Chapter 34: Guilt

1256 Words
HIREIN'S POV Nagising nalang ako ng may tumamang mainit sa mukha ko.Dinilat ko ang mata ko at agad na napapikit dahil sa sinag ng araw agad akong bumangon at nag-inat.Sinuot kona ang salamin ko at pumasok sa cr ng kwarto ko. Paglabas ko ay agad kong inilugay ang buhok ko at sinuklay iyon. Ipinuyod kona ang buhok ko ng lahatan at binilot iyon. Bumaba na ako at may nakita akong pamilyar na tao sa baba ng hagdan.Kahit nakatalikod sya ay kilalang kilala ko sya.Agad akong napangiti. Nang nasa ika sampung hakbang nalang ako sa ibaba ay agad na humarap sakin yung babae.Nakangiti sya sakin. "Grandma!" Hindi na ako humakbang dahil tumalon na ako,agad ko syang niyakap."Waaahhhh!Grandma namiss kita!"sabi ko habang yakap yakap sya narinig ko naman na mahina syang natawa. "Namiss din kita,Apo ko" lalo naman akong napangiti.Humiwalay na sya sakin at ngumiti. "Oo nga pala apo,nandyan yung mga naggagwapuhan mong mga kaibigan" nakangiting sabi ni Lola.Lalo naman akong napangiti. Namiss ko kaagad sila. "Puntahan mo na sila,Apo.Kanina pa sila nag-aantay sayo" "Sige po"humalik at yumakap muna ako kay Lola bago magtungo sa sala. Natawa nalang ako dahil umaakto sila na hindi sila magugulo.Mga painosente sila ngayon.Lahat sila ay tahimik at prenteng mga nakaupo sa couch. "At kelan nyo balak magpanggap na mababait kayo?" Nakangiti kong sabi.Napatayo naman sila at sabay sabay na nagwika. "Princess!" Maliban lang kay Clint na diretso lang ang tingin sakin. "Feeling mababait,huh?" Nakangisi kong sabi,napakamot naman sila sa batok nila. "E nakakahiya naman kasi Kung mag-iingay kami e" "Oo nga" "#mabait" Mahina naman akong natawa. "Aga nyong pumunta ah,anong meron?" Tanong ko. "Tanghali ka lang gumising" sabi ni Jack. "Binibisita ka rin!" Sabi nung apat,agad naman uli akong napangiti. Nabigla nalang ako ng may biglang pumikit sa noo ko.Sinamaan ko naman ng tingin ang lapastangang tao na yun. "Masakit yon ha" sabi ko habang hinihimas ang noo ko.Seryoso lang syang nakatingin sa akin kaya agad akong nagtaka."Bakit?" "Bakit nagbake ka ng cake kahapon?" Agad naman akong natigilan at umiwas ng tingin,nasa akin ng paningin ng buong SE. "I just want to say thank you" sabi ko sabay tingin sa baba. "At pano kung mabinat ka?" Kahit hindi ko sya tignan alam kong seryoso sya,lagi naman. "Hindi naman e.At tsaka malakas na ako" nag-angat ako ng tingin at nginitian ko sya habang taas baba ang kilay ko.Tinignan nya lang ako ng seryoso kaya napanguso ako."Magaling na kaya ako"inilibot ko ang paningin sa kanilang lahat at lahat sila ay nakatingin ng seryoso sa akin. Hala!Galit ba sila?...... "Hoy!Galit kayo?" Tanong ko sa kanila,agad naman silang nagsiiwasan ng tingin."Hoy!"hindi parin sila sumasagot,umaarte sila na parang walang naririnig. Yung iba nagcecellphone Kahit naka off ang phone nila.Yung iba naka headset hindi naman nakasaksak sa cellphone. Yung iba naman ay nagbabasa ng libro,baliktad naman. Napanguso naman ako. "Hoy!Sorry na,hindi kona uulitin" nakanguso kong sabi.Hindi parin nila ako pinapansin.Parang gusto ko ng umiyak.Kinuha ko ang isang throw pillow at ibinato dun sa apat pero hindi nila ako pinapansin. Galit nga sila... Nangilid na ang mga luha ko at tinalikuran sila.Naramdaman ko naman ang pagtitig nila sa akin pero hindi kona iyon pinansin. Nakasalubong kopa si Grandma pero hindi ko sya pinansin. Agad akong tumakbo paakyat ng hagdan at ng mapasok ako sa kwarto ko ay pabagsak kong isinarado ang pinto. Humilata ako sa kama at nagtalukbong.Umiyak din ako ng umiyak hanggang sa nakatulog ako. Wag nyo kong pansinin, e di hindi ko rin kayo papansinin. ---* KYLE'S POV "Hala!Nag walk out!" Bulaslas naming apat nung talikuran kami ni Princess. "Hala!Galit nayon" "Panigurado" "Nagtatampo?" "Nagjojoke lang naman tayo e" Samo't sari ang kanilang mga komento ng mag walk out si princess.Bakit nga ba hindi namin sya pinansin? Hindi ko rin alam kung bakit hindi namin sya pinansin e. "Sino ba kasi ang nagsabing wag pansinin si princess?" Iritang tanong ni Cris.Nagkatinginan naman kami at nagkibit balikat. "Malay" "Nakisabay lang ako sa inyo" "Ako din" "Kung ako sa inyo,mag so sorry nalang ako sa Apo ko" agad naman kaming napatingin sa babaeng papalapit sa amin na may dalang tray.Sa pagkakaalam ko ay Lola sya ni Princess. Natahimik kami. "Alam nyo ba,na kayo ang unang sinuyo nyang Apo ko?" Nabigla at Nagkatinginan kami.Kami ang unang sinuyo ni princess?."Hindi yan marunong magsorry, kaya nga nagtaka ako kung bakit nagsorry sya sa inyo" Natahimik kami at nakinig sa sunod na sasabihin ng Lola ni Princess. "Hindi rin yan marunong manuyo,kaya umalis nalang siguro" lalo kaming natahimik. "Nung nakasalubong ko sya kanina,parang maiiyak na sya.Namumuo na ang mga luha sa mata nya" nakaramdam ako/kami ng guilt. "Kaya hindi ako magtataka kung bababa syang namumugto ang mata" "Nagbibiro lang naman po kami e" sabi ni James sabay nguso. Natawa nalang ang Lola ni Princess. "Kung biro lang sa inyo yon,sa kanya hindi" agad naman kaming nagtaka. "Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Mike.Ngumiti uli ang matanda.Mapait na ngiti. "Sa tuwing may nagagalit sa kanyang tao ang akala nya wala syang kwenta at napaka tanga nya" lalo naman kaming natahimik. "Ginagawa nya ang lahat wag lang syang kagalitan ng taong malalapit sa kanya" kwento nya sa malungkot na boses."Alam nyo ba ang sabi nya sakin nung gabing nakausap ko sya sa telepono?" "A-ano po yun?" Tanong ni Vince. Ngumiti uli ang matanda.Isang matamis na ngiti. "Nagpapasalamat daw sya na dun sya nag-aral sa Grillian,dahil nagkaroon nya ng mga kaklase at kaibigan na itinuturing daw syang isang prinsesa", lumunok muna si Lola bago mag patuloy." Nung nakaraang gabi naman,tumawag sya sakin,umiiyak sya" "Bakit po sya umiiyak?" Tanong naman ni Jack. "Kasi nakatanggap daw sya ng regalo mula sa taong nagpapasaya sa kanya na hindi nya nakuha sa boyfriend nya" "Huh?" "Ano po?" "Hindi ko po gets" "Ako rin po" Mahina namang natawa si Lola. "Kahit kailan,hindi sya nakatanggap ng regalo mula sa boyfriend nya" mapait syang ngumiti. "Tanging kayo palang ang nagbibigay sa kanya ng ibang bagay" "Ibig pong —" hindi na natapos ni Mike ang sasabihin nya ng Tumango at ngumiti ang Lola. "Oo,kayo. Kayo ang kauna-unahang nagbigay ng saya sa Apo ko.Kaya sana wag nyo syang iiwan dahil naaawa na ako sa kanya" malungkot nitong sabi."Importante kayo sa kanya kaya nya kayo iiyakan"Nagulat kami sa sinabi ni Lola. Akala ko baliwala lang kami sa kanya. Napatingin naman kami sa may hagdanan ng bumaba si princess. Hindi man lang nya kami pinansin o nilingon. Pagbalik nya ay may hawak na syang Chuckie at at isang balot ng cupcakes. Bago pa makahakbang si Princess ay nagsalita na si Tita Hira. "HEIRA,sweetie! Hindi kaba kakain?Maglalunch na?" Sigaw ni Tita mula si Kusina. "Wala po akong gana" sabi nya sa malungkot na tono at umakyat na. Nagkatinginan naman kami at nakaramdam ng guilt. "Wala din syang gana Kumain kapag malungkot sya" wala nang nagsalita sa amin kaya ang buong sala ay natahimik hanggang sa nagpaalam na si Lola Carmen. Sorry princess, hindi namin alam.Sorry....sorry.....talaga. "Anong gagawin natin?" Rinig kong tanong ni Jack. "Hindi ko alam" "I think we need to say sorry to her for hurting her feeling" agad kaming napatingin kay Clint ng sabihin nya yon.Seryoso lang syang nakatingin sa tiles."We promised to her na hindi natin sya sasaktan"seryoso nyang sabi. Lumapit kami kay Lola Carmen para magtanong kung anong dapat gawin para pansinin kami ni Princess. Hindi daw kasi sya namamansin kapag may galit sa kanya. Hindi rin daw sya kumakain,walang gana.Hindi rin daw sya lumalabas ng kwarto nya at umiiyak lang daw magdamag. Pinakain muna kami ni Lola Carmen at Tita Hira bago suyuin si Princess. ***? Please vote and comment. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD