Chapter 52 Thelma Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Jonathan. Napaawang ang labi ko habang tinitingnan ang matikas niyang tindig habang papalayo siya patungo sa kanyang opisina. Ang bawat hakbang niya ay puno ng kapangyarihan at pagbabanta. So, alam niya na nga na may mga anak ako. Hindi na rin dapat ako magtaka; sa mundong ginagalawan namin, ang impormasyon ay parang ginto, mabilis kumalat, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang reputasyon ng isang empleyado. Siguro nga, bago pa siya maupo sa posisyon ni Mr. Arthur Moreno, hawak na niya ang buong file ko. Baka pati ang bawat pagkukulang ko, bawat late ko, at bawat sandali ng pagliban ko dahil sa mga bata ay nakalista na sa kanyang record. Nanatili akong nakatayo sa pasilyo, ang mga kamay ko ay nanginginig habang ma

