THE PROPOSAL
“MARRY ME.”
Para bang nanigas ang dugo ni Belle sa katawan. Tumigil ito sa pagdaloy at tila ba tumigil na din siya sa paghinga, halos hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
“Ha?” panghihina ng boses niya, halos nag-uusap ang utak at katawan niya. “Pakiulit nga…”
“You heard me,” sagot niya, kalmado, diretso, halatang walang second thought. “There’s nothing to repeat.”
Aba. Loko ‘to. Totoo ba ‘to o panaginip lang?
“Mister,” mataas tono ni Belle, halatang hindi makapaniwala, “ako ba’y pinaglololoko mo?”
“Nah,” sagot niya, nakangiti na may halo ng irony. “Let’s talk somewhere else.”
Sabay tingin sa paligid. Ang flower shop ay biglang naging stage. Mga dumadaan, mga customer, pati ilang tsismosa ay huminto sa kanilang gawain at nakatingin na lang. Halos bawat mata sa paligid ay tila nakatuon sa kanila. Pakiramdam niya, kahit lumingon siya, lahat ay nakikinig sa bawat salita.
Sandali.
“Talk somewhere else?” pag-uulit niya sa sinabi nito.
Pumailalim siya sa ideya—baka sa ibang lugar niya siya dadalhin. Baka mawala siya bigla. O baka isa siyang sindikato—yung klase ng lalaki na lethal, mayabang, at nakamamangha sa hitsura. Diyos ko.
Pero sandali ulit—siya nga pala si Tyrone Knight Fournier, ang top one sa listahan ng pinakamayayaman sa buong bansa.
Hindi yata kailangan ng k********g sideline.
Ngunit kahit ganoon, nanatiling alerto si Belle. May halo ng kaba at excitement sa bawat hibla ng kanyang katawan.
At nang bigla nitong hawakan ang kamay ni Belle at hilahin ito papasok sa loob ng kotse, para bang na-hypnotize and dalaga. Ang bawat galaw ni Tyrone ay eksakto, malakas pero elegante, parang alam niya ang mundo niya at ang mundo ni Belle ay kasabay lang ng takbo.
“Stop thinking,” sabi niya habang isinasara ang pinto.
“I’m not going to hurt you.” dagdag pa nito.
Huminga siya nang malalim, ngunit hindi niya mapigilan ang kaba.
“Mind reader ba siya?” tanong sa sarili niya, halos nakikita ang mga salitang lumilipad sa ulo niya.
Napapalatak ang binata. “I’m not a mind reader,” sagot niya, halatang amused sa reaksyon ni Belle.
“Your face speaks louder than your voice.”
Ah. Kaya pala. Ang bawat kurba ng kanyang labi, bawat kumikilos na kilay, bawat pagngiti o pagtaas ng balikat—lahat nabasa niya. Nakakainis, ngunit nakakakilig rin.
“Ano bang kailangan mo sa akin?” tanong niya, nanginginig ang boses, sabay titig sa kanya na seryoso pa rin ang mukha.
“Do I really need to repeat my self again?” sagot ni Tyrone.
“Eh, hindi ko nga maintindihan! Ikaw? Ako? Kasal? Ni hindi pa natin kilala ang isa’t isa!”
“It’s fake,” sagot niya, diretso. “A fake marriage. And I’ll pay you.”
Parang tumigil ang oras sa paligid ni Belle. Ang mundo niya—ang palengke, ang jeep na dadaan, ang bawat tao sa paligid—tila huminto.
“Ano’ng tingin mo sa akin? Mukhang pera?” nanginginig na tanong ni Belle, pilit pinatitigas ang boses kahit ramdam ang kaba. “Hindi ako basta-basta pumapayag sa ganito.”
Tahimik lang si Tyrone sandali. Hindi siya agad sumagot—parang pinag-iisipan kung paano sasabihin ang susunod na mga salita nang hindi lalo siyang masaktan.
“This isn’t about money,” sagot niya sa wakas. Mababa ang boses, diretso, walang paligoy-ligoy. “This is about protecting you.”
Napakunot ang noo ni Belle. “Eh puwede naman nating sabihin ang totoo,” mariin niyang giit. “Na nagkabanggaan tayo. Nahimatay ako. Dinala mo ako sa ospital. Pinatulog mo ako sa hotel dahil… dahil mabuti kang tao. Wala namang masama ro’n. Wala namang malisya sa ginawa natin.”
Tumingin si Tyrone sa kanya—hindi mayabang, hindi malamig—kundi seryoso.
“That’s exactly the problem,” sagot niya.
“Para sa’yo, malinaw. Para sa’kin, malinaw. Pero para sa mundo?”
Umiling siya, bahagya, na parang alam na niya ang magiging kahihinatnan.
“They won’t see kindness,” dagdag niya. “They’ll see power. And they’ll see you standing next to it.”
Nanlamig ang katawan ni Belle.
“If I do a press conference,” patuloy ni Tyrone, “I’ll be fine. I always am. They’ll believe me. Billionaire. CEO. Clean record.”
Saglit siyang huminto bago idinugtong ang sumunod—mas mabigat, mas totoo.
“But you?”
“Isa ka lang sa paningin nila—random girl.”
Parang may humigpit sa dibdib ni Belle.
“They’ll say you planned it. That you took advantage. That you chased money. Fame. Status,” diretso niyang sabi, walang sugarcoating. “They’ll call you opportunist. Gold-digger. Manipulative. At kahit magsalita ka, walang makikinig.”
Napatikom ang labi ni Belle. Hindi niya gustong aminin, pero ramdam niya ang bigat ng sinasabi nito.
“The truth doesn’t protect people,” dagdag ni Tyrone. “Control does.”
“Totoo ang nangyari,” mahina niyang sabi. “Pero hindi patas ang mundo. Lalo na sa babaeng walang pangalan, walang koneksyon, walang depensa.”
Saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan.
“So yung Love Contract na sinasabi mo?” tanong ni Belle, halos pabulong. “Fake relationship… fake marriage…”
“It gives you a role,” sagot niya agad. “Not a suspect. Not a victim. But someone beside me—officially.”
Napatingin si Belle sa labas ng bintana. Ang highway ay dumaraan lang, mabilis, parang ang buhay niya ngayon—wala nang oras mag-isip nang matagal.
“So para hindi ako lamunin ng social media,” mahina niyang sambit, “kailangan kong magpanggap na mahal kita.”
Hindi siya agad sinagot ni Tyrone.
“Yes,” sa wakas ay sabi niya. “Because pretending with protection is better than telling the truth alone.”
At doon niya tuluyang naintindihan.
Hindi ito tungkol sa kasal.
Hindi ito tungkol sa pera.
Hindi ito tungkol kay Tyrone.
Ito ay tungkol sa kung paano sinisira ng mundo ang mga babaeng walang kalaban-laban—at kung paano iyon pipigilan.
Muntik nang sumigaw si Belle sa sobrang gulo ng isip niya, at tila ba lalo pa siyang naliliyo sa kabaliwan sa tuwing tinitingnan siya ng lalaking katabi sa kotse. Nakakabaliw. Nakakaloka. Halos maipalo pa niya ang palad sa dashboard. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili—at yung kaguwapuhan ni Tyrone ay parang nakapag-neutralize ng galit at kaba niya sa isang iglap.
“Ano na,” dagdag niya, halatang nagpupumilit. “I need an answer. Yes or yes?”
Parang wala talagang pagpipilian. Ang bawat segundo ay tumitimbang ng tonelada sa dibdib niya. Halos gusto niyang tumakbo, humingi ng tulong, at sabay takbuhan ang sasakyan.
“Ayoko,” sagot niya, matatag, kahit na may maliit na bahagi ng puso niya ang sumisigaw ng “GO NA, BELLE!”
“Why?”
“Hindi kita kilala,” sagot niya, halatang nanginginig, pero nagtatangkang maging matatag.
“I’m Tyrone Knight Fournier. Twenty-eight. Businessman.”
Napangiwi siya. Hindi iyon ang tinutukoy niya. Tumigil siya sandali.
“Now you know me. Say yes.”
“Ayoko pa rin,” sagot ni Belle, halatang natatakot ngunit kinikilig pa rin.
“And why again?”
“Hindi ako handa. At alam ko… kapag pumasok ako sa ganitong klase ng gulo, gulo lang din ang lalabasan.”
“I’ll take care of you.”
Sandali. Pati puso niya yata, huminto. Ang bawat t***k ay nakatutok sa bawat salita niya.
Ayieeeh.
Belle, kalma. Huwag kang sumabog sa sobrang kilig!
“Hindi pa rin,” matigas niyang sabi, kahit alam niyang may maliit na curiosity sa loob niya.
“Then what should I do for you to say yes?” tanong ni Tyrone, halatang naiinis pero kalmado pa rin.
“Wala,” mabilis niyang sagot, halos umiiyak sa kaba at excitement.
Narinig niyang bumuntonhinginga ito. “Okay,” sagot niya, sabay pindot ng accelerator, at nagsimula na ang sasakyan.
"Come on, Belle. Just say the word "yes"." anito
“H-Hoy! Sandali! Hindi pa ako pumapayag! k********g ‘to ah!” sigaw niya, sabay suntok sa upuan, sabay tignan ang paligid.
Ngunit hindi siya pinapansin ni Tyrone.
“Ililigpit ko pa ‘yong mga paninda ko, ah-este, wala pa akong sinabing oo!”
Ngumiti ito. Diyos ko! Nakakamatay ang ngiti niya.
“You already did,” kalmado nitong sagot.
“Ha? Wala akong sinabing oo, ha!”
“And you just said it again,”
"Wala nga akong sinabing, oo, ano ba?"
“Third time,” sambit niya na parang ultimatum.
Ngunit sa loob ni Belle, may halo ng kaba, pagkabigla, at hindi maipaliwanag na excitement.
Habang palayo sila sa flower shop at papasok sa mahabang highway, napabuntong-hininga na lang siya. Alam niyang hindi ito ang buhay na gusto niya—pero, para sa unang beses, ramdam niya ang adrenaline ng isang kakaibang simula.
Isang gulong hindi niya ginusto.
Isang kontratang hindi niya inakala.
At isang lalaking siguradong babaligtarin ang tahimik niyang mundo.