PROLOGUE

592 Words
This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the production of author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or non-living, or actual events is purely coincidental. Plagiarism is a crime punishable by Law. © All Rights Reserved 2023 START: February 23, 2023 ENDING: ONGOING _________________________________________ PROLOGUE Sylvia's POV Nakakainis naman, bakit ba kasi kailangan lagi akong nandito. Nagmemeeting na naman sila Dad sa walang kabuluhang business. *boogsh* "Bumabagsak na ang shares namin. Hindi maari ito Mr. Domingo." hampas ni Mr. Tan sa mesa na ikinagulat ko sa kinauupuan ko. "What is your Action Plan Mr. Domingo regarding this matter?" sabi naman ni Mr. Lim "That's right, our sales is going down in the market? May ginagawa ka na bang paraan para mabawi ito?" Mrs. Lim "Gumagawa ako ng paraan para mabawi ang lahat. Nagkakaroon lang tayo ng crisis." paliwanag ni Dad. "What kind of crisis?" muling hampas ni Mr Tan sa lamesa. Napatingin naman sa akin si Mr. Tan. "Owwww, I see the problem. Her?" turo nito sa akin. Napatingin naman ako sa paligid ko at ako lang ang nakaupo sa pwesto ko. So Ako nga ang tinuturo nito?! "Me?" turo ko din sa sarili ko. "YES, YOU! You are the reason why your company is getting down SPOILED BRAT" diin namang sabi nito. "That's right, hindi natin kailangan ng isang katulad niya na nagpapabagsak ng negosyo natin. Pangit sa negosyo yan. Walang pakinabang." sabi naman ni Mr. Finn "Kapag wala ka pang ginawang plano dito Mr. Domingo. You know me!" sabi ni Mr. Tan. Tumayo naman si Dad. "Don't get me wrong Mr. Tan, my daughter is the Alas for Mr. Sylvania's wealth and Please everyone, You may calm down." pagpapakalma nito pero pansin ko na kay Dad na naiipit na ito sa sitwasyon. "Mr. Slyvania? The Billionaire in Greece?" Mrs. Wreckman. "Yes, He is." ngiting sabi naman ni Dad. Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. "Wait, ipapain niyo ko?" biglang tayo ko ng maintindihan ko ang pinag-uusapan nila tungkol sa akin.. "Yes Honey, ikaw lang ang magiging huling baraha ko para kay Mr. Sylvania. Kaya sana , sundin mo ako for this time." pamimilit nito. Hindi ko naman nagustuhan ang sinabi nito. "W-wait? I'll do this for no reason? NO WAY DAD, AYOKO! Ayokong matulad kay Ate. " padabog kong alis. Nang malapit na ako sa pinto ay hinablot ako ni Mr. Tan. Pumiglas naman ako pero mas malakas ito kahit nasa 50 anyos na. "Bumabagsak na ang company ng Dad mo pero ang ugali mo kasing gaspang ng semento! You'll do everything para makabalik lahat ng investments namin or I will KILL YOU!!" tiim bagang titig nito sa akin. Natakot ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin. Pero pumipiglas padin ako. " NOOOO, I HATE YOU ALL!" pwersa kong tulak sa kanya. Natumba naman ito pero nakahawak agad siya sa mesa. Nang may pagkakataon akong makawala sa kanya ay tumakbo ako palabas para makabalik sa office ko. Narinig ko naman si Dad na tinatawag ako pero matigas na kung matigas. Hindi ako papayag sa gusto nila. Yes, I'm spoiled brat pero hindi ko naman maatim na ipain sa isang negosyo para lang sa kanila. So gross. Mamaya napakatanda na ng taong yun. Ewww. "Tin, pakiasikaso muna dito. Aalis lang ako." bungad ko sa secretary ko. "Okay Mam." sabi nito. Kinuha ko na agad ang bag ko tsaka umalis sa malaimpyernong building nila. "Sorry Dad, but I didn't accept your plan." tingin kong muli sa building bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD