Episode 10 The Secret Wedding ISABELLE’S POINT OF VIEW. Today is my wedding day. Ako lang ata ang pinakamalungkot na babae sa araw ng kasal ko. Parang kailan lang ay kasama ko pa si Naime sa may Bar pero ngayon, ikakasal na ako. Hindi ko inimbita ang dalawa kong kaibigan at hindi ko rin sinabi sa kanila na ikakasal na ako. No one knows about this wedding, only my family and the Coleman. Alam ko na magtatampo ang mga kaibigan ko sa ginawa ko ngayon. May tiwala naman ako sa kanila pero I’m not proud of this wedding and I’m not proud being part of the Coleman Family. Siguro sasabihin ko nalang sa kanila kapag hiwalay na kami ni Luke pero hindi muna ngayon. “Isabelle, ang ganda mo!” sabi ni Ate Lara nang matapos na niya akong make-upan. Siya kasi ang nag make-up sa akin kasi magaling naman