Episode 6 - Luke Archer Coleman

2690 Words
“I hate him, Ate! Unang kita ko pa lang sa kanya, ayaw ko na! I hate his style, I hate his face, I hate the way he talk, and I hate all about him!” inis kong sabi at tinunga ang hawak kong baso na may laman na alak. Nandito kami sa condo unit ni Ate Lara at siya ang nagyaya sa akin uminom kaya pinagbigyan ko na siya. Hindi na rin ako nakapunta sa bar na sinasabi ni Naime dahil may emergency rin siya kaya pumunta na lang ako rito sa unit ni Ate at sinamahan siyang maglasing. “Hindi naman siguro, Issa. Ang pogi kaya ni Luke at ang grabe nung charisma niya sa mga babae,” nakangising sabi ni Ate Lara. Pinaningkitan ko siya ng mata. “Do you like him?” tanong ko. Mabilis siyang umiling at tumawa. “No, Isabelle. Pinupuri ko lang si Mr. Coleman kasi hindi talaga maiwasan na hindi mapansin ang kagwapuhan niya. Well, pati rin naman kay Alexander at Trevor Gideon, maganda talaga ang lahi ng mga Coleman at Mijares kaya ang ganda ng resulta. Kaya ang swerte mo kasi kay Luke ka ikakasal! Siguradong maganda talaga ang lahi ng mga magiging anak niyo,” sabi ni Ate. Napangiwi ako sa sinabi ni Ate Lara. “Ew, Ate! No way. Hinding-hindi ako magkakaanak sa lalaking iyon! Kung makasal man kaming dalawa, edi mag divorce kami! Pwede naman kami mag divorce sa U.S kasi I’m also a U.S citizen kaya easy lang sa amin na gawin iyon, o hindi naman kung hindi kami makapunta dun pwede naman kami magpa annul,” sabi ko. Tinignan ako ng seryoso ni Ate Lara. “Hindi na ba talaga magbabago ang isipan mo, Isabelle? Pwede mo naman matutunan na mahalin ang magiging asawa mo. Tignan mo nga ang mga magulang natin, they are a product of arranged marriage pero natutunan pa rin nilang mahalin ang isa’t isa,” sabi ni Ate. “Bakit Ate, ganun din ba ang gagawin mo? Tatanggapin mo na lang na makasal ka sa lalaking hindi mo naman kilala at mahal?” tanong ko. Umiwas siya ng tingin at uminom ng alak. Muli siyang tumingin sa akin at maliit na ngumiti. “Hindi naman masama na subukan diba?” sabi niya. Napairap ako kay Ate at uminom ulit. Matalino nga ang Ate ko pero bobo naman siya sa pag ibig at madali na lang mauto. “Bahala ka, Ate. Basta ako, hinding-hindi ko mamahalin ang lalaking iyon!” inis kong sabi. Kung hindi ko mapigilan ang kasal namin, I will make a deal with him. Alam kong hindi niya rin gustong makasal sa akin kaya gagawa ako ng deal na sigurado akong makakapagpayag sa kanya. Dito na ako sa condo unit ni Ate Lara natulog at hindi na rin kami hinanap pa ng mga magulang namin dahil nagpaalam na si Ate kina Daddy. Nang mag umaga ay maaga akong umalis sa unit ni Ate at pumunta roon sa milk tea shop ni Naime at doon tumambay. Sinamahan na rin ako ni Naime rito sa shop niya at dito na muna tumambay. Doon kasi siya sa boutique niya namamalagi dahil nandoon ang kanyang opisina. Hindi ko naman pwedeng istorbohin si Kira Tia dahil busy iyon sa kanyang trabaho. Pinaalis nga niya kami ni Naime noong isang linggo sa apartment niya, eh! Parang may tinatago siya sa loob at gustong-gusto ko talaga malaman kung anong tinatago ng babaeng iyon. Baka nag kidnap na iyon ng hot yummy guy para gawing jowa. Hay nako, Kira Tia Uy. Pero pwede naman na may tinatago 'yung jowa kasi marami na rin nagpaparamdam sa isang 'yun dahil mas lalo na siyang sume-sexy. Nagku-kwento ngayon si Naime sa pagkikita nilang dalawa ng kanyang long time crush na si Alexander Oren Coleman o mas kilala ng lahat na si Alec. “Girl, as in! Para akong mahimatay nang makita ko si Alec sa mansion nila. Buti nalang talaga at dinalaw ko sa kanilang mansion si Kuya Luke,” sabi ni Naime. Napainom muna ako sa aking milk tea bago magsalita. “Sino ba si Luke?” tanong ko kay Naime. Napatingin siya sa akin at kita sa mukha niya ang pagtataka. Magsasalita sana ako nang maunahan niya ako. “Ay, tama! Hindi ko pa pala na ku-kwento sa iyo si Kuya Luke. Ikaw kasi! Palagi ka nalang waley kahit noong high school pa tayo. Ipapakilala ko sana sa iyo si Kuya Luke noon kasi bagay kayong dalawa,” nakangiting sabi ni Naime. Minsan talaga parang ang sarap nalang sakalin sa leeg si Naime. Pinipilit nya talaga na ireto sa amin ni Kira ang mga kapatid ng crush niyang si Alec. Nakwento rin sa akin ni Kira noon na inaasar ni Naime si Kira kay Trevor Gideon, ang bunsong kapatid ni Alec. Pero wala ring nangyari sa pagrereto ni Naime kasi hindi naman mahilig sa lalaki si Kira noon hanggang ngayon. “Si Kuya Luke, siya ‘yung pinaka close ko sa magkakapatid na Coleman. Siya ang pangalawang anak ni Tita Rachel at ni Tito Anderson. Isa na siyang engineer at siya na ang namamahala sa Coleman Holdings, single rin si Kuya Luke kung itatanong mo. Hehe,” sabi ni Naime. Napataas ako sa aking kilay. Single? Bakit no’ng tinanong ko siya noong nagkita kami kung may girlfriend siya ay may girlfriend daw siya? Pa showbiz naman ang isang ‘yun. Tsk. “Talaga? Single ‘yun?” tanong ko habang nakataas ang kilay. Nakita ko ang ngiting aso ni Naime kaya inunahan ko na siya. “Nagkakamali ka nang iniisip, gaga ka! Nagtatanong lang ako kasi impossible na walang girlfriend ang mga Coleman,” sabi ko. Napasimangot si Naime. “Wala ngang girlfriend si Alec, eh!” sabi niya. Napangisi ako at inasar siya. “Sure ka? Baka tinatago niya lang ang girlfriend niya kasi ginugulo mo siya,” sabi ko kay Naime. Inis akong tinignan ni Naime. “Isabelle!” sigaw niya sa aking pangalan. Tumawa ako nang malakas at nakipag chikahan kay Naime. Natigil lang ang pag-uusap namin ni Naime nang tumawag sa akin si Mommy at nang sabihin niyang hinahanap ako ni Daddy sa bahay ay agad na akong nagpaalam kay Naime at umuwi na kaagad sa bahay. Nang makarating ako sa bahay ay pinapunta ako ni Mommy sa opisina ni Daddy rito sa bahay namin. Nang mapasok ako sa loob ay agad kong nakita si Daddy sa may table niya na seryosong nagpipirma sa mga papeles. “Daddy, pinapatawag niyo raw ako?” sabi ko. Napatigil siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Tumayo siya at pinalapit ako sa kanya kaya mas lumapit pa ako at umupo sa malapit na couch sa may table ni Daddy. “Pinauwi kita nang maaga ngayon dahil gusto kang imbitahan ni Rachel sa mansion ng mga Coleman,” sabi ni Daddy. Hindi ko mapigilang magulat sa kanyang sinabi ngayon. “P-Po?” “Kailangan mo nang maghanda. Pinapapunta ka ni Rachel doon sa kanina. Huwag na h’wag mo akong ipahiya sa mga Coleman, Isabelle!” matigas na sabi ni Daddy. Napakagat ako sa aking labi at napatango. “Y-Yes, Dad,” sabi ko. Pinalabas na kaagad ako ni Daddy sa kanyang opisina nang tapos na niyang sabihin iyon sa akin. Dumiretso ako sa aking kwarto at nang makapasok ako sa loob ay hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Wala na ba talaga ibang paraan? Ikakasal na ba talaga ako? Ginulo ko ang aking buhok at padabog na humiga sa aking kama at sumigaw nang sumigaw. Hindi naman ako maririnig sa labas kasi naka soundproof itong kwarto ko kaya libre akong makapagmura at sumigaw nang sumigaw. Nang maubusan na ako nang lakas sa aking pagsigaw ay matamlay akong bumangon at naghanda sa aking susuotin para pagpunta ko mamaya sa mansion ng mga Coleman. Sabi ni Mommy nang pinuntahan niya ako sa aking kwarto ay 5 P.M dapat nasa mansion na ako ng mga Coleman para hindi raw ako masabihan na late ni Tita Rachel. Wala namang sinabi si Tita Rachel kung anong oras ako dapat pumunta roon. Ang sinabi niya lang naman kay Daddy ay pumunta ako roon at doon na mag dinner. Pero sige, mabait naman ako at masunurin kaya maaga akong pupunta sa mansion ng mga Coleman. Nang pumatak na ang alas kwatro ng hapon ay naghanda na ako sa aking sarili. Nang matapos na akong makapag-ayos ay nagpaalam na ako sa aking mga magulang na umalis na. Ginamit ko ang aking sariling sasakyan papunta sa mansion ng mga Coleman. Hindi ko maintindihan ang aking sarili ngayon. Malakas ang t***k ng aking puso at para akong kinakabahan. Bakit ba ako kinakabahan? Lumabas na ako sa aking kotse nang mapatay ko na ang makina at huminga muna nang malalim bago lumapit sa kaninang pintuan. Agad akong sinalubong ng isa nilang kasambahay at sinamahan ako papasok sa loob ng mansion. “Isabelle dear!” Agad kong nakita si Tita Rachel nang makapasok ako sa loob. Lumapit siya sa akin at niyakap ako at hinalikan ang aking pisngi. “You’re so gorgeous, my dear!” nakangiting sabi ni Tita Rachel habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako. “Thank you po, Tita,” nahihiya kong sabi. Kumapit si Tita Rachel sa aking balikat at sinamahan ako papunta sa kanilang living room at pareho kaming umupo sa may couch. “Dito muna tayo, dear. Hindi pa kasi tapos maluto ang mga pinahanda kong foods para sa dinner natin,” sabi ni Tita Rachel. “Nako, okay lang po, Tita. Hindi pa naman ako gutom at maaga pa naman,” nakangiti kong sabi. Hindi nagsalita si Tita. Nakatingin lang siya sa akin ngayon habang nakangiti. Hindi ko mapigilang mailang sa tingin ni Tita kaya tinanong ko na siya. “M-May dumi po ba sa mukha ko?” tanong ko. Mahina siyang tumawa at umiling. “Wala, hija. Gustong-gusto lang talaga kita para sa anak ko na si Luke,” nakangiti niyang sabi. “B-Bakit po ako? Hindi naman ako kagaya ng Ate Lara ko na kayang gawin ang lahat,” sabi ko. Ngumiti ulit si Tita at hinawakan ang aking kamay. “Hija, you are amazing. Mas gusto kita kaysa Ate mo. Hindi ko alam kung bakit kinakawawa ka nalang ng Daddy mo at hindi nakikita ang mga efforts at kaya mong gawin sa buhay. Pero, Hija, nakita ko iyon lahat at alam kong magkakasundo talaga kayo ng anak ko na si Luke at perfect match kayong dalawa,” sabi ni Tita. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ang sarap sa pakiramdam nang makarinig ako ng compliment sa ibang tao kahit hindi galing sa aking mga magulang. Malaking bagay na ito para sa akin dahil sinabi iyon ni Tita Rachel. “T-Thank you po, Tita Rachel,” mahina kong sabi at ngumiti sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik sa akin. “Kahit pinipilit ni Jose na ang panganay niyang anak ang ipakasal sa anak kong si Luke ay hindi ako pumayag. Ikaw ang gusto kong ipakasal kay Luke dahil alam kong perfect match talaga kayong dalawa at alam kong aalagaan mong mabuti ang anak ko,” sabi ni Tita. Alanganin akong ngumiti sa sinabi ni Tita Rachel at hindi makasagot sa kanyang sinabi sa akin. Perfect match? Kaming dalawa ni Luke? I doubt that. Unang kita ko pa nga sa lalaking iyon ay parang gusto ko na siyang patayin eh. I’m sorry, Tita Rachel, pero gulo ang ibibigay ko sa buhay ng pinakamamahal mong anak na si Luke Archer Coleman. Nag-usap pa kami ni Tita Rachel dito sa may living nila at natigil lang kami sa aming pag-uusap nang may lumapit na kasambahay sa amin at sinabing nakahanda na ang dinner. Nang makarating na kami sa may dining area nila ay agad na akong pinaupo ni Tita. Namangha ako nang makitang maraming pagkain ang nakahanda ngayon sa table. “Tita, nasaan po ang iba?” tanong ko at napatingin sa mga bakanteng upuan. Ngumiti si Tita sa akin bago sinagot ang aking tanong. “Nasa Singapore ngayon ang asawa ko for business conference. ‘Yung panganay ko naman na si Alec ay may sarili nang tirahan kaya doon na siya umuuwi. Si Luke naman ay siguro nasa opisina pa ngayon. May new project kasi sila, isang new hotel na pagmamay-ari ng mga Miller at si Luke ang may hawak sa project na iyon. Si Trevor naman, nagbabakasyon pa,” sabi ni Tita Rachel. Napatango naman ako at ngumiti. Ang lungkot siguro ni Tita Rachel mag-isa rito, ano? Ang laki kaya ng mansion nila tapos kunti lang ang nakatira rito tapos palagi pang wala ang mga anak ni Tita dahil may mga sarili nang mga pinagkakaabalahan. “Speaking of my son… Luke, anak!” Agad akong napatingin sa aking likuran nang mapatayo si Tita Rachel. Nakita ko si Luke na papalapit kay Tita Rachel at niyakap ito at hinalikan sa pisngi. Napasulyap si Luke sa akin kaya agad akong umiwas nang tingin. “Buti maaga kang nakauwi rito, Luke,” masayang sabi ni Tita Rachel. Napaayos ako sa aking pag-upo nang maramdaman ko ang pag-upo ni Luke sa aking tabi. Ang dami namang upuan dito, bakit sa akin pa talaga siya tumabi?! Nakakainis naman. “Maaga kasing natapos ang meeting ko with Damon, Mom. Kaya umuwi rin kaagad ako kasi alam kong wala kang kasama ngayon dito sa mansion,” malambing na sabi ni Luke kay Tita. Wow. Sweet naman pala sa nanay pero bakit na bu-bwesit ako sa kanya? “Aw. Thank you, baby! I really appreciate your effort,” sabi ni Tita. Nakita kong napasulyap siya sa akin at muli siyang nagsalita. “Hindi mo ba babatiin ang future wife mo, anak? Nasa tabi mo lang si Isabelle,” sabi ni Tita. Napatingin sa akin si Luke at nginitian ako. “Oh! Nandito ka pala? Sorry, Isabelle, hindi ko kasi napansin,” sabi nito at binalik ang tingin kay Tita. Tinignan ko ito nang masama at inirapan. Wow, ah? Napasulyap nga siya sa akin kanina tapos sasabihin niyang hindi niya ako napansin? Hindi talaga magiging mapayapa ang buhay ko kasama ang lalaking ito. “Well, let’s eat!” sabi ni Tita. Ngumiti ako at nagsimula nang mag sandok ng pagkain. Tahimik kaming kumakain ngayon tatlo rito sa hapag kainan. Kunti lang ang pag kain ko kasi nakikita ko ang the way sa pag kain nila Tita Rachel at Luke, napaka yayamanin masyado kaya sinusubukan kong gayahin ito para naman hindi ako mapahiya. Makalipas ang ilang minutong pag kain na parang hindi naman kasi kunti lang ang nakain ko. Nahihiya kasi akong lumamon ngayon dito kasi baka tawagin akong patay gutom. Umiinom ako ng ice tea ko ngayon at tahimik lang sa aking upuan. “Isabelle dear?” rinig kong sabi ni Tita Rachel. Napatingin ako sa kanya. “Yes, Tita?” aking sabi. “Are you ready for your wedding?” nakangiting sabi ni Tita. Napakurap ako sa aking mga mata at muling naramdaman ang malakas na pagtibok ng aking puso. “P-Po?” sabi ko. “Kasi ako excited na talaga ako kahit simple lang iyon. Next week na kayo ikakasal ni Luke,” sabi ni Tita Rachel na ikinagulat ko. Agad akong napatayo habang nanlalaki pa rin ang mga mata. Nakita kong nakatingin ngayon sa akin si Tita na parang nagtataka sa aking pagtayo, samantalang si Luke naman ay parang aliw na aliw sa akin. Nakakainis! Parang tuwang-tuwa pa siya sa akin ngayon, ah?! “Hija, okay ka lang ba?” alalang tanong ni Tita Rachel. “T-Tita, a-ano ‘yung sinabi niyo kanina?” nauutal kong tanong sa kanya. “Na ano, Isabelle dear? Na next week na kayo ikakasal ni Luke? Hindi ba sinabi ng mga magulang mo ito? Akala ko pa naman alam mo na ito,” sabi ni Tita. Napailing ako at hinang napaupo ulit sa aking upuan. “Get ready for our wedding, Miss Isabelle,” rinig kong sabi ni Luke sa aking tabi. Tinignan ko siya nang masama haban siya naman ngayon ay nakangisi habang nakatingin sa akin. Makakaganti rin ako sa’yo, Luke Archer Coleman! TO BE CONTINUED... Don’t forget to comment down...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD