Ipinila ko sa harapan ko ang grupo ng mga heel shoes na pagpipilian ko para sa date mamaya. Nauna na akong nakapili ng masusuot at iyon ay isang black-laced dress na nakapatong na rin ngayon sa katawan ko. Habang iginagala ang sariling mga mata sa salamin, nariyan at nakuha ko na ring obserbahan kung anong pares ng sapin sa paa ang babagay sa outfit ko.
"Well, pasok sa panlasa ko yung nasa dulo ng pila. Yung kulay itim na high pointed heel, Kaleigh. What do you think?" bati ng kasama ko sa unit. Katulad ko ay kanina pa rin ito nag oobserba ng mga bagay-bagay na bibitibitin ko para sa lakad ko mamayang gabi.
Ang totoo pa nga niyan, tila mas concern pa itong kaibigan ko kung magugustuhan ba ako ng ka-date ko actually, I don't even care how the date turns out. Nandito lang naman ako dahil sa larong sinimulan nila. Wala akong talo gayong nakumpleto ko na rin naman ang hamon at heto't pinaninindigan ko na lamang ang outcome.
"Great idea, however, wala naman akong plano'ng i-impress ang ka-date ko mamaya. I think I'll take the spool heel instead," I said. Malamang ngiti ang ibinaon ko habang abala pa rin sa pag aayos ng buhok. Para sa parteng iyon, nagdesisyon akong hayaan na lamang ang katamtamang sukat ng kurba ng bawat hibla. Sa ganoong paraan ay mas mabibigyan ng volume ang buhok ko. Huling pasada ang iginawad ko sa sarili bago mahinhing yumuko upang kunin ang napiling sapatos.
"Okay, how about clutch or purse? May napili ka na? Sa tingin ko mas babagay at mas handy yung red purse na regalo ko sayo last time. What do you think?" Chinee asked. She's been assisting me now for hours. Mabait pa naman akong kaibigan at hahayaan ko na ang ideya niyang iyon na manalo gayong wala pang opinion nito ang pinahintulutan ko mula pa kanina.
I gave her a reassuring grin in return and then went to my closet to fetch the purse she was referring to. Nang makuha iyon, inilapag ko malapit lang din sa pwesto ng dalaga para na rin magkaroon ito ng pagkakataong kamustahin ang kalagayan ng sarili nitong regalo. Matapos noon, binalikan ko ang heels at aktong isu-suot na nang makarinig kami pareho ng tawag mula sa sarili kong telepono.
"Ikaw na nga ang sumagot, Chin? Pwede ba?" pakisuyo ko. Noong una ay nakuha pa akong irapan ng dalaga. Kung tama ang basa ko sa ekspresyon na iyon, tila sinasabi nitong talaga nga namang wala akong pakialam sa kung anong magiging daloy nitong date at tila nagpapaagos lang talaga ako. Which is totoo naman?
Sandali lang din at narinig ko ang boses ng kaibigan ko. Sinagot na nga nito ang tawag at hinayaan ko nang mag usap ang dalawa.
"Hmm, nasa baba ka na ng apartment? Wait, let me check sa window," ani Chinee at saka dumiretso sa bukas na espasyo ng unit ko. Doon nakita kong sumilip nga ito at mawirdo-wirdo kong minata ang reaksyon niya matapos ang pagdungaw sa bintana.
Hindi matago ang tila pagka kilig nito. Mukha ngang siya talaga tong interesado bakit kaya hindi na nga lang siya ang pinatuloy ko hind ba? Natigilan naman ako nang marinig muli ang tinig ng dalaga.
"Yeah, I saw you. Wait for me. Bababa na rin ako in few minutes. I apologize for keeping you waiting," ani ng dalaga. Napakunot ang noo ko roon dahil gumagawa ng maling impresyon itong si Chinee. Masyadong nake-carried away? Nakalimutan atang nagpapanggap siya na bilang ako?
"I'm not even sorry???" I hissed incoherently. Tumawa lang ng bahagya ang dalaga bago niya tuluyang binaba ang tawag.
"Sige na sis, bumaba ka na at naghihintay ang civic na kotse sa baba. Balitaan mo ako pag uwi. I'll keep your hood safe and sound," Chinee promised. She even winked right after her words. Para talagang totoo eh' kala mo talaga hindi ko aabutang tila binagyo ang unit ko mamayang matapos ang lakad ko.
Ganon pa man, walang emosyong pinulot ko ang purse na hawak-hawak nito kanina at saka na dumiretso sa pinto. Pinasadahan ko pa ng pambabantang tingin si Chinee noon dahil kahit papano may takot pa rin akong hindi niya iki-keep ang promise niyang pananatilihing maayos ang apartment ko.
Tinahak ko ang daan palabas ng building. Tulad ng inaasahan, naroon nga't sumalubong sa akin ang lalaking pormal na pormal ang kasuotan at idagdag pa ang makisig na pagkakasandal nito sa pamilyar na kotse. Malapad na ngiti ang iginawad niya. Kahit pa madilim, madali kong nakita ang reaksyon niyang iyon.
"Sup?" panimula ko. Hindi ata inaasahan ng binata ang lenggwaheng iyon kaya naman medyo napaayos ito ng tayo.
"A-uhm, hi? I'm good," he said shortly. He looks so nervous right now.
"Then good. Shall we?" pag iinsist ko. Mukhang sa lagay ng panahon eh' totorpe-torpe pa itong napulot ko sa dating app.
"W-wait? Uhm Don't you think we should discuss something else first? favor names? Introductions?" he insisted which made me smile a bit.It's obvious that men have strategies for avoiding dominance, isn't it? I'll left him alone just this once.
"By the way, I'm Jonathan Jim Yuso. Good evening, how 'bout you?" he introduced himself.
"Since you asked, I'm Kaleigh. Kaleigh Andrea Fontanilla. Wanna hop in first, and we'll discuss the rest later tonight?" I said while offering the flirtiert smile.
The guy was about to pull the door open for me not until I questioned his actions. Napalingon ito nang ilang ulit sa paligid tila iniisip nito anong mali sa nagawa niya. Marahan akong ngumiti at sa tingin ko naman ay medyo nabunutan ito ng tinik sa dibdib.
"We're not using your car, Mr. Yuso. We're using mine," I winked at him. Kasabay noon, tinimid ko ang kanina pang hawak-hawak na susi. Noon din at nagparamdam sa aming dalawa ang nanahimik kong kotse kani-kanina lang.
"Woah, y-you own this?" he stuttered. Para bang big deal ang jeep na nasa harapan namin.
"Yup, tara na?" I asked again.
Actually, I dont have problems riding his car. Mas kumportable lang talaga ako kung yung akin yung gagamitin. Alam mo yun? That is a complete stranger, as is his vehicle. I suppose it wouldn't harm to give me a little sense of security, right?
"Sure, uhm... would you like me to drive it for you? Or you'll drive us?" Jonathan asked curiously. Medyo nakukuha ng lalaking ito ang interest ko ng paunti-unti. Muli siyang nagsalita upang balikan ang nauna niyang tanong. Aniya, "I don't mean to harm the conversation. Napansin ko lang kasi na you have this sense of independency. I see nothing wrong from that. Oh, wait. I talk too much I'm sorry."
I guess this is starting to get interesting. Let's be fair to this guy. Just like that, I handed him over my key. Hindi maipinta ang itsura nito sa sandaling mahawakan ang bagay na pag aari ko. Right after that, Jonathan thanked me while still wearing his famous smile.
Sandali lang at nagawa nitong pagbuksan ako ng pinto. Nang makasakay sa loob ay agad din siyang umikot sa kabilang pinto. Hindi nagtagal at napansin na naming pareho ang pagpapatuloy ng usapan sa kalsada.
"I see that you're enjoying the ride. So how's Jeeps so far Mr. Yuso?" I asked casually. Napatingin na lang ako sa rear view mirro at doon sinilip ang ngiting-ngiting lalaki.
"I'll admit that I'm having a great time. It seems like this date is keeping me interested in you even though we haven't even arrived at the restaurant," the guy admitted. Hindi nawawala ang atensyon nito sa daan na dapat lang naman.
Hahayaan ko na sana noon ang lalaki ngunit hindi ko inaasahang seseryoshin nitong ipagpatuloy ang pag ge-get to know dito mismo sa loob ng sasakyan. Gusto ko sanang manahimik hanggang makarating na sa restau ngunit hindi nga yata mangyayari iyon.
"So tell me about yourself Ms. Fontanilla, work? stuff? anything?"
"Hmm, let's just say life's good so far. How about you ba?" I said trying to dismiss his queries.
"That's not fair. Come on, share a little bit more," he smiled agaid. Napapapansin ko nang masyadong masiyahin itong lalaking ito at kanina pa di mapigil ang paglabas ng ngipin niya. Maya-maya lang narinig ko itong muli. Wika niya, "Ganito na lang mauuna ako. What do you think?"
He then glanced at me for a second. Ibinalik niya rin ang tingin sa pagmamaneho. Di pa man ako nakakasagot eh' nagsimula na naman itong magsalita. Saad ng binata, "Jonathan Yuso like I said earlier. A Civil Engineer and a freelance model. Currently living alone, single-"
Hindi ko pinatapos ang lalaki at medyo natatawa-tawa pa akong sumingit. Ani ka, "Oh you better be Mr. Ayoko ng gulo. Mabuti na't nabanggit mong single ka." Ganon na lang din at dinaluhan na ako ng lalaki sa tawanan.
"Come on, ikaw naman. Anong pinagkakaabalahan ng isang Kaleigh Fontanilla?" binalik muli nito ang tanong sa akin. Ako naman na medyo natutuwa sa daloy ng gabi eh' pinagbigyan nang muli ang lalaki.
"Okay, then. I'm an architect, an artist, and a businesswoman. I also live alone. I have few friends, and I prefer being by myself. I enjoy being on my own. No strings attached, just like that," I explained not even trying to gain eye contact from him.
"Oh, so that explains this Jeep though? Grabe naman yon. No offense ha? Maybe you scare a lot of guys on dates. Am I right?" he said as if he really had a peek of my life. Hindi naman siya nagkakamali dahil iyon mismo ang laging ganap sa lovelife ko. Kaya na rin siguro hindi na lang din ako masyadong nag invest sa paghahanap pa.
Nagawa ko na lang mapatitig sa binata noon. No thoughts, just an empty head. Sa parehong pagkakataon, napapaisip kung ano na kayang tumatakbo sa isip ng kasama. Sa madaling salita, napapaisip kung ano na nga kaya ang impresyong naibibigay ko sa lalaki?
It took me at least few minutes to pull myself back together. Being a people please sometimes gets in the way, which I had already worked on before. Hmm, hindi naman siguro masama lalo na't nagagawa ko pa rin namang ma-spot ang sarili ko sa mga parehong pagkakataon. Hindi ba?
Ani ko sa lalaki, "Most men just don't like being dominated. Nature niyo na yun, right? If I can't find a bottom guy, I'll let me top everything else."
"You convinced yourself way too much that there are no men who'll let you dominate them huh?" the guy really did smirked at me right now.
The process of conversing with this man seemed to be extremely simple. I must admit that I'm a little impressed as well, but I reassure myself that this is the end of it. There's a lot to prioritize and relationships aren't part of my "first-to-do" list.
---
Hindi nagtagal at narating din namin ang restaurant. Sa sandaling makapasok kami roon ay aaminin ko namang napamangha ako sa taglay na sopistikasyon noong estabilsymento. Kung tutuosin nga niyan, malimit akong mapabilib sa mga ibat-ibang klase ng mga building ngunit isa sa eksepsyon ang kainang ito.
Sa entrada pa lamang, sasalubungin ang sinumang guest dito ng malamlam na kulay ng ilaw. "Warm welcome" nga kung tatawagin. Idagdag pa noon ang nag gagandahang grupo ng mga ilaw at blowers na animo'y maliliit na mananayaw sa kisame. Hindi ganoon kaaktibo ang pag indayog ng mga iyon kaya naman di rin ganon kapansinin. Yung tipo bang nakaka-bother? Ahh, basta ganoon!
Kung mamatahin naman ang interyor lalong lalo na ang pangkabuuang itsura ng restau, nangingibabaw ang kulay itim, kayumanggi at malimit na pulang detalye lalong-lalo na sa mga dingding. Napaliligiran din ng puting mga kurtina ang matataas at malalapad na mga bintana na totoo namang nakadagdag pa lalo sa dating ng lugar.
"Do we have a reservation here, Sir?" one of the ladies asked. Sa pagiging abala ko sa paligid, di ko na napansin na nasa front desk na pala kami ng kasama ko.
"Yes. Table for two. Jonathan Jim Yuso."
Hinayaan ko ang dalawa na mag usap habang inabala ko ang sarili sa pag sisiyasat naman ng mga taong kumakain dito. Dahil na rin nga fine-dine, hindi na nakakagulat na halos lahat ng naririto ay nagpapabonggahan din hindi lang ng mga kasuotan kung hindi pati na rin ng mga alak at pagkaing ihahain sa kani-kanilang mga mesa.
Kung hindi lang ako nasanay din sa ganitong klaseng mga tagpo, tiyak naman na mauuna na akong lumabas dito at saka nagyayang umuwi. Kung hindi naman ganon eh' malamang sa fast-food o di naman kaya'y sa tabi-tabi na lang ako naghatak. Sayang naman ang paghi-heels ko kung ganon hindi ba?
Natigilan naman ako sa sandaling marinig ang tinig lalaki. Nang lingunin ko'y saka ko pa lang napagtantong isa ito sa mga empleyado roon. Mukhang na-settle na ang reservations kaya naman pinapasunod na kami noon sa kung saan mang lupalop ng building na ito kami pauupuin.
"Let me assist, Mr. and Ms. "
"Tara?" maikling saad ng kasama ko sabay alok ng braso nito para roon ako kumapit.
Well I know exactly what he's doing. I see no harm in letting him be a gentleman because that is all he wants. Just like that, I gave him the chance and let him escort me to where our table is.