Third Person's POV
Nagising si Death sa isang di pamilyar na lugar kung saan naka tali sya ng mahigpit sa upuan na inuupuan nya. Sinubukan nyang kumawala pero nanghihina padin sya sa nangyareng laban.
Muntik ng lumuwa ung mata nya nung bumukas ung ilaw sa kwarto kung nasaan sya. Paano ba namang hindi kung makikita mo ang mga bagay na pwedeng makasakit o makapatay sayo. May nakita siyang mga dagger, axe, kunai, shuriken, at iba pang mga weapons.
"Gising ka na pala."
Nanlamig ang buong katawan ni death pagkarinig nya ng boses na iyon. Ung boses na muntik na syang patayin kanina, ang boses ng mala anghel sa lamig pero may pagka demonyo sa bawat salita nito.
"NA-NASAN A-AKO HA?!" kahit na takot na takot na siya ay nagawa padin makapag salita at mag banta "PAPATAYIN KAYO NI KING PAG NALAMAN NIYA ITO." banta ni Death dito
"My, my. Akala mo naman napaka importante mo kay King na yun." Muntik na atakihin sa puso si Death pag ka rinig ng tawa ni Empress, isang tawang demonyo. Hindi, mas nakakatakot pa sa demonyo itong nakikita at naririnig niya.
"Ngayon sino ang King nyo?"
"Hindi ko alam! Wala akong alam!"
"Hays. Lagi nalang ganyan sinasabi nyo. Paulit ulit nalang." disappointed na sabi ni Empress sabay bato ng dagger sa binti nito.
"Ahhhhhh! Patayin mo nalang ako kesa mag salita sayo!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Death.
"Ah, dont ruin my pleasure here. Kung papatayin din kita pano ko makukuha ung sagot sayo? At isa pa, nag eenjoy pa ko." Hindi na nakasagot pa si Death dahil nanginginig na ito sa takot sa mga pinagsasabi at pinapakita ni Empress dito.
"Now let me repeat my question, who is your King?" Sabay lapit sa inuupuan ni Death. Hindi padin nagsasalita ito at unti unti ng naiinip si Empress kaya sinaksakan nya ng dagger ang kabila netong binti.
"AHHHHH! YOU CRAZY BITCH."
"Who is your king?!" Nang napansin ni empress na wala padin ito balak magsalita kinuha nya yung kunai at pinutol ang kanang paa neto.
"AGHHHH! Y-YOU f*****g CRAZY B-b***h!"
'Magaling ang mga kinukuha ni King dahil matibay ang mga to, mga loyal sakanya.' Isip isip ni empress.
"You're still not gonna talk eh?"
"Just kill me pl-please?" Death pleaded. 'Nakakatawang isipin na ang codename nya ay Death pero sya mismo ang humihingi neto mula kay sakin' natatawang naiisip ni Empress.
"No, no. Just tell me where or who king is and I will spare your life." 'Mukhang walang balak talaga magsalita neto ah' puputulin na sana ni empress ang isa pa netong paa ngunit bigla nalang may lumipad na dagger sa noo ni Death nang siyang nagtapos sa buhay neto.
Caitlin's POV
"What the f**k" isang death glare ang sumalubong sakin pag lingon ko kung saan nang galing ung dagger.
"Pinaglaruan mo nanaman ang bihag natin Caitlin"
"Eh kasi naman kuya Caden ayaw nyang magsalita tungkol kay King e! " sana gumana, macute-an ka please?
"Aist! Wag ka nga mag pacute jan." Yes, success!
"Sinabi ko naman kasi sayo na ako na ang kakausap jan, alam mong ayaw ko ng ganyang torture Caitlin. Para na din tayong mga hayop na yan kung gaganyanin natin sila ng husto."
"I'm sorry, you are right. Won't be doing that again. Don't be mad na, please?"
"Oo na, halika na at kanina ka pa hinahanap ni Alexa" Sabay akbay sakin at hinila na ko palabas. Nilingon ko ng isang beses pa si Death 'I'm sorry.' bulong na sabi ko habang nakatingin sakanya.
Habang pababa kami ni kuya, naririnig namin ang isang boses na hyper nanaman.
"Knock knock. Who's there? Hito. Hito who?" Tumawa muna si Jacob bago to tinuloy.
"HITO ako oh oh basang basa sa ulan " Tawa ng tawa sabi nito habang si Alexa naman naka poker face lang. Napailing nalang kami ni kuya sa nakikita namin.
"HAHAHAHAA ano ba naman yan Alexa e. Tawanan mo naman kasi mga joke ko"
"Jacob naman kasi pag mag jojoke ka siguraduhin mong bago!" Inis na sabi ni Alexa.
"Oo nga Jacob my loves, naka sampung beses mo na kaya jinoke samin nyan." Sabay akbay sakanya.
"Ay andito na pala kayo. Hehe"
"De wala pa picture ko lang to" insert sarcasm. Sasagot pa sana sya nang nagsalita si Alexa na.
"Empress, nalaman kong may apat na underling ng HDG ay nagaaral sa Reyes University. Ang rank 1, 4,5,6 sa B.A. So basically kailangan natin pumasok dun para masubaybayan natin ang bawat kilos nila, this is the best break through pag pumasok tayo don." Paliwanag ni Alexa
"Oh my gosh but i hate school." Ayoko talaga sa school kaya nga nag home school kami para iwasan ang mga school, napaka dami kasing mga chismosa at mga bitchesa don.
"Oo nga, ayako din sa school. Makaka kita nanaman ako ng mga teacher. Naiisip ko palang naiiyak na ko." Haha, ang cute talaga ni jacob my loves ko. Kaya loves na loves ko to e.
"Well wala naman tayong ibang choice Caitlin eh. Para narin mapabilis ang paghahanap natin jan kay king." Sabi ni kuya at tumango naman si Alexa. Habang nagkatinginan naman kami ni jacob.
"Ayoko padin sa school." Sabay namin ngawa ni Jacob at ung dalawa ayun natawa naman.
"Hays, mukhang wala na naman tayong magagawa Jacob my loves e."
"Oo nga Empress my loves, para na rin ito sa ikabubuti natin" pagsasangayon ni Jacob.
"Call George to enroll us in that school. OK?" Utos kong pabiro kay kuya
"Abat Caitlin Anne Taylor! Baka nakakalimutan mo eh kuya mo padin ako. Kaya wag mo kong utusan jan." Pagrereklamo ni kuya. Reklamador talaga ang isang to.
"Eh sige na kuya Caden Blake Taylor. Ikaw na please? Inaantok na kasi ako. Kaya matutulog na ko. Bye. Nytie guys." At tumakbo na ko ng mabilis paakyat sa kwarto para di na maka angal saakin si kuya.
School huh? Masama ang kutob ko sa planong ito. Sana mali tong kutob ko.
Caden's POV
Kita mo tong babaeng to, tumakbo nalang bigla. Hays ano pa bang magagawa ko edi susunod nalang kay madam Empress.
"Hello George? Pwede mo bang ienroll kami sa Reyes University, you know the drill right?"
[Yes and right away master.]
"Thank you George. You're the best."
[Haha, thank you master]
At inend ko na ung call. Si George? Siya ang kaliwa at kanan kamay namin ni Caitlin simula nung namatay ang parents namin. Siya na rin ang tumayong nanay at tatay namin. Siya din ang nagturo samin kung pano lumaban. Kaya lahat ng kami ngayon ni Caitlin ay dahil yun kay George.
Namiss ko tuloy bigla si Mom at Dad.
"Mom, Dad. Konting tiis nalang ha? Makukuha din namin ni Caitlin lahat ng hustisya para sainyo." Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Anim na taon na ng nakalipas pero parang kahapon lang nangyare ang lahat.
"Wag ka ng umiyak, makakamit din natin yang hustisya para sa parents nyo." pag comfort na sabi sakin ni Alexa. Mabuti nalang at andito sila kundi baka di ko na nakaya ang lahat
"Salamat Alexa." Sabay yakap sakanya ng mahigpit.
"Tulog na tayo?" Pagyaya niya at tumayo sya at kinuha ang kamay ko.
"Tara" lihim akong napangiti ng dahil dito.
--