"Ma, hayaan mo na po. Alam ko namang pinakasalan lang ako ni Drake dahil kay Ezane. Ma, please. Huwag mo na sabihin sa kanya. Wala rin naman siyang pakialam." saad ni Portia habang sapo ang dibdib. Nangingilid ang luha habang pigil na pumatak ang mga ito. Pilit kinakapa ang dibdib para maibsan ang kirot na nadarama. Alam niyang wala nang pag-asa pang mahalin siya ni Drake dahil para rito ay isang pagkakamali lamang ang p********k nila nang gabing iyon. Alam niyang kasalanan niya dahil pinikot niya ito. Hindi na siya umaasa pang may katiting na pagmamahal ito sa kanya. "Sigurado ka ba anak? Kailangan niya ring malaman." namumugto ang mga matang saad ng ina ni Portia na si Ysabel. "Mommy, are you okay? You want me to call dad?" saad ng munting anghel ni Portia na si Ezane. Alam niyang mah

