Jacob's POV
"My loves ako nalang magdrive ng sasakyan natin ha, thank you." Ugh ayoko talagang nag pupuppy eyes tong si my loves eh pano di na ko makatanggi kapag ginagawa nya to.
"Oo na, may magagawa pa ba ko ha?" ganting pacute na sabi ko sakanya. Pero walang epek ung akin, kaya napailing nalang din talaga ako.
"Horaaay! Tara na!" Pagkasakay namin agad sa kotche ay nagpatakbo agad sya ng sobrang bilis. Dapat talaga di na to pinag papadrive eh.
"Kyaaaa! Sana pala di na kita pinagdrive."
"Kyaaa! Tama naaa, bagalan mo naman my loves." Jusko sana po mabuhay pa po ako, bigyan gabay nyo po sya na sa lahat ng dinadaanan nya. Sana po walang makabanga samin. Gusto ko pa mabuhay.
"Hoy Jacob tama na nga yang pagdadasal mo jan, andito na tayo. Tara na." sabi ni Caitlin kaya natauhan na din ako at napatingin kung nasaan na kami. What? Andito agad? Buhay po ko, salamat naman. Thank you po talaga.
Nasa isang park pala kami, nag lakad lang kami papunta sa ice cream shop tapos umorder na. Habang nag aantay kami ng order, napansin ko na parang tahimik lang sya. Kanina lang masaya sya ngayon naman ganito sya. Napaka bipolar talaga netong babaeng to.
"Uhmm, my loves okay ka lang ba?" Hala bingi na ata si myloves. Di padin ako sinasagot.
"MY LOVES TO EARTH!" Sabay hampas sakin sa braso pagtapos ko siya sigawan sa tenga.
"Kailangan talaga sigawan?" galit na sabi ni Caitlin.
"HAHAHA. Eh kasi naman kanina pa kita tinatawag e. Bat ba tulala ka jan?"
"May iniisip lang." casual na sabi nito sakin
"Ano iniisip mo? At ano ba yang tinitignan mo jan?" Pag tingin ko sa tinitignan nya, isang buong pamilya na nagkukulitan, kaya naman pala.
"Nakakainggit sila noh? Ang saya saya nila." Napa buntong hininga nalang siya habang nakatingin siya dito.
"Wag ka na malungkot jan. Wag ka na mag alala, pag nag ka anak na tayo mas masaya pa tayo jan." Sabay turo sa pamilya na tinitignan niya.
"Sira ka talaga."
"Seryoso nga. Sisiguraduhin kong mas masaya tayo jan. Never ko kayong paiiyakin ng mga future son natin." Seryosong sabi ko sakanya kaya napatingin nalang siya sakin at biglang kumunot ung noo niya na kinatakot ko naman.
"Son ka jan! Syempre gusto ko babae muna!" Akala ko kung ano na.
"My loves, dapat lalaki muna tapos babae. Para kapag may umaaway sa kapatid nyang babae ay pagtatangol nya."
"Bakit pwede din naman ipagtangol kapag babae ang panganay ah!"
"Haha ang cute cute mo talaga myloves."
"Aray ko naman e." sabay hawak sa ilong nya. Magsasalita pa sana siya ng biglang may ice cream na pumagitna samin.
"Here's your order sir." Kinindatan at may pag beautiful eyes pa ung nag aabot ng ice cream samin, ang landi naman ng waitress na to. Patay ka kay my loves ko.
"Ang landi mo naman." Bored na bored na sabi ni Caitlin.
"Excuse me?" sabi ng waitress na halatang nagulat sa sinabi ni Caitlin.
"Oh bakit dadaan ka? Sorry walang daan dito. Dun lang" sabay turo kung saan.
"Aba't" sasampalin sana nya si my loves kaso nahawakan agad nito ung kamay neto. "Sasampalin mo na agad ako? Yun palang nasasabi ko." Bored na sabi ni my loves. Iba talaga to pag may nanlalandi sakin. Ang gwapo ko talaga.
"Umalis ka na dito bago pa kita ireport sa manager nyo." At ayun tumakbo paalis ung waitress.
"Hays, tara ikot tayo habang kinakain natin to?" Pagyaya ni my loves. Tahimik lang kaming mag ka holding hands habang nag iikot sa park. Wala padin sa mood siguro si my loves ko. Hays dapat masaya tong date namin na to eh.
"Miss ko na sila. Si mommy at daddy." Malungkot na sabi nya. Kaya niyakap ko nalang sya para maramdaman nya na andito lang ako. Di ko kasi alam kung ano sasabihin pag ganito na ang sitwasyon, ayaw ko kasing malungkot ang mahal ko.
"Andito lang ako okay? Andito lang kami nila Alexa at Caden." At dun na syang magsimulang umiyak. Mga tatlong minuto na din kaming ganto. Yakap ko sya at umiiyak lang sya.
"Oy may love birds oh, pagtripan natin."
"Tara tara" Oh no, not today kung ayaw nyong masaktan, do not dare t..
"Miss ang pangit naman ng boyfriend mo e, ako nalang ipalit nyo." kupal1 . Abat oki to ah.
"Oo nga miss" kupal2. Teka ilan ba sila? 10 lang pala e. Easy breezy. Patay to kay my loves.
"Ano ba lintik naman eh, sino may sabi na pwede mo kong hawakan?" Oh no. Patay sila, sabay hila sakin ni my loves paalis. Wow, di papatulan mukhang mabubuhay pa tong mg..
"Sino kay sabi na pwede kayong umalis?" Sabi ni kupal 3, hays pinagbigyan na nga kayo eh ang kulit.
"Naglalaro pa kami eh." K1
"Ah gusto nyo ng laro ah? Empress gusto daw nila ng laro." at talagang diniinan ko ung empress para malaman nila ung makakalaban nila. Pero ang mga walang hiya di man lang natakot. Mga baguhan siguro tong mga to or mga street gangs lang.
"Empress ba pangalan mo? Maganda ah. At may kasama ka pang alalay ha" k3
"Hahaha nakakatawa ka pare" k4&5
"So gusto nyo ng laro? Jacob, dun ka muna umupo." Sabay turo sa isang bench malapit samin.
"Pero gusto ko makisali Empress." Pero tinignan lang nya ko ng isang masamang tingin. Hays, syempre sununod na ko. Mamaya ako pa bugbugin eh.
"Miss tara na dun tay.." di pa nya natatapos ung sasabihin nya eh bigla nalang syang sinipa ni Caitlin sa mukha. Woo! Flying kick un. At ayun tulog agad. Weak naman pala to.
"Woah, pare okay ka lang? Lintik ka ah!" Sinugod sya ng tatlo at sinusuntok sya pero iniiwasan lang nya tong mga to. Sinipa nya ung isa sa where it hurts the most tapos sabay nyang sinalo ung dalawang kamao. Inikot nya to at nabaliaan ng buto ung dalawa.
"f**k. Sino ka bang babae ka?!" Sabay may lumusob nanaman na lima. Inikutan nila si Empress, suntok lang sila ng suntok at ilag lang ng siya ng ilag. Humihikab pa sya para asarin ung mga kalaban nya hanggang sa na bored na ata sya at pinag susuntok na niya ung mga kupal na yun. Sipa dito sipa dun. Suntok dito suntok dun. At ayun tulog na lahat. Isa nalang ung natitira.
"S-sino ka?" Lumapit si Empress dito sabay ngiti. Yung ngiti na ayaw mo makita kahit kelan dahil lalabas ang kaluluwa mo pag nakita mo ito.
"I am the Black Empress." At yung lalaki nangangatog na ung tuhod at di na makagalaw sa kinakatayuan nya. "Boo!"
"Ahhhhhhhhh." Sabay takbo nung lalaki palayo. Tumawa nalang kami ni Empress sa nakita namin reaction.
"Ano ba yan warm up lang ung nangyare. Para tuloy gusto ko mag training." empress
"Ang daya mo nga e, di ka namigay."
"Hehe, kulang pa kasi sakin yan e."
"Haha, ang cute mo talaga. Tara uwi na?"
"Sige tara na, bukas training tayo sa Japan. Ipapa prepare ko ung private plane natin."
"As you wish my Empress." Sabay hinalikan ko sya sa noo nya.
-