Chapter 11:Mysterious Girl

1266 Words
HIREIN'S POV Napatigil ako sa akmang pagpasok ng ko ng makita ko ang buong SE na nasa sulok kung saan nakaupo sina Clint at Cris. Hindi maingay.Hindi magulo.Payapa.Isa lang ang masasabi mo. Isang Himala. Pansin ko rin ang pagiging seryoso nila,mukang seryoso ang pinag-uusapan nila ah. "Ehem!Busy!Busy!" Pag-epal ko,masyado kasing seryoso ang Mukha nila. Napatingin naman sila sa akin.Nagulat nalang ako ng patakbong yumakap sakin si James na sinundan ni Jinjin,Kyle at Eyan.Lalong nangunot ang noo ko.Anyare sa kanila? Narinig kopa ang mahinang paghikbi nung apat.Ano ba talagang nangyayari?. "Huy!Anyare sa inyo?" Tanong ko habang nakayakap parin sila.Hindi sila sumagot."Huy!Anyare sa inyo?"pag-uulit ko,kumalas sila sa pagkakayakap sakin at pinunasan ang luha nila. Sinilip ko sila Cris,mga nakayuko ang iba habang si Cris naman ay naman ay nakatingin SA akin at kapag nagtatama ang paningin namin ay umiiwas sya ng tingin.Si Clint naman ay nakatingin sa akin at nang magtama ang paningin namin ay agad akong nag-iwas. Lumapit ako sa teacher's table at umupo doon.Pinag cross ko ang braso ko at isa isa silang tinignan. Napakunot ang noo ko ng mapansin ko ang pasa sa mukha ni Cris kahit may cream na kakulay ng balat nya.Ganon din ang iba. Tinignan ko naman ang iba at agad akong nagtaka dahil suot nila ang mga coat nila.Hindi naman sila mahilig magsuot ng coat ah,bakit may suot sila?.Agad na nanliit ang mata ko. "Hubadin nyo ang coat nyo?" Gulat silang tumingin sakin. "Pero—" pinutol ko ang sasabihin ni Kyle ng magsalita muli ako. "Walang pero pero!h***d!" Sabi ko habang seryso ang Mukha nila.Napakamot naman sila sa ulo nila at dahan dahan na hinubad ang coat nila. Napataas ang kilay ko ng makita ko ang mga sugat sa mga braso nila.Nakayuko muli sila. "Nakipag away ba kayo?" "Hindi!Nadapa kami" agad naman na siniko ni Eyan si Jin. "Ang totoo talaga nyan ay naghabulan kami" sabi naman ni Kyle siniko naman sya ni James. "Nanood kasi kami ng rumble,kaya naparambol din kami" siniko naman ni Jin si Eyan. "Hirein,pwede humingi ng favor?" Siniko ni Kyle si James. "Ano yun?" "Pwede MO ba akong ibili ng sako sakong asin?" Napataas naman ang kilay ko. "Aanhin mo ang asin?" "Kakainin —ay!mali!Basta" sabay kamot ng batok. "Anong nangyari dyan sa mga sugat at pasa nyo?" Walang sumagot sa kanila."Sagot!"sigaw ko.Nakita kopa ang pagatras nina James,Kyle,Jinjin at Eyan dahil napaatras sila. "K-kasi...A-ano" sabi ni James. "Ano?" Seryoso kong sabi. "S-sinubukan kaming gahasain ng singkwentang Bakla" "Yung totoo?" "Yun ang totoo" "Hindi ako naniniwala" "E di huwag" agad naman syang siniko ni Kyle. "Ano nga ang nangyari?" Seryoso kong sabi.Habang kinakawag kawag pa ang paa. "NAPAAWAY NGA!" Sigaw ni James. "BAT KA SUMISIGAW?!AAMIN KA RIN PALA!" Sigaw ko naman sa kanya.Agad syang napatakip ng bibig nya ng marealize nya na nagsabi sya ng totoo. Ngumisi ako."So,nakipag away nga kayo" "Paulit-ulit!Paulit-ulit ang kulit!" Agad namn na binatukan ni Kyle at Jinjin si James. "Ibili nyo ang ako ng Isang sakong asin ng maibudbud kay James" seryosong sabi ko.Nanlalaki naman ang mata nya na Tumingin sakin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng mapigilan ko na matawa. "A-asin?" Nanlalaking mata na sabi nya. "Joke lang hehehe" sabi ko sabay ngiti.Inirapan naman nya ako at pakembot kembot na lumapit kina Cris. "Bakla!" "Gwapo naman" "So Bakla ka nga?" "Hmp!"napahalakhak naman ako.Tsaka ko napag tanto na nakatingin silang lahat sa akin kaya tumigil na ako. Patalon akong bumaba ng teacher's table at pumunta sa book shelf para kunin ang first aid kit at bumalik sa teacher's table ng makuha iyon. " James,lapit"sabi ko agad naman na nangunot ang noo nya.Naihipan ko nalang ang imaginary bangs ko."Gagamutin ko yang sugat"lumapit naman sya at sinimulang gamutin ang sugat nya. Hanggang sa nagamot kona silang lahat.Nanatili parin akong nakaupo sa teachers table habang sila ay mga nakaupo na sa kani-kanilang silya. "So,ano ngang nangyari?" Tanong kosa kanila. Kinuwento nila sa akin ang nangyari simula nung hindi na ako bumalik sa cafeteria hanggang sa dumating yung misteryosang babae. "Grabe!Ang galing nya talaga!" "Sinabi mo pa!" "Simula ngayon crush kona sya!" "Simula ngayon asawa kona sya!" "Simula ngayon anak kona sya!" "Akin lang sya!" Nagtalo talo silang lahat dahil pinag-aagawan nila yung misteryosang babae.Maliban lang kay Clint at Cris. Natahimik ang lahat ng magtanong si Eyan."Teka nga, Hirein, san kaba nagpunta at hindi kana bumalik?"lahat sila ay nakatingin sa akin at nag-aabang ng sagot ko. "Sa dorm,dinalaw ako ng antok e.Tsaka sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sa inyo" sabi ko. "Akala nga namin ikaw yung babaeng nasa big screen kanina e.Nakapiring kasi tapos may busal ang bibig kaya di namin nakilala." Sabi ni James habang nakatingin sa kawalan na animoy inaalala ang lahat. "Tsaka nakalugay ang buhok nya at natatakpak ang Mukha nya ng buhok nya" dagdag naman ni Eyan. "Pag nakalugay, hindi ako yun dahil hindi ako sanay na nakalugay ang buhok" sabi ko habang taas baba ang kilay. "Tsaka akala talaga namin ikaw yun,biruin mo nirape yung babae tsaka pinahirapan" dagdag naman ni Kyle. "Nirape!?" Tumango naman sila."Kawawa naman"sabi ko habang umiiling."Teka,pano nalaman nung babae na nasa dorm at ligtas ako?"tanong ko,nagkatinginan naman sila. "Ewan namin!" Sabay sabay na sabi nung apat na isip bata. Natigil lang kami sa pag-uusap ng dumating si sir Cuballes at binalita na sa isang linggo na daw ang alis at hindi na sa biyernes. Nadeley daw kasi nawawala daw yung panty nung principal. Char! Kinagat ko muli yung labi ko para magpigil ng tawa dahil naalala ko nanaman yung sinabi ni sir kung saan kami pupunta. --- CAFETERIA Kasama kong muli kumain yung buong section eleven,hindi nadaw nila ako papayagan na Kumain ng mag-isa dahil baka daw madukot ako,sabi ni Mr.Poker face. "Cr lang ako" sabi ko sa kanila sabay tayo. "Sama kami" sabi nung apat na isip bata. "ANO!?" Tanong naming lahat maliban lang kay Mr.Poker Face na poker face parin. "Sa labas lang,baka madekwat si Hirein e" sabi ni Kyle. "Wag nga kayong OA,ang lapit lapit lang ng cr oh" sabi ko.Hindi naman kasi ako lalabas ng cafeteria dahil may cr ang cafeteria dito. "Sige na" sabi nung apat sabay nguso.Napailing nalang ako at lumakad na. PABALIK na ako sa upuan namin ng may humarang sa harapan ko.Agad naman na nangunot ang noo ko ng napagtanto ko na sila yung nantrip sakin.Biglang tuloy sumabog yung dugo ko. "Anlakas mo rin na agawin ang mga asawa namin,no?" Malanding sabi nung leader nila. Sino namang asawa nila. "Sinong asawa?" "Sila" bigla nilang tinuro yung buong section eleven na ngayon ay nakatingin sa amin. "HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa ko,tumaas naman ang kilay nila.Lalo na yung leader nila na hanggang bunbunan ang taas."Mga Mukhang baluga yang sila,pero hindi sila pumapatol sa baluga HAHAHA!"sabi ko,at tumawa pa ako ng parang Walang bukas. "What's did you sabi?" "Who's baluga?" "Kayo HAHAHAH!" Tawa ko. Akmang sasampalin ako ng leader nila ng tabigin ko ang kamay nya at ng akmang sasampalin ko sya ay tumigil ako. Tumingin ako sa kamay ko na handang ihampas sa mala basahang Mukha nya ng itiklup ko iyon at agad na sinapak sya sa Mukha. Sinalo sya ng dalawa nyang alipores dahil nakatulog sya. "Good night,sweetie" nakangisi kong sabi sabay talikod. Nakaramdam naman ako ng may sumbunot sakin,humarap ako dun sa sumabunot sakin at pinaningkitan ko ng mata. "Ang ayoko sa lahat ay yung ginugulo ang buhok ko" gigil kong sabi,sabay suntok sa kanan nyang mata. Tumingin naman ako dun sa isang natitira at agad na umiling-iling na parang sinasabi na wag ko syang saktan. Tinalikudan kona sila at bumalik sa upuan ko na naka poker face. Nakaganti din ako. ***? Please vote and comment. Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD