INILIBOT ni Pearl ang tingin sa suite ni Primo sa Enix Hotel. Doon siya dinala ni Primo pagkatapos niya itong hingan ng tulong. Tumayo siya sa tapat ng painting na nakasabit sa dingding habang pinagmamasdan iyon. Kilala niya ang pintor ng obra—si Exer Villez. In the painting, there was a grand piano in the middle of the sea.
"Pearl, are you sure about this? Do you really want me to make you a woman?" narinig niyang tanong ni Primo mula sa likuran.
Nahimigan niya ang kaseryosuhan sa boses ni Primo. Pero nadi-distract siya ng magandang painting sa harap. "Yes, my lord."
Bakit kaya madalas ay piano ang subject ng paintings ni Exer Villez?
"Bakit ako ang napili mo, Pearl?"
"You're the best choice, my lord. You know how to treat women well," bale-walang sagot niya.
Ay, oo nga pala! Pianist ang asawa ni Exer Villez! He must love his wife so much.
Natigilan siya nang maramdaman ang mga kamay ni Primo sa kanyang magkabilang balikat. Naramdaman din niya ang paglapat ng kanyang likod sa matatag na dibdib. She could feel the heat of his body.
"Then, let's start," he whispered seductively in her ear.
Nanayo ang mga balahibo ni Pearl na tinamaan ng mainit na hininga ni Primo. Pumihit siya paharap. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakabukas na ang mga butones ng polo ng lalaki at nakalantad na ang matipunong dibdib. "M-my lord!"
Habang nag-uusap ba sila, naghuhubad si Primo? Dang! She couldn't take her eyes off his wide expanse of chest and his washboard stomach. Sa tangkad ni Primo, bumagay rito ang bulto ng katawan. And his gaze seemed to burn hotter and hotter as he looked back at her.
Disoriented pa rin siya sa lakas ng epekto ni Primo sa kanyang sistema kaya wala siyang nagawa nang marahan siyang itulak sa pader at ikulong sa mga bisig.
"Pearl, I'll make you a woman tonight. Don't worry, I'll be gentle," he said in a low and husky voice. Unti-unti ring bumaba ang mukha sa kanyang mukha.
Noon niya nakuha kung ano ang ibig mangyari ni Primo. Mabilis siyang lumusot sa ilalim ng braso nito upang makalayo. "My lord!"
Nakangising nilingon siya ng lalaki. "What?"
Pinagkrus ni Pearl ang mga braso upang depensahan ang sarili kahit wala naman siyang nararamdamang takot na pagsasamantalahan siya ni Primo. Ang nakikita lang niya sa lalaki ay ang kislap sa mga mata na parang ba naaaliw sa kanyang reaksiyon. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin! When I said I wanted you to make me a woman, I meant I wanted you to coach me on how to become feminine!"
Natawa nang malakas si Primo, saka pasalampak na umupo sa gilid ng kama. "I thought so."
"Kung alam mo sa umpisa pa lang kung ano'ng ibig kong sabihin..." Napaisip si Pearl. "Tinuruan mo lang ba ako ng leksiyon, Lord Primo?"
Tumango ang lalaki. "Sa susunod, mag-iingat ka sa mga salitang gagamitin mo. Men might misunderstand, you know."
She was touched. Concerned si Primo sa kanya para paalalahanan siya nang ganoon. Alam naman niyang kahit maraming babae sa buhay si Primo, gentleman pa rin ang lalaki. Alam ni Primo kung paano tratuhin nang maayos ang mga babae kaya maraming naghahabol dito. He would be perfect as her coach. "Lord Primo, I want to learn how to act more feminine. Tulungan mo ko," pakiusap niya.
Bumuga ito ng hangin. "Is this because of your fight with Charly?"
Umiling si Pearl. "Ginagawa ko 'to para sa sarili ko. At para na rin kay Boss Crey. Gusto kong mapansin niya ako. At dahil binigyan na ako ng pahintulot ni Lady Charly na gawin 'yon, hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon."
"She only said that because she was angry."
"Kahit na. Please, Lord Primo." Tumingin siya nang deretso sa mga mata ng lalaki. "Turuan mo ako kung paano maging feminine."
"I refuse."
"Bakit naman?"
"I'm a busy person, Pearl. Sa tingin mo ba, may oras ako para sa ganyang mga bagay?"
Pero may oras kang mambabae. Nasaktan siya sa pagtanggi ni Primo at sa ibinigay nitong dahilan. Ang akala pa naman niya, kahit paano ay mahalaga na siya rito para tulungan siya. Iyon pala, simpleng bodyguard pa rin ang tingin ni Primo sa kanya. Taas-noo pa rin niya itong hinarap. "Fine, Lord Primo. Kung ayaw mo akong tulungan, ako na lang ang tutulong sa sarili ko."
Padabog niyang isinara ang pinto. Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Masama talaga ang loob niya kay Primo.
Sana sa susunod kong buhay, assassin na niya ako at hindi bodyguard!