"Iho, thank you sa paghatid kay Trish. Mabuti't ikaw ang nakakita sa kanya." ani mommy ni Trish. "No problem, tita. I should go now. I have a meeting after this." saad nito. Napakabait talaga ng mommy ni Trish. Palaging iniistima nang mabuti ang lahat ng bisita niya. He was about to leave when someone came. "Hi Tita! Where's Elyze? tanong nito. Bahagyang nailang ang ginang nang dumating ang bisita pero agad naman ding nakabawi ng sarili. "O, Iho. Si Elyze ba? Isinama lang ni Nissa sa grocery. Pabalik na rin ‘yon. Nagpumilit kasing bumili ng gummies niya kaya isinama na. Maupo ka." medyo awkward ang pakiramdam ng ginang dahil parehong naririto ang si Miggy ang kasalukuyan ni Trish at minsan na niyang ninais na maging panghabambuhay na makakasama ng anak niya. Si Drake. "Miggy, Iho. Umi

