MARRY ME

1112 Words
MARRY ME Hindi na siya muling nagbukas ng social media kinagabihan. Tinakpan niya ang cellphone, parang doon niya rin tinatakpan ang ingay ng mundo. Wala siyang manager. Walang abogado. Walang PR team. Isa lang siyang babaeng may simpleng buhay—at isang video na hindi niya hiningi. Kinaumagahan, pinili niyang gawin ang tanging bagay na alam niyang kaya niyang kontrolin: ang bumalik sa normal. Kahit alam niyang hindi na iyon ganap na posible. ***** ooOoo ***** Papunta na siya ng flower shop para magtinda ulit ng mga bulaklak, mahabang araw na naman ito. Iniwan siya Miss Yoly na mag-isa sa tindahan dahil nais nitong makapagpahinga siya at hindi masyadong mapagod dahil sa nangyari sa kanya noong nagdaang araw at wala rin ang kanyang ibang mga kasama dahil abala ito sa mga deliveries na bulaklak. Halatang hindi pa napanood ng kanyang mga ito ang viral video niya dahil hindi pa siya kinokompronta ng mga ito. Habang maingat niyang inaayos ang bawat bundle ng rosas, santan, at chrysanthemums, may bumusinang sasakyan sa gilid ng kalsada. Malapit lang iyon sa tindahan, alam niya—dinig na dinig niya ang tunog—pero pinilit niyang huwag pansinin. Pinilit niyang manatili sa gitna ng kanyang maliit na mundo, sa amoy ng lupa, ng bulaklak, at ng mahinang hangin na humahaplos sa mukha niya. Muling bumusina ang sasakyan, mas malakas ngayon, halos umalingawngaw sa buong kalye. Napahinto siya, nagtaas ng kilay at sumingit: “Hoy, Manong! May problema ba kayo riyan? Pinagmamayabang mo ba ‘yang kotse mo kaya ka busina nang busina?” Lumabas ang isang lalaki mula sa sasakyan. Naka-shades, fitted black V-neck shirt, maong na pantalon na tamang-tama ang sukat—hindi masyadong maluwag, hindi masyadong skinny—at sapatos na halatang mamahalin. Ngunit teka… iyon ba si Tyrone? Ang lalaki mula sa video? Ang lalaki na ngayon ay hindi lang misteryoso at mayaman, kundi nakaukit sa kanyang alaala dahil sa viral na pangyayari? Pumangalay ang mata niya sa laki ng katawan nito. Mas gumuwapo siya ngayon, halata ang banat sa gym, ang bawat galaw ay parang eksena sa magasin. Napapalunok si Belle, halos matumba sa kaba at pagkabigla. Humakbang ito papalapit sa kanya, matatag, diretso ang mga mata sa kanya. Nakatitig si Belle, parang pinipilit ang sarili na huwag matulala. Ilang segundo, ang mundo niya ay nanahimik. Huminto ito sa harap niya, mataas, nangingibabaw, at hindi iniwan ang titig sa kanya. Ang puso ni Belle ay parang tumatalon-talon sa sobrang kaba, bawat t***k ay parang kulog na umaalingawngaw sa kanyang buong katawan. “Hey, woman, stop drooling,” biro ng lalaki nang makalapit, halatang alam nito ang iniisip niya. “Hoy, Manong, hindi kaya!” sigaw ni Belle, sabay iwas ng tingin, nahihiya at kinikilig nang sabay. Ramdam niya ang init sa pisngi, ang t***k ng puso na parang gusto nang tumakas, at ang kaba na hindi niya maipaliwanag. Sa loob niya, nag-aalab ang halo ng takot, pagkasabik, at pagkamangha—ang lalaki sa harap niya ay hindi na lamang si Tyrone mula sa video. Ngayon, siya ay literal na nakatayo sa harap niya, at ang mundo ni Belle ay nagbago sa isang iglap. A-anong ginagawa mo dito?” Nauutal ang boses niya, parang nagkakalog ang mga salita sa kanyang bibig. Hindi niya ma-focus ang isip—ang mga mata niya ay nakatitig sa kanya, ang katawan niya ay parang frozen, at ang puso niya ay tumatakbo sa bilis ng kidlat. “You know why I’m here,” sagot niya, halatang composed pero may bahid ng pagod. Bumuntong-hininga siya, halatang nag-iisip bago nagpatuloy: “To clear things up.” Naku po! Andito na naman tayo sa English na ‘to! Mapapasabak na naman ang mga braincells ko nito. Paano ba ‘to—magaling magsalita ang lalaki, may confidence, at… grabe, nakaka-intimidate siya. Kailangan ko ba siyang kausapin ng maayos? O baka mas lalo lang akong magmukhang tanga kung mali ang sabihin ko? At saka… bakit parang lumalaki ang dibdib ko sa kaba? O baka excitement lang? Hindi, Belle. Focus ka. May viral video ka na kumakalat sa buong mundo, at ang taong nasa harap mo… isa pa siyang billionaire, misteryoso, at may hawak na kapangyarihan na hindi mo pa naiintindihan. Hindi siya basta-basta makakalapit sa isang simpleng babae lang kagaya mo. "P-paano mo nalaman ang lugar ko? Kung saan ako hahanapin?" nauutal niyang tanong, at halatang kinakabahan siya. "That's too easy. I asked my secretary to look into this flowershop doon sa hotel kung saan tayo nagkabangga , I know I will find you here. So, do you work here?" Tila ba ay pinagpapawisan na ang noo ni Belle at nanlalamig ang kanyang katawan. Pakiramdam niya rin ay nanunuyo ang kanyang lalamunan dahil purong English na lang ang kanyang naririnig. Hindi niya alam kung saan uunahin ang tingin—sa matinding intensity ng mata ni Tyrone, sa malapitan niyang presensya. “Belle…” malalim ang boses ni Tyrone, hindi na biro. “This… thing with the video—it’s serious. You know how fast news spreads, right? The whole city, maybe the country, will see it soon.” Napahinto si Belle, ang dibdib niya’y mabilis ang t***k. “I… I know…” parang ewan na napapa-english na rin siya kahit nanginginig ang boses. “Which is why,” tuloy niya, “we need a solution. A way to protect both of us. The public… social media… the investors…” tumigil sandali si Tyrone, tinitingnan siya nang diretso. “We can make it look like… a relationship. Official. On paper.” Ha? Ano daw? Tama ba ang rinig niya? Nakunot lang ang noo ni Belle. Hindi niya mawari kung seryoso ba talaga ang lalaki sa mga sinasabi nito. Nang marinig iyon, halos huminto ang mundo ni Belle. Ang iniisip niya—isang Love Contract? Siya lang, isang simpleng babae, at si Tyrone—isa sa pinakamayamang at pinaka-powerful na tao sa bansa—ay nagmumungkahi ng ganitong bagay para sa kanya? “A-ano?” utal niya, halos 'di makapaniwala. “Think about it,” paliwanag ni Tyrone, matino at diretso. “If we go public as a couple… the video won’t hurt anyone’s image. You’re safe. I’m safe. Investors won’t panic. And people will eat it up as… drama. Romantic drama.” Si Belle, bagamat nahihirapan, naramdaman ang bigat ng sitwasyon. Ang option na ito ay parang isang protection shield, ngunit… ang kasama niya sa shield na iyon ay si Tyrone. Hindi niya alam kung paano haharapin ito—sa loob ng puso niya, sa isip niya, at sa mundo ng social media na parang hindi na mapipigilan. "Belle..." Muling sinambit ng binata ang kanyang pangalan bago nagpatuloy sa sasabihin, "Marry me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD