Chapter 1: They Said I'm Cupid

1193 Words
CUPID September 29, 2019 My life is so boring. Love is getting boring. Filipino are fond of cliche love story, and I'm getting bored. How I wish na pwede ko silang panain lahat, figuratively, of course! I don't need to be an expert in archery nor someone with small flappy wings, who's equipped with bow and arrow. Humans call me Cupid, but I actually don't have a name, pero dahil parang cute naman I started calling myself- Cupid. As of the moment, I am Cooper, a human barista in a cafe. Bagot na bagot na talaga ako kaya sinubukan ko makisalamuha sa mga Pinoy na ito, pero wala pa rin akong nakuha maliban lang sa bagay sa akin ang uniform at apron ng cafe na pinagtatrabahuan. "Excuse me, can I have one Americano, please." Di ko man lang namalayan na may costumer na pala. "Hot or Iced, Ma'am?" Bigla siyang lumingon sa palibot kaya nakilingon na rin ako. It's only 10:00 am, kaya wala pang masyadong tao sa cafe, madalas marami pag 10:30 am or 3 pm kasi break times dumadagsa ang mga employees ng mga kalapit na business offices dito sa cafe. May malapit ding university kaya marami ring estudyanteng customer. "Ako to si Psyche. Duh! Ganyan na ba kaganda ang human form ko para 'di mo ako makilala." If I'm not mistaken, according to the mythology Psyche is my lover, but I am not in a relationship sa bruhang ito.. Ni hindi ko man lang nga siya type. Katulad ko wala rin siyang pangalan pero ginagamit niya yung Psyche, kasi siya ang assigned sa kalooban ng isang tao. "Iww, do you think you're pretty because nagpa-blonde ka ng buhok? Sorry to tell you this, hindi bagay sayo, Psyche." "Don't call me that! Grrrr! From now on, call me Sana because you're gonna say more, more, more, more and more~" Sana all, maraming time mag-fangoddessing. "Kamukha mo nga naman si Sana." "Diba? Diba? I know right. Sa gandang kong 'to.” "Oo, kamukha mo nga yung kuko sa paa ni Sana.” Biglang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya, well totoo naman mukha siyang kuko. "Alam mo para kang ga—" "Bawal!" Sabi ko sabay turo sa taas, alam kong mumurahin niya ako. "By the way, share ko lang I am currently flirting with a higher god and we travelled.... to the future. Ano pa lang ba ang date ngayon?" Tanong niya na may pang-aasar. Siya pala yung may masamang kalooban. "September 29, 2019. Ang landi mo naman." "Yes, I know right, hindi katulad ng kilala ko hindi marunong lumandi.” Sabi niya habang tinitingnan ang kayang mga kuko na mukhang bagong manicure. "Ay pwede ka na palang lumabas." "Joke lang."  Sabi niya sabay hawak ng kamay ko na nakapatong sa counter. "Ewwww!" "Cooper, libre naman diyan oh, Iced Americano lang." "Ayoko nga. Marunong kang lumandi pero wala kang pambili ng kape?" "Damot mo." "May balak akong tumagal sa pakikipagsalumaha sa mga taong ito, at kailangan ko rin naman ng pera ma-enjoy ang mga bagay sa mundong ito, as if naman kaya kong gumawa ng pera gamit ng kapangyarihan ko kasi kung oo, kahit ito mismong cafe ibigay ko pa sayo ng libre." Kinuha niya ang wallet niya para kumuha ng pera. "Oh! Ayan, may tip pa 'yan." "Char! Salamat. Saglit lang, Madam Sana." I started preparing her order, and because may kalakihan ang tip na binigay niya 'di ako nag-atubiling kumuha ng slice ng cheesecake. Pagbalik ko sa counter ko ay wala na siya, naglakbay ang paningin ko sa palibot ng cafe at nakita ko siyan nakaupo sa bandang dulo ng cafe. "Star, pabantay saglit may kakausapin lang ako, 'di naman ako tatagal." Sabi ko sa ka-trabaho ko. "Okay." Lumabas ako sa counter dala dala ang Americano at ang platito ng cheesecake at naglakad papunta sa kanya. "Here." "Oh! Cheesecake. Thank you, Coop." Umupo ako sa upuan na kaharap niya. "Are you busy these days? Minsan ka na lang ditong bumibisita rito ah." Kinuha niya ang kutsarita at kumuha ng kaunting cheesecake at kumain. Kitang-kita ko kung paano siya kiligin dahil lang sa desert. "Wow! mag-iisang buwan ka palang dito uy." I didn't bother to answer her, I just shrugged my shoulder. Nilapit niya ng kaunti ang mukha niya sa akin. "Actually, I created a game para sa mga piling taong may- alam mo na, 'di gaanong kabutihan ang puso. Para 'di ako ma-bored." "Pero Psyche—" "Sana!" "Pero Sana, guide lang tayo, you're just causing an imbalance." "Sus! Honestly, as long as sila lang ang nakakaalam ng laro, walang masiyadong imbalance na mangyayari. Sinigurado ko rin na parte iyon ng rules ng game. Oh! Diba, nakakatulong na ako, 'di pa ako bored at the same maiiwasan ko ang mga malaking imbalance sa mundong ito." "Butterfly effect? Domino effect? Hindi mo ba alam existence ng mga 'yan? Imposibleng walang imbalance sa natural flow ng mundong ito ang ginawa mo? Tsaka baka mapagalitan ka sa taas." Uminom muna siya ng iced coffee bago niya ako sinagot. "Hindi naman ako nagmamalinis, Cooper, siguradong may imbalance sa natural flow ang ginawa ko, especially na alam nila ang existence ko pero dahil sa ginawa kong rules siguradong yung tatlong player ko lang ang makakaalam, kaunting imbalance lang iyon uy kung iisipin. You should try, Coop." Kinutsara niya na ang whipped cream sa taas ng baso at sinusubo. "Ayoko." "Yung counter part mo sa— 'di ko na papangalan kung anong bansa, ang taas ng divorce rate dahil kahit sino sino lang pinapares." "Anong punto mo ngayon?" "But that created a good effect dahil mas nagiging mapili na sila after. He teaches them lessons through bad romance." "Woah! Is that something to be proud of?" "Of course hindi, hindi naman siya sa Asian countries, individualistic sila roon masyado eh." Napa-face palm na lang ako. "Cooper, ang punto ko lang, lagyan mo naman ng twist trabaho mo, ikaw lang naman ang nagbo-bored sa sarili mo. Akala mo hindi ko alam na nag-request ka para magpa-switch ng country. Hoy! Kahit saan ka ilagay, kung puro nabangga, nahulog ang libro, pinulot o kaya chat chat lang ang scheme, you'll just get bored kahit sa Korea, Thailand, Brazil o Spain ka pa ilagay." Sabagay, may punto naman siya, ayoko sa mga cliche without realizing na ako mismo yung cliche. Napa-buntong hininga na lang ako. "Ayoko pa rin." "This might help you to decide." She pointed her index finger upwards. "Ano?" Tanong ko. "Actually may nakakaalam sa ginagawa ko, hindi man siya yung pinakamataas pero malapit siya sa pinakamataas. Guess what?" "Guest what! Guess what! Pang nalalaman, sabihin mo na lang kasi." "Hinayaan niya." "As in?" "Yes po. Kaya kung ako sayo, Cooper, you stay here in the Philippines, cancel your request, create a game, create rules, find the fitted players for the game, dalawa o tatlo is enough and enjoy your stay here, kasi next year may-virus na kakalat sa mundo, bye." Bigla siyang tumayo at naglakad palabas 'di ko na siya sinundan ng tingin pero narinig ko ang mga door chimes, indikasyon na lumabas na siya. Game nga ba ang solusyon sa pagkabagot ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD