"Kasalanan mo, kuya! Kung minahal mo lang ang ate ko sana hindi ako ganito sa ‘yo. Alam mo ba na palagi siyang umiiyak dahil sayo! Manhid ka ba ha? Manhid ka? Wala kang puso! Kung hindi ka lang ipinatawag ni ate... Talagang hinding-hindi kita kakausapin!" kuyom ang kamaong sigaw ni Presto. Nag-aapoy ang mga mata habang nanlilisik. Kanina lang ay nagbabantay ito sa ate niya nang bigla nitong ipinatawag si Drake. Naninikip ang dibdib nito at tanging si Drake lang ang nais nitong makita. Tahimik lang si Drake. Nagiguilty siya sa mga nagawa niya. Pero hindi pa naman huli ang magsisi. Puwede pa silang magsimula ulit. Saad ng isip niya. Nakayuko siya habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo at nakaupo sa sofa ng bahay nila ni Portia. "F*ck! Alam mo ba, kuya? Kaunti na lang. Kaunting-kaunti n

