Episode 35 Paris 2 years later… ISABELLE’S POINT OF VIEW. “Bonjour, mademoiselle!” Napatigil ako sa aking pagsusulat nang marinig ko ang boses ni Jackson. Napangiti ako nang makita kong may dala siya ngayon sa paborito kong baguettes. “Jackson! OMG! Thank you,” masaya kong sabi at mabilis na kinuha ito at nagsimulang kumain. Nandito kami ngayon sa Parc Monceau, isa sa pinakamagandang park at refreshing na lugar dito sa Paris at kung saan malapit lang sa aking tinitirhan na apartment. Tinext ko rin si Jackson na nandito ako dahil hinahanap niya ako sa apartment at wala ako roon. Dalawang taon na ang nakalipas at tapos na akong mag-aral sa International Fashion Academy (IFA Paris), isa sa mga kilalang fashion academy dito sa Paris at kung saan nag-aral ang mga sikat na fashion des

