HIREIN'S POV "Princess!" Mariin akong napapikit ng sinigaw nila ang tawag sakin.Dahan-dahan kong minulat ang kanang mata ko sunod naman ang kaliwang mata ko. "Si Princess nga!" Sabay sabay na sabi nung apat.Nanatili parin akong nakatalikod at hindi sila nililingon. Ramdam ko ang tingin nila sa akin. "Princess! Waaaaaa!Princess!" Sigaw ni Eyan at nakadinig pa ako ng palaklak at sa tingin ko ay sa kanya galing iyon. Dahan-dahan akong lumingon sa kanila at ng magtama ang aming mga paningin ay agad na nagliwanag ang mukha nila.Hindi na ako Tumingin kay Clint at Ella dahil baka masira ang maganda kong mood na makita ang Eleven. Dahan-dahan akong ngumiti na sa tingin ko ay naging ngiwi. "Hi" Nakangiti kong sabi sabay ngiti ng pagkalaki-laki sa kanilang lahat,syempre maliban doon sa dalawan

