HIREIN'S POV
"Class dismissed" sabi ni Sir Cuballes bago lisanin ang silid.
Pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad na napatingin sa gawi ko ang mga kasama ko sa loob ng silid.Nagsitayuan sila at lumapit sa gawi ko.Ngayon pinalilibutan nila ako.
Nakayuko lamang ako ng may isang sapatos ang nakapatong sa arm rest ko,nag-angat ako ng Tingin sa lalaking nasa harapan ko.Gwapo,Sungit,maputi at Mukhang makulit.Tinignan ko lamang sya sa malamig na paraan,nakipagtitigan sya sa akin hanggang sya ang unang nag-iwas ng Tingin.
"Hoy!Transfer umalis kana dito dahil hindi ka welcome dito" sabi nung lalaki na nakapatong ang paa sa arm rest ko.
"Alam ko" sabi ko sa malamig na tono."Tingin nyo panga lang ay halatang hindi na ako welcome dito"dagdag kopa.
"E alam mo naman pala e" sabi nya.Ang iba naman ay nakikinig lang sa amin."Kaya makakaalis kana"
"Bakit hindi ikaw ang umalis"
"Inuutusan moba ako?"
"Ano ba ang pagkakaintindi mo?"
"Inuutusan moko"
"Edi inuutusan kita,yan pala pagkakaintindi mo e" sabi ko.Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng mga kasama nya.
"Ginagalit moba ako?!" Impit nyang sigaw.
"Galit Kana ba?"
"Ano sa Tingin mo?!"
"Hindi pa" nagbungisngisan uli yung mga kasama nyan.
"Pare,taob ka pala e" sabi nung isa sabay tawa. Tumawa rin ang iba.Nakita ko naman na umiigting ang panga nitong kausap ko.
"Shut up!" Sigaw nung kausap ko.Natigil naman ang tawanan Pero mayroong mga nakatakip sa bibig nila at nagpipigil tumawa."Dahil sa pang-iinsulto mo sa akin—"hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng magsalita ako.
"Dahil sa pang-iinsulto ko sayo ay paglilinisin moko ng class room sa loob ng isang linggo, right?" Napaawang naman ang bibig nya Pero agad din nya iyong binawi.
"Yes.Because you're new student and for insulting me!"sigaw nya sakin pero Walang effect.
" Are you done shouting at me?"natahimik naman nya."Because I need to go"sabi ko.
Inalis nya ang paa nya sa arm rest ko at lumabas,sumunod din yung mga kasama nya hanggang sa ako malang mag-isa sa room. Great!.
Nagtagal pa ako ng ilang minuto bago lumabas para maglunch time.
Nasa ground floor na ako at nagtatanong kung nasaan ang cafeteria.
"May I asked you?Where's the cafeteria?" Tanong ko dun sa babaeng Mukhang mas bata pa sa akin.Sinabi naman nya sa akin kung nasaan kaya agad akong nagpasalamt
.
***?
CAFETERIA
Nandito na ako ngayon sa caf at Kumakain ng lunch,syempre mag-isa lamang ako dito kasi wala pa naman akong kaibigan.Habang Kumakain ako ay may nakita akong naglapag ng tray sa harapan ko at umupo sa harapan ko,pagtingin ko isang babaeng maganda ang sexy nya sa uniform nya at may magandang ngiti.
"Pwede pa share?" Tanong nya sakin habang may malawak na ngiti.Tumango lamang ako."My name is Heaven Wardy"sabay lahad ng kamay.
"Hirein Abigail Cross" sabay abot ng kamay ko sa kanya at nagshake hands kami.Blangko lamang ang mukha ko habang sya ay ngiting ngiti.
"New student right?" Tumango lamang ako."Me too"Parang batang sabi nya."Can we be friends? "
"Why not" iba na ang tono ng boses ko hindi na sya malamig,normal na lamang iyon.
"Teka?Bakit hindi kapa naka uniform?" Sabay turo nya sa damit ko.
"Ang iksi" sabi ko.
"Oo nga e.Pero masasanay Karin"nag-umpisa narin syang Kumain at ako rin.
Base sa inaakto nya mukha syang masiyahin.Mukha rin syang madaldal.
" What's your section? "She asked.
" Section Eleven"
"E-eleven?" Parang gulat nyang tanong ay hindi pala gulat nyang tanong."Omoooo"bigla syang namula.Anyare dito?
"Bak—" hindi kona natapos ang sasabihin ko ng may biglang nagsigawan,napatingin naman kami don.
"Papa Clinttttt!"
"Crisss!"
"James ang cute mooooo!"
"Kyle ang hot moo!"
"Mas hot si papa Clinttt!"
Napailing na lamang ako sa mga sumisigaw at ipinagpatuloy ang pagkain.Tumingin naman ako ngayon kay Heaven na ngayon ay lalong namula ang mukha.Anyare dito?
"Bakit ka namumula?" Tanong ko,tumingin naman sya sa akin at tsaka ngumiti ng malaki.
"Yung isa kase sa mga kaklase mo crush ko" sabay Iwas ng tingin sakin at namula uli sya."Ihhhhhhh!Kilig ako"sabi nya habang kinikilig. Parang timang e.
"E diba kalilipat mo lang dito e bakit may gusto kana kaagad?"
"E kasi na love at first sight ako hihihi" sabay hagikhik."Hoy!Secret lang nating dalawa to ha?"
"Pano ko naman sasabihin sa kanya e,lahat sila pinaaalis ako sa section eleven"
"Huh?Bakit?" Nag-aalalang tanong nya.
"Hindi ko alam" sabay Tingin sa likuran ni Heaven kung saan nakaupo lahat ng section eleven na lalaki, pagtingin ko ay Nakatingin silang lahat sakin.Kaya agad akong nag-iwas ng Tingin.
"Andami ngang naiinggit sayo e,kasi The Only Girl of Section Eleven ka e" sabay pout haha ang cute nya.
"Sino bang crush mo dun?" Namula nanaman sya.Ang Dali naman kiligin nitong babaeng to.
"Si Cris" naging kamatis na ang mukha nya dahil sa sobrang pula.Ganyan ba talaga kapag may gusto kang tao.Tsk...tsk...tsk..Buti nalang wala akong nagugustuhan haha.
***?
Please vote and comment.
Thank you!