Malans, ang pinuno ng mga mangkukulam at Scavin Guard at ang prinsesa ng mga sirena ay dadalo." I looked at my wrist watch, pinitik ko iyon ng hindi na gumagana. I need to see their "Lord Felix", if that's really Felix Stonesifer. I need to talk to him. "Alam mo ba kung saa ang silid ni Lord Felix?" Tanong ko sa isang babaeng katulong doon. She doesn't look like an alipin, so, siguradong, katulong sya doon. Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit mo tinatanong?" "A---" napabuga ako, hindi kayang sabihin sa kanya ang dahilan. Because I know, she will never believed me. I smiled. "Kalimutan mo na lang ang itinanong ko." I stared at the grand throne, inaayos at pinapalimutian iyon. Sa pagpihit ko ay nakita ko ang hinahanap ko na pinapaypayan ng dalawang babae habang nakaupo sa isang maganda at siguradong malambot na upuan. Oh! Look what we got here. Felix Stonesifer, the future king of Aztheiodia. Note the sarcasm please. Nakakuyom ang kamaong nilapitan ko sya. Tumikhim para mapansin nya at nakuha nya pang ngumiti sa'kin. "Iwan ninyo kami." Utos nya sa lahat ng nandon at sa isang iglap ay dalawa na lang kami. Tumayo sya at nakangiting lumapit sa'kin. "Where have you been---" "Where's the others?" I cut him off then put my hands on my hips as I glared at him. He scratched his head and heaved a sigh. "Lyon and Elric went to Hostca---" "Oh, so they've been here huh!" Mapait akong ngumiti. "Hinanap ninyo man lamang ba ako? I mean, ayaw kong magpag-importante o umarte ah... It's just that, this world is new to me. There's goblins, dwarves and you know I'm almost eaten---" I sigh. Dahan-dahang umiling. "You know what? Forget it, hindi naman importante." Bumuntong hininga sya. "Look, Frances... Trust me, hinanap ka namin." "Well I guess, you all didn't try harder." Nagkibit-balikat ako. Tinititigan sya mula ulo hanggang paa, kumikinang siya dahil puro ginto ang suot nya. Royal blue, red and gold ang karamihang kulay sa kastilyong iyon. "What happened to you? You are really serious about marrying their queen?" He slowly nodded and smirked. "She's f*****g beautiful like an angel... f*****g hot." Bumagsak ang balikat ko. "We have a plan, Felix." Nag-iwas sya ng tingin, tumalikod at lumapit sa mesang may nakalagay na mga wine. Nagsalin at inisang tungga nya iyon. My brows knitted when I realized something. "Oh! Please, don't tell me you're not planning on going home. That you want to stay here?" He faced the window. "This is our life, Frances, before everything else happened. Simple and not that complicated. Look," nakangiting humarap sya sa'kin. "Here, we're just a normal people. We don't have fangs, red eyes and we don't crave for bloods---" "At wala din kayong kapangyarihan." I pointed out. He sigh again. "Ito ang nakasanayan naming buhay, Frances... Here, we feel alive again. Here, we can have family---" "But this is not your world, Felix... You, Lyon, Siege, Elric and Aiken don't belong here... We. Don't. Belong. Here." I almost shouted at him, trying to show him some sense. "That's why I'm going to marry their Queen." he said like it's the simplest way. "Come on, para sa'kin, dapat masaya ka." "What? Do you want a slow clap? Gusto mo magtatalon ako dito sa tuwa? Pumunta tayo dito to bring back the sun, Felix... Not..." I spread my arms wide. "Not this!" "I'm sorry, Frances." Sunod-sunod akong umiling, umatras ng aktong hahawakan nya. "I shouldn't expect," umiling ulit ako at puno ng pangunguyang nginitian sya. "Then enjoy your f*****g life here... Best wishes, fucker." Mabilis ko syang tinalikuran at tumakbo palayo sa silid na iyon. "C'mon, Frances!" I just raised my middle finger at him. Sa totoo lang gusto ko syang saktan o murahin man lang pero what's the point? Felix was right anyway, sino ako para ipagkait ang isang bagay na kinuha sa kanila ng mismong pamilya nila. This is what their life looks like hundred years ago and I don't have the right to forbid them from anything they want, desire and long for. Especially now that they're all mortals. Mabilis kong pinunasan ang mata ko ng makita si Toben. "Binibining Frances, may nakita ka bang kaibigan mo?" Salubong niya sa'kin sa labas ng kastilyo. Tuloy-tuloy ako sa paglalakad. "May nakita ka bang mapa para makapunta tayo sa Hostcadia?" Embes ay tanong ko sa kanya. "Delikado kung mag-isa---" "Alam ko, Toben, alam ko..." Bumuntong hininga ako at tiningnan sya. "May nakuha ka bang mapa?" Hindi sya sumagot pero may kinuha sya sa kanyang bag. Napangiti ako, kinuha sa kanya ang bag at mapa. Tinitigan iyon saka inilagay sa bag at nagsimulang maglakad. "Binibini---" "Buo na ang desisyon ko, Toben... Maglalakbay ako papuntang Hostcadia." "Pero, Binibining Frances---" Tumigil ako at hinintay siya saka ko hinaplos ang kanyang ulo. "Magiging maayos ako." Nag-squat ako sa harapan nya at pinisil ang kanyang pisngi. He's scary but at the same time, he's also cute. Tumiklop ang kanyang tenga at gusto kong matawa dahil hindi sya makatingin sa'kin at parang namamasa pa ang kanyang mata. "Hey! Anong problema?" Inalis ko ang kamay sa kanyang pisngi. "Masakit ba ang pagkakapisil ko? Bakit ka umiiyak?" Sunod-sunod syang umiling at pinagluran ang mga daliri. "Kinatatakuran at pinandidirian kasi ang mga tulad ko. Ikaw lang ang taong itinuring ako na parang normal, hindi ka natatakot at nandidiri." Well, I remember our first meeting. Natakot at nandiri rin ako sa kanya. "Siguradong kapag nalaman ito ng mga kaibigan ko sa Scavin Guard, maiinggit sila sa'kin." Napangiti ako. That's heartwarming. I slowly tap his head then I removed my wrist watch and hand it over him. Namilog ang mata nya. "Tanggapin mo ito bilang tanda ng pasasalamat ko sa kabaitan mo, Toben. At para din maalala mo ako." Isinuot ko iyon sa kanya. "Sa aming munod, ang tawag dito ay relo o wrist watch... Dito tinitingnan ang oras, pero simula ng dumating ako dito ay tumigil na sya sa paggalaw." He made a face and tears ran down his cheeks. Naiiyak na din ako pero idinaan ko na lang sa pagtawa. "Puwede ka ng umuwi, Toben." "Pero, Binibining Frances, may hindi pa ako nasasabi sa inyo." Kumunot ang noo ko. "A-Ano iyon?" "Mukha kasing may kaibigan ka sa isa sa mga Greco kaya pagkatapos kong makakuha ng mapa ay hinanap ko sila..." Pumasok kami ni Toben sa isang gusali na punong-puno ng mga kalalakihan, napakaingay at puro hiyawan. Sa labas ay nagkalat naman ang mga kabayo. I cover my mouth with my hand when I saw Siege fighting someone. "Siguradong nasa paligid lang ang kaibigan mo, Binibini." Pagkatapos matalo ni Siege ang kanyang kalaban ay itinaas nya ang kamay habang maangas na sumisigaw. The contentment in his face, the happiness in his eyes... Kitang-kita ko iyon. Like hurting that guy is really his pleasure. This is Siege. The vampire who can cast instant death and at the same time who can take away any pain. And of course, the vampire who can't control his bloodlust. Malungkot akong ngumiti. Kaya pala hindi mo man lamang ako narinig ng tawagin kita. This is their life and I don't have the right to stop them. Wala ako sa posisyon para pigilan sila. Hindi ko hawak ang utak nila, wala akong magagawa kung ito ang mundong pinili nila. "Akala ko ho may kaibigan kayo sa mga Greco? Bakit kayo lumabas, Bimibining Frances?" Nagtatakang tanong ni Toben nang makalabas kami. Pinunasan ko na ang mata ko bago pa tumulo ang luha saka humugot ng malalim na hininga at pilit na nginitian si Toben. "Sasamahan mo ba ako hanggang Hostcadia, Toben?" He nod his head continuously. Kahit paano ay sumaya ako sa ginawa nya. Kahit mabigat ang loob ko at kahit labag sa loob ko ang pag-alis. Kailangan. This is not my world, this is not my life. I don't belong here. I don't have a place here. Tinititigan ko ang mapa ng Aztheiodia habang naglalakad na naman kami ni Toben. Buti nga at nakakuha ako at ito ng pagkain sa kastilyo. We've been walking for almost an hour and Toben keeps on blabbing about his life. He's actually thirty-nine years old. Ang mga tulad daw nila ay nabubuhay ng matagal. Nagkatinginan kami ng makarinig ng ingay, tila ba niyayanig ang kalupaan at ang sigawan ay umaalingawngaw. "K-Kailangan na'ting m-magtago, Binibining F-Frances." May pagkabalisang sabi nya. Sinubukan naming tumakbo at magtago pero huli na dahil pinalibutan na kami ng mga kabayo. Mahigpit kong hinawakan ang nanginginig na kamay ni Toben. Bumilis ang t***k ng puso sa takot para sa'kin pero mas nag-aalala ako kay Toben. Sisisihin ko talaga ang sarili ko kapag napahamak ito. Sinubukan kong tingnan ang mga lalaking nakasakay sa mga kabayo, may partikular na lalaking hinahanap. May sumigaw na lalaki sa kanilang likod, matigas at puno iyon ng awtoridad. Mukhang ang hari nila, hanggang sa gumilid sila at naglakad palapit sa'min ang puting kabayo na may nakasakay na lalaki. He have hooded grey eyes, drooping lips, long midnight hair and nubian nose. Mayron syang peklat sa pisngi, I don't know if it's a cross or ekis. Nakasuot sya ng kwintas ng ngipin ata ng mga hayop, sana nga sa mga hayop iyon. May mga peklat din sya sa dibdib. Nahigit ko ang hininga ng titigan niya ako. Nakakatakot sya pero kahit ganon ang aura nya, hindi pa rin maitatago ang kakisigan at kagwapuhang taglay nya. I mean, all of them are handsome. They all have perfect face and body even though they have scars. Para atang wala sa kanilang pangit at patpatin, puro gwapo na may mga muscles at abs. Nag-usap sila in their native language and it's really foreign to me. Para silang nagsisigawan, parang mga galit. Mas natatakot tuloy ako. "Nagustuhan ka nila." Namumutla ang pisnging tiningnan ko si Toben. Kulang na lang ay lumuwa ang mata ko. Please, be specific sa 'nila', Toben dahil mas kinakabahan ako sa iyo. Nagkamot sya ng tenga. "Natipuhan ka ng... Sampong lalaki, Binibining Frances." My jaw dropped, parang gusto kong tumakbo na lang palayo doon. "Ako si Castriel Phanzoldic, ang hari ng Griegoville... Anong pangalan mo, Binibini?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "F-Frances Beltran!" His brows furrowed. "Nagustuhan ka ng sampo kong kasamahan at may batas, sana alam mo iyon." Dahan-dahan akong tumango, nagsigawan naman ang mga kasamahan nito. "Kung ganon ay ihanda mo ang sarili mo dahil isa sa mga kasamahan ko ay dapat mong pakasalan..." Marami pa syang sinabi pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Kung anu-ano ang tumatakbo sa utak ko sa isiping ikakasal ako dito. Ayaw iyon tanggapin ng utak ko. May naaninag akong papalapit na kabayo. My heart pounded wildly and I immediately looked at the man who's riding that horse. Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng matitigan ang asul na mata ni Siege but he didn't say anything. He's just staring at me like I'm some kind of stranger to him. Nagbaba ako ng tingin, I clenched my fist. Actually, I'm not expecting anything from him. Pinisil ni Toben ang kamay ko, tila ba pinapagaan ang pakiramdam ko. "Gusto kong lumaban." Lahat ng iniisip ko, alalahanin, takot at pangamba ay nawala ng magsalita si Siege. I pressed my lips together and stared at him. My heart drummed in my chest when the corners of his mouth turned up then he wink at me and talked in a voice that full of confidence, faith and conviction. "Gusto ko siyang pakasalan..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD