TERMS AND CONDITIONS
Kinabukasan, eksaktong alas-diyes ng umaga, nakatayo si Belle sa harap ng isang address na hindi niya kailanman inakalang tatapakan niya sa buong buhay niya.
Isang tahimik na kalsada—malinis, maayos, at masyadong tahimik para sa isang lugar na tinitirhan ng isang lalaking binabatikos ng buong internet. Walang nagkakaguluhang reporters. Walang nag-aabang na kamera. Walang bakas ng eskandalo.
Pero alam niyang naroon iyon.
Ang gate ay mataas, itim, at mabigat ang disenyo. Isang pindot lang sa doorbell, at agad itong bumukas—parang matagal na siyang inaantay.
Sa loob, sinalubong siya ng isang modernong bahay na parang hotel lobby sa sobrang linis at ayos. Glass walls. Malamlam na ilaw. Amoy kape at mamahaling pabango.
At sa gitna ng lahat ng iyon—si Tyrone.
Nakasuot ng simpleng long-sleeved polo, nakatupi ang manggas, walang shades. Hindi siya mukhang lalaking kakapagsabi lang ng “Marry me” kahapon. Mukha siyang isang negosyanteng handang magpresenta ng proposal.
“Good morning,” bati nito sa kanya, diretso, walang paligoy-ligoy.
Hindi alam ni Belle kung babati rin siya o magtatanong agad. Naupo na lang siya sa tapat ng mahabang mesa nang ituro iyon ni Tyrone.
May isang folder sa mesa. Makapal. Mabigat. Parang hindi lang papel ang laman—parang desisyon.
“Before anything else,” sabi ni Tyrone habang nauupo sa tapat niya, “I need you to understand something.”
Tumingin si Belle sa folder. Hindi pa niya ito binubuksan.
“This isn’t about controlling you,” dagdag niya. “And it’s definitely not about buying you.”
Napasinghap siya. “ 'Yon talaga ng nararamdaman ko.”
Tumango si Tyrone, parang inaasahan na ang sagot. “I know. That’s why I asked you to come here. So you’d hear everything before deciding.”
Dahan-dahan niyang itinulak ang folder palapit kay Belle.
“Love Contract,” basa niya sa cover. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan iyon.
Isa-isang pahina. Malinis ang layout. Walang drama sa salita. Pero bawat linya ay parang may bigat na hindi kayang ipaliwanag ng papel lang.
“I’ll explain,” sabi ni Tyrone.
Tumigil siya sandali, saka nagsalita ulit—mas mababa ang boses.
“Kapag nag-presscon ako at sinabi ang totoo, sa akin matatapos ang galit ng publiko. Pero sa’yo… magsisimula pa lang.”
Napatingin si Belle.
“People will question your intentions. They’ll dissect your past. Your work. Your face. Your clothes. Every move you make.”
Nanikip ang dibdib niya.
“They’ll say you used the accident to get close to me,” dagdag ni Tyrone. “That you stayed because you wanted something in return.”
“Hindi naman ‘yon totoo,” mahina niyang sabi.
“I know,” mabilis na sagot ni Tyrone. “But truth doesn’t matter online. Perception does.”
Tahimik si Belle.
“This contract,” pagpapatuloy niya, “is damage control. Not just for me—but for you.”
Ipinakita niya ang isang clause.
“Public relationship. Fixed duration. No forced intimacy,” binasa niya. “Hindi kita kukunin sa mundo mo. Hindi kita ikukulong sa mundo ko.”
“Pero bakit marriage?” tanong ni Belle, halos pabulong.
Doon huminga nang malalim si Tyrone.
“Because dating isn’t enough,” sagot niya. “They’ll say it’s a cover-up. A fake distraction. Marriage is… final. Untouchable. It shuts people up.”
Napayuko si Belle.
“May exit clause,” dagdag niya agad, parang ayaw niyang magtagal sa bigat ng sinabi. “Planned separation. Walang sisihan. Walang iiwang bahid sa pangalan mo.”
“Parang negosyo lang,” mahina niyang sabi.
Tumango si Tyrone. “It is.”
Saglit na katahimikan.
“Pero ikaw,” dugtong niya, mas mabagal ngayon, “hindi ka parte ng plano. Nadamay ka lang.”
Tumingin siya kay Belle—diretso, walang yabang, walang lamig.
“At kung tatanggi ka,” sabi niya, “I’ll respect it. I’ll face the press. I’ll take the hit.”
Humigpit ang hawak ni Belle sa folder.
Pero alam niya.
Hindi ganoon kasimple.
Sa labas ng bahay na iyon, naghihintay ang mundo—at hindi iyon marunong umintindi.
At sa harap niya ngayon, isang lalaking handang magpakasal sa papel para lang hindi siya masaktan.
Hindi pa siya sumasagot.
Pero sa unang pagkakataon mula nang kumalat ang video, naramdaman niyang… may kumakampi sa kanya.
At iyon ang mas nakakatakot.
Namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan. Nabasag lang ito nang magsalita si Tyrone.
“Clause One,” sabi niya, sabay tapik sa unang pahina.
CLAUSE 1: PUBLIC RELATIONSHIP STATUS
“From the moment this contract is signed,” paliwanag ni Tyrone, “we will publicly acknowledge each other as a couple—engaged at first, then married.”
Napakunot ang noo ni Belle. “Bakit kailangan pang dumaan sa engagement?”
“Because it makes the story believable,” sagot niya agad. “A sudden marriage raises suspicion. Engagement buys us time—and public sympathy.”
“Time para saan?” tanong niya.
“Para humupa ang galit,” sagot ni Tyrone. “At para masanay sila sa ’yo.”
Nanlamig ang sikmura ni Belle. Masasanay… ang publiko sa kanya.
“Hindi ka magsasalita sa press nang mag-isa,” dugtong ni Tyrone. “Lahat ng public appearance mo ay coordinated. Walang biglaan. Walang surprise interviews.”
“So, para akong… produkto?” mahina niyang tanong.
Umiling si Tyrone. “Hindi. Para kang target. At trabaho kong siguraduhing hindi ka tinatamaan.”
CLAUSE 2: COHABITATION & APPEARANCES
Lumipat siya sa susunod na pahina.
“Kailangan nating magmukhang magkasama,” sabi niya. “There will be events. Dinners. A few photo ops.”
“Magkasama… as in titira?” napasinghap si Belle.
“Yes,” diretsong sagot niya. “But—” mabilis nitong dinugtungan, “separate rooms. That’s written here.”
Tinuro nito ang linya.
“No forced intimacy. No physical obligation.”
Napabuntong-hininga si Belle, hindi niya namalayang pinipigilan pala niya ang hininga niya.
“Ang kailangan lang,” dagdag ni Tyrone, “ay consistency. Sa kilos. Sa body language. Sa kwento.”
“Parang acting,” sabi niya.
Tumango ang lalaki. “Exactly. Except this time, the audience is unforgiving.”
CLAUSE 3: FINANCIAL SUPPORT & INDEPENDENCE
Lumalim ang boses ni Tyrone habang binabasa ang susunod.
“I will provide financial support for the duration of the contract.”
Napatingin agad si Belle. “Ayoko ng gan’yan.”
“I know,” sagot niya agad, parang handa sa pagtutol. “That’s why may sub-clause.”
Tinuro niya ang maliit na teksto sa ibaba.
“You will receive it as compensation, not allowance. May sarili kang account. Walang kontrol. Walang tracking.”
“Bakit kailangan pa?” tanong niya.
“Because when the backlash comes—and it will—you might lose work. Customers. Opportunities,” paliwanag niya. “Ayokong ang kapalit ng pangalan ko ay kabuhayan mo.”
Nanahimik si Belle. Mas masakit ang pagiging praktikal kaysa sa pagiging sweet.
CLAUSE 4: SOCIAL MEDIA & PUBLIC CONDUCT
Ito ang pahinang matagal tinitigan ni Belle.
“You will limit social media activity,” paliwanag ni Tyrone. “No personal posts. No emotional statements. Silence is protection.”
“Pero bakit ako ang tatahimik?” tanong niya, may bahid ng hinanakit.
“Because anything you say can be twisted,” sagot niya. “At kapag ikaw ang umatake, ikaw ang lalabas na desperado.”
Saglit siyang tumigil bago magsalita ulit.
“I’ll take the heat,” sabi niya. “Ikaw, mananatiling malinis.”
CLAUSE 5: DURATION
Ito ang pahinang pinaka-kinatatakutan ni Belle.
“The contract will last for two years,” sabi ni Tyrone.
“Dalawang taon?” halos pabulong niyang ulit.
“Enough time for the issue to die,” paliwanag niya. “Enough time for the public to move on.”
“At pagkatapos?” tanong niya.
CLAUSE 6: EXIT STRATEGY
Dito huminga nang malalim si Tyrone.
“After the duration,” paliwanag niya, “we will announce a mutual separation. No cheating. No third party. Just… growing apart.”
“Parang totoong mag-asawa,” mahina niyang sabi.
“Exactly,” sagot niya. “Because clean endings are believable.”
“Paano ang pangalan ko?” tanong ni Belle.
“Protected,” sagot niya agad. “You leave with dignity. No rumors. No stains.”
CLAUSE 7: CONSENT & TERMINATION
“At ito,” sabi ni Tyrone, mas seryoso na ngayon, “ang pinakaimportante.”
Tinuro niya ang huling pahina.
“You can terminate the contract if you feel unsafe, disrespected, or emotionally compromised.”
Napatingin si Belle sa kanya.
“Hindi kita ikukulong,” dagdag niya. “At hindi kita pipilitin. Kahit kailan.”
Tahimik ang paligid.
Isinara ni Belle ang folder.
“Ang dami mong inisip,” sabi niya.
Tumango si Tyrone. “Because the world won’t think for you.”
Saglit siyang tumingin sa mesa bago muling magsalita.
“I’m not asking you to love me,” sabi niya. “I’m asking you to survive this with me.”
At doon—sa pagitan ng papel, mga clause, at isang lalaking handang akuin ang galit ng mundo—napagtanto ni Belle ang totoo.
Hindi ito proposal ng kasal.
Ito ay isang kasunduan laban sa isang mundong handang durugin siya.
At ngayon, ang tanong na lang ay—
Handa ba siyang pumirma?
"Bakit hindi ka na lang magpa-presscon at linisin mo ang pangalan mo at hayaan na lang ako sa mga negatibong sasabihin sa akin ng mga tao? Bakit kailangan pa tayong humantong sa ganito?"
Tahimik si Tyrone. Isang segundo. Dalawa.
Hindi siya umiwas ng tingin.
“Because I was there.” he paused. “I’m not letting the consequences land on you alone.” Bahagya siyang huminga nang malalim, parang pinipigilan ang anumang emosyon.
“I don’t abandon people I’m involved with.”
"Public mercy is rare,” dagdag niya, mas neutral na ngayon ang tono. “I don’t wait for it.”
“And I don’t gamble with people’s lives,” sabi niya, diretso ang tingin kay Belle.
May ilang segundong katahimikan bago muling nagsalita si Tyrone, mas mabagal, mas maingat—parang may pinipigilan.
“Someone I loved didn’t survive public opinion.”
Hindi niya ito pinaliwanag.
Hindi rin niya binawi.
Parang isang pangungusap na nakalusot bago niya tuluyang isinara ang pinto ng emosyon.
Muling bumalik ang lamig sa kanyang mukha.
Tahimik lang si Belle.
Hindi iyong katahimikang payapa—kundi ‘yong uri na may bigat. Parang may nakabitin sa hangin na hindi mabanggit-banggit na desisyon.
Nakatitig si Belle sa papel na nasa mesa. Makapal. Malinis. Perpektong nakaayos. Parang kabaligtaran ng kaguluhang nasa loob niya.
Isang pirma lang.
Isang linya ng tinta—at tuluyan nang magbabago ang direksiyon ng buhay niya.
Hindi siya agad gumalaw.
Naririnig niya ang sariling paghinga. Mabagal. Hindi sigurado. Ramdam niya ang t***k ng puso niya sa tenga niya, parang may nagbibilang ng oras.
Sa kabilang dulo ng mesa, nakaupo si Tyrone. Diretso ang likod. Magkapatong ang mga kamay. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin siya nagsasalita.
Parang alam niyang anumang sabihin niya pa ay magiging panghihimasok.
Hindi niya tinitigan ang papel. Si Belle ang tinitigan niya.
Hindi may pangungulit. Hindi may pakiusap.
Isang tahimik na presensya lang—nandoon.
Humigpit ang hawak ni Belle sa ballpen. Bahagyang nanginginig ang mga daliri niya. Hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa bigat ng tanong na paulit-ulit bumabalik sa isip niya.
Paano kung tama siya?
Paano kung wala talaga siyang takas dito?
Dahan-dahan siyang lumunok.
Sa labas ng bintana, may dumaan na sasakyan. Isang mahinang busina. Normal na tunog ng mundo—samantalang ang mundo niya ay tila nakahinto.
Saglit siyang tumingin kay Tyrone.
Hindi ito ngumiti. Hindi rin ito nagbago ng ekspresyon.
Pero naroon ang isang bagay na hindi niya inaasahan.
Hindi panalo.
Hindi kontrol.
Responsibilidad.
Bumalik ang tingin niya sa papel.
Isang hinga pa.
At saka—
dahan-dahan niyang inilapat ang dulo ng ballpen sa papel.