Chapter 23 – I Love You, Goodbye

1215 Words

Pigil ang bawat paghinga ni Drake pagdating pa lamang sa ospital. Nang makalapit sa kinaroroonan ni Portia ay agad na hinarap siya ni Ysabel. "Iho, si Portia..." saad ng ginang. "Bakit po, Ma? Anong nangyari kay Portia?" marahang tanong niya. Ayaw niyang pangunahan ang kabang nararamdaman niya. "Drake, Iho..." sa bawat salitang binitiwan ng ginang ay sunod-sunod ang pag-agos ng luha nito na tila patak ng ulan. Mula sa kaunti paparami. Papalakas na tila bubuo ng baha. "Ma, Please... Anong nangyari kay Portia?" tanong nitong muli pero ngayon ay hawak nito ang magkabilang balikat ng ginang. Marahang niyuyugyog. Ngunit iyak lamang ang naisukli nito sa kanya. Hindi niya natiis pa at patakbong nagtungo ito kay Portia. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama nito. Ngunit nasa malayo pa lamang ay n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD