HIREIN'S POV Nagmamaneho ako ngayon papunta sa restaurant na tinext ko kay Selene kung saan kami magkikita-kita.Nagmamadali ako sa pagmamaneho dahil nalate akong nagising. Pag-uwi ko kasi dito sa bahay galing mall ay agad akong natulog dahil sa sobrang pagod ko kanina.Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko at nakakaputang'na lang dahil magdadalawang oras na akong late.Eight ang sabi ko ng oras ng pagkikita-kita pero mag teten na. Pagkapark ko ng kotse ko ay agad akong lumabas ng kotse at patakbong pumunta sa restaurant. Malayo palang ako ay nakikita kona ang mukha nung apat na mga nakabusangot at sa tingin ko ay ako ang dahilan dahil late ako.Tanay na tanaw ko ang salubong na kilay ni MJ.Dahil glass wall ang dingding ay nakita ako ni Heaven kaya naman tumaas ang kilay ko kaya nagpilit ak

