Tulala ang dalaga sa bulaklak na ibinigay ni Miggy. Alam niya at ramdam niyang mahal na mahal siya nito. Aminin niya man sa hindi ay mahal na mahal na rin niya ito. Ano pa nga ang ikinatatakot niya? "Mom, i like him..." saad ni Elyze. Tipid na napangiti siya sa sinabi ng anak. Alam niyang wala pa itong naintindihan sa kung ano ang nangyayari. Pero masaya siyang malaman na kahit ang anak ay boto rin kay Miggy. "Let's sleep?" aya nito sa bata. Paano'y matapos umalis ni Miggy ay nagulat siyang gising pa pala ang batang ito. At ang nagbabantay dito na si Nissa ay nahihimbing na rin. "Okay." hawak ang base na pinaglagyan niya ng mga bulaklak ay pumasok sila sa kwarto. Saglit na muling pinatulog ang anak. Alam niyang makakatulog din ito kaagad kapag binasahan niya ito ng kwento. Kaya naman ag

