SLIPPERY BEGINNINGS

1527 Words
SLIPPERY BEGINNINGS ABALA si Belle sa pag-aayos ng stack ng mga bouquet, ngunit ramdam niya ang init sa ulo at ang pananakit ng tiyan mula sa gutom. Hindi siya nakapag-almusal kanina, at medyo nakailang ulit na rin siyang naglakad at nagbuhat ng pabalik-balik sa mabibigat na bulaklak mula sa van patungo sa hotel lobby. Sa bawat hakbang, nanginginig ang kanyang mga binti, at halos gusto na niyang huminto at maupo sa sahig. "Sigurado ka bang kaya mo pa, Belle? Puwede naman kasi sina Tony at Aya na ang bahala niyan. Magpahinga ka muna." Nag-aalalang sabi sa kanya ni Miss Yoly, na siya ring supervisor ng deliver nila. "Baka bumagsak na niyan sa lobby," dagdag pa nito. “Relax lang, Miss Yoly! Kaya ko ‘to… siguro,” sagot ni Belle, sabay hagikgik habang pinipilit hawakan ang bigat na stack ng bouquet. Sa loob-loob niya, ramdam niya ang matinding kahinaan sa katawan. Parang gusto na niyang huminga ng malalim, pero kailangan niyang matapos ang pagdadala ng lahat ng bulaklak. Sa kabilang dulo ng lobby, naka-upo sa isang mahabang sofa ang isang matikas na lalaki, abala sa kanyang cellphone. Pinipilit niyang tapusin ang mga emails, tuloy-tuloy ang galaw ng kanyang mga daliri sa screen, halos hindi iniangat ang tingin sa paligid. Kahit hindi sinasadya, ramdam ang natural niyang aura—composed, confident, at sobrang nakaka-intimidate. Habang naglalakad si Belle, hindi niya napansin ang medyo basang sahig kahit may caution sign sa gilid. Nakatuon ang mata niya sa mga bulaklak, halo ang kaba at pag-iingat sa bigat ng dala niya. Ngunit biglang nakaramdam siya ng matinding pagkahilo; parang umiikot ang kanyang paningin, nanginginig ang kanyang mga binti, at nahirapan siyang panatilihin ang balanse. Sa parehong sandali, tumayo na rin ang lalaki mula sa sofa, nakatingin pa rin sa cellphone habang naglalakad palabas ng lobby lounge. Abala rin siya sa iniisip at hindi napansin ang paparating na babae na naglalakad nang medyo mabilis, hawak ang stack ng bouquet. Crash! Nagkabunggoan sila. Nawalan ng balanse ni Belle, nadulas ang kanyang mga paa. Ang bigat ng stack ng bulaklak ay patungo sa kanya, at sa kasamaang-palad, dahil sa pagod, gutom, at bahagyang lagnat, nabangga rin ang ulo niya sa sahig. Sandaling lumiwanag ang paligid sa kanyang paningin bago tuluyang mawalan ng malay. “Whoa! Miss! Are you okay?!” Rinig ni Belle ang boses ng isang lalaki. Sa medyo nakapitkit niyang mga mata ay naaninag niya ang isang pigura ng isang lalaking nakadungaw sa kanya. Tinapik-tapik nito ang kanyang mukha at may kung ano itong sinasabing hindi niya maintindihan hanggang sa tuluyan siyang nawalan na ng malay. ***** ooOoo ***** “Damn!” bulalas niya sa sarili. Ang puso niya ay mabilis ang tumibok—malakas yata ang impact ng banggaan nilang dalawa. Agad niyang nilapitan ang babae. “Miss…” tawag niya, bahagyang nag-aalala sa bigat ng hitsura na makikita sa mukha ng babae. Medyo maputla ito at puno ng pawis ang noo. Halos hindi niya mawari kung gaano kalakas ang pagkakabangga nila. Napansin niyang nakapikit ang babae, ang katawan nito’y tila humina, at ang stack ng bouquet ay nabagsak sa sahig. Reflex na lamang ni Tyrone ang mabilis na itagilid ang katawan niya at saluhin ito. “Hang on… I’ll take you to the hospital,” sabi niya, maingat ngunit determinado. Dahan-dahang binuhat ang babae sa kanyang mga braso, pinipilit na hindi ito lalong masaktan. Ramdam niya ang init ng katawan nito—maaaring lagnat o sobrang pagod, ngunit mas mahalaga ay ang kaligtasan nito sa kasalukuyang sitwasyon. Pinunasan niya ang mga lumilipad na petals at ribbons na natagpuan sa kanyang balikat habang pinapasok ang babae sa kotse. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan, iniisip ang pinakamabilis na ruta papunta sa ospital, habang tinitiyak na komportable at ligtas ang babae sa kanyang mga braso. ***** ooOoo ***** Minsan, may mga sandaling lihim na hinihiling ni Belle na sana paggising niya isang araw, hindi na niya kailangang isipin kung paano kikita ng pera. ‘Yong hindi na niya kailangang magbilad sa ilalim ng araw, magbuhat ng mabibigat na paninda, o magbilang ng kinitang barya. Isang buhay na payapa at magaan—pero alam naman niyang imposible iyon. Dahil sa fairytale lang ang may gano’ng klase ng swerte. “How is she?” “She’s fine. May lagnat lang siya. She only needs some rest. She’ll wake up soon. Please excuse me.” Unti-unting pumasok sa kanyang ulirat ang mga tinig—malalalim, malinaw, at hindi pamilyar. Huh? Sino ‘yon? Nananaginip ba siya? Bakit may mga boses sa paligid niya? May tao ba sa kwarto niya? Paano sila nakapasok? Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Magnanakaw? Kidnapper? r****t? Oh no… Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata. Sa una, malabo ang lahat—parang nakalubog siya sa liwanag. Puti. Maliwanag. Tahimik. Sinubukan niyang bumangon, pero agad siyang napahiga muli nang dumaloy ang kirot sa buong katawan niya. “Ouch…” Napapikit siya saglit, pilit inaayos ang kanyang paghinga. Teka… sandali lang. Habang nakahiga, unti-unti niyang napansin ang paligid. May kakaibang bango sa hangin—malinis, banayad, parang lavender. Ang kama ay sobrang lambot, halos lumulubog ang katawan niya. Ang kumot ay makinis at malamig sa balat. Hindi ito ang manipis na kutson sa inuupahan niyang maliit na kwarto. Malaki ang silid. Elegante. Tahimik. May mahabang kurtina, at may kakaibang katahimikan na hindi niya nakasanayan. Hindi… ito ang kwarto ko. “You’re awake.” Napapitlag si Belle. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanan—at doon niya nakita ang isang lalaki na nakatayo malapit sa kama. Matangkad. Maayos ang postura. Nakaayos ang suot, at kahit walang imik, ramdam ang presensya nito—kalma, kontrolado, at may natural na ma awtoridad. Nakatitig ito sa kanya, halatang nagmamasid, pero hindi iyong klase ng titig na bastos. May bahid ng pag-aalala sa mga mata nito, kahit pilit na tinatago sa likod ng composure. “Are you okay? How do you feel?” tanong ng lalaki, mababa at diretso ang tono. Unti-unting luminaw ang paningin ni Belle—at doon siya tuluyang napanganga. Grabe… Ang guwapo ng lalaking nasa harap niya. Matalas ang features, maayos ang pananamit na mahahalata mo agad na designer clothes, at may kakaibang aura na hindi niya maipaliwanag. Hindi ito ‘yong tipo ng lalaking araw-araw niyang nakakasalubong sa palengke o sa kalsada. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. “M-Mister…” mahinang sambit niya, halos pabulong. “Nasa langit na ba ako? Ikaw na ba ang anghel na susundo sa ’kin?” Saglit na natigilan ang lalaki bago kumunot ang noo. “Are you an i***t?” Nanlaki ang mata ni Belle. Hala… Nagmura? Bawal ‘yon sa langit, ah. Biglang pumasok sa isip niya ang mas nakakakabang ideya. Baka… si Kamatayan ‘to? Pero kung gano’n… infairness, guwapo pala si Kamatayan. Hindi pa siya nakaka-react nang maramdaman niya ang malamig na dampi ng palad sa kanyang noo. Napapikit siya sa gulat. Maingat ang galaw ng lalaki, parang sanay—sinusukat ang temperatura niya. “Your fever is gone,” sabi nito matapos ang ilang segundo. Inalis niya ang kamay niya at tumuwid ng tayo. “All you need to do is rest. You’ll be fine by now.” Napakurap si Belle. Fever? Rest? Pakiramdam niya ay anumang oras ay dudugo ang ilong niya sa dami ng Ingles na naririnig. Hindi siya sanay sa ganitong kaayos at seryosong tono—lalo na mula sa isang lalaking mukhang galing sa ibang mundo. At saka, parang may biglang humatak sa alaala niya. Ang lobby. Ang mabigat na bouquet. Ang madulas na sahig. Ang banggaan...at nahilo. Napatitig siya sa lalaki. Ito nga ang lalaking nakabangga niya kanina. “Just tell me if you need anything,” sabi nito, baritono ang boses at kalmado pa rin. Nanatiling tahimik si Belle, pinagmamasdan siya—at sa loob ng kanyang dibdib, may kakaibang pakiramdam na unti-unting gumagapang. Hindi takot. Hindi galit. Isang pakiramdam na… parang hindi ito ang huling beses na magkikita sila. ***** ooOoo ***** Pagkatapos i-discharge si Belle sa ospital, pinilit ni Tyrone na manatili muna sa kanyang isip ang responsibilidad. “After you’re discharged, I’ll arrange a room for you at a nearby hotel,” sabi niya, halos baon sa tono ang pangangailangang kontrolin ang sitwasyon. “Just for tonight. You can leave tomorrow.” "Huh?" Okay naman na siya. Sa isip niya ay hindi na kailangan iyon kasi sanay naman siyang umuwing mag-isa tuwing gabi. Medyo may kalayuan ng konti ang bahay niya, dalawang sakayan ng jeep pero sanay na siya roon. Tiningnan ni Belle ang mukha ng lalaki at seryoso ito. Tumango na lamang siya, medyo naguguluhan at nag-aalangan. “Hotel? Talaga… kailangan ba? Bakit” sunod-sunod niyang tanong. “I insist,” tanging sagot ni Tyrone, matino at diretso. Pinanood niyang nakatitig ang babae sa kanya, tahimik. “The doctor said you need proper rest. Your body… it’s been through a lot. And this—” pinatong niya ang kamay sa tatlong papel ng resita ni Belle, “—all of this is because of me. I’ll take responsibility.” Tahimik lang si Bell. Tila ba wala sa sariling napatango-tango na lamang. “Okay,” mahina niyang sabi. “Kung gano’n… salamat.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD