Episode 37 Annulment ISABELLE’S POINT OF VIEW. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Jackson sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga oras na iyon dahil hindi ako makapaniwala na may nararamdaman pala si Jackson na best friend ko para sa akin. Ayoko naman agad sabihin sa kanya na ayoko at hindi ko siya gusto kasi baka masaktan ko siya… baka mawalan ako ng kaibigan at ayokong mangyari iyon. Hinayaan ko nalang muna si Jackson pero hindi ako nagpapakita ng sign na gusto kong ligawan niya ako. Dalawang araw nalang ay kasal na ni Kira Tia. Lahat ng mga kakailanganin sa kasal ay kompleto na at ang bride at groom nalang ang kulang. Ngayon din ang uwi ni Naime Jean at excited na kaming makita siya. Matagal na rin kaming hindi nakadalaw sa kanya sa Canada dahil masyado kaming busy ni Ki

