PROLOGUE

772 Words
U.S.A. tahoooo, tahoooo. "kuyaaaaaa, teka lang pabili ako ng taho, "kuyaaaaa wait nga lang sabi eh!" "tatayyyyyyyyyyyyyyyy!!!!!! pabili nga ng taho " ay naku bata pasensya na hindi kita narinig" "ok lng kuya, paano mo naman kase ako maririnig eh ang lakas lakas ng earphone mo! hangang dito nga sakin naririnig ko, nako tatay paano ka makakarami nyan." " ay tay, dito mo nalang po ilagay sa baso para madami, tapos po tatay damihan mo po ng s**o at ung matamis." "oo na, oo na sanay na ako sayong bata ka" " salamat tatay ito po ung bayad ko, mag ingat ka po sa pag titinda mo, saka po tangalin mo muna yang headset mo, hindi ka naman kase ung crush nmin para habulin eh.. hehe" "naku bata, ang aga aga ang dami mong hugot sa buhay mo, o sya, aalis na ako para makarami" ** "HOY BRUNO? MAG SI UWI NA NGA KAYO!! INUMAGA NANAMAN KAYO SA PAG IINOM, SINASABI KO SA INYO IPAHINGA NYO MUNA YANG BITUKA NYO!" "Aling beba naman, take it easy. kaya dumadami yang puti mong buhok eh. ka aga aga highblood ka" "tigil tigilan mo ako bruno, hindi purket sinusunod ka ng nakakarami dito, titigas na yang ulo mo, baka gusto mo hilain ko yang patilya mo, umuwi muna kayo!, maligo, tumulong sa gawaing bahay, hindi yung puro alak nanaman kayo! dyos miyo!" "aling beba, dahil high blood ka may kanta kami para sayo" " in one,, two... one two three go.. "UMUWI NA KAYO! WAG NYO AKONG MAKANTA KANTAHAN JAN, HINDI NYO AKO MABOBOLA! UWI IHAHAMBALOS KO SAINYO TONG WALIS TINGTING" "Tara na mga pre , in one , two , one two threee, TAKBOOOOOOO!!" ** "Mareng bebang? halika dito dali, may chika ako sayo. alam mo ba si lani, yong anak nyang babae buntis." "sinong lani? ung taga looban? yung nagtitinda ng isda sa palengke? naku ke gandang bata panaman. san mo nanaman nakuha yang balita nayan? sinasabi ko ko sayo sonya, hindi magandang biro yan. paano kung sa anak mo ang gawan ng tsismis matutuwa ka? "ito naman si mare, hindi sinungaling ung source ko" "sige nga sonya, nung nakaraan binalita mo sakin na patay na si bruno, pero nakita ng dalawang malalaking mata mo,na andto si bruno at tinulungan ka panga nya sa mga pinamili mo. dahil hindi lang nag pakita ng ilang araw yung tao napag kamalan ng patay, sge sabihin mo sa akin ngayon na mapagkakatiwalaan yang source mo. kung ako sayo titigil tigilan ko na yan. kilala mo ako sonya, ayaw na ayaw ko ang may nasisirang buhay dito sa USA dahil lng sa mga tsismis na walng kabuluhan!" "mare naman. o sya uuwi na ako at maglalaba pa" "tama yan, para naman may magawa kang makabuluhan sa araw na ito" ** "Magdalena inumaga ka ata ng uwi ah? at saka bat namamaga yang mata mo? "ano kaba kuya bruno, galing sa trabaho eh, wala to kuya. wag mo akong aalalahanin. natupad lang ang dasal ko, pero hindi papala ako handa dito.. " "sige umuwi kna dun sa bahay nyo, para mapag pahinga, pero sana magdalena, itigil mo na ang ganyang trabaho, hindi ganyan ang buhay na bagay sayo." "saka na siguro kuya bruno, pag nakapag ipon na, alam mo naman mahirap ang buhay, kapit patalim nalng talaga, salamat" ** Hoy lando , para kang tanga jan, ngingiti ngiti mag isa ? ano dalhin naba kita sa mental hospital? "pareng bruno naman, ikaw nga eh ke aga aga tambay ka dito? hulaan ko pinalayas nanaman kayo ni aling bebang no?" "oo eh, inumaga nanaman kase kami sa pag inom, pero teka nga bakit ka ba ngiti ng ngiti jan magisa?" "Pare, nahanap ko na ata yung katapat ko" "Nako pare, ingat ingat ka lang. mahirap mainlab" "Inlab agad? di ba pweding natutuwa lang ako sa kanya" "Sus, wag ako" "sige pre, una na ako, baka hindi pa kumakain sila nanay" "sige pre, ingat " ** Lugar na madalas iwasan ng may mga Pera. lugar na puno daw ng mga basura. lugar kung saan pinamumugaran ng mga chismosa. lugar kung saan nag iinuman kahit umaga. lugar kung saan isang kahig isang tuka. lugar kung saan ang mga bata ang kanilang kinabukasan daw ay sira. lugar kung saan mga holdaper, mga bayarang babae, mag nanakaw, palamunin ay nakatira. lugar kung saan ang tingin sayo, hindi ka pweding makapag tapos at makapag suot ng itim na toga. lugar kung saan naka tutok ang mga mata ng mga mapang husga. ops teka baka katulad ka din nila? pero kahit ganun.... welcome ka sa aming pamilya, welcome to United Squatter Area, enjoy your stay.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD