Chapter 10 – Coincidence

1464 Words

Isang buwan na ang nakalilipas nang huli silang magkita ni Miggy. Nami-miss na niya ang binata. Bakit ba kasi nagbago ang isip nito na makipag-transact sa kanya? Kasalukuyan siyang naggo-grocery ng food nina Elyze at Nissa. Nakagawian na kasi niyang idamay sa grocery ang nakababatang kapatid dahil inaalagaan naman nito ang anak niya. Nasa tissue section na siya nang aksidenteng mahulog ang ilang stocks ng tissue. Napakarami pa namang tao. Bakit ngayon pa nangyari sa kanya ang aksidenteng ito? Sa pagkataranta niya ay agad siyang yumuko para damputin ang mga ito. At sa pagyuko niya ay may tinamaan siyang kung ano. Hindi niya napansin pero may kung anong bagay sa likod niya. Kaya naman agad siyang napalingon saka niya na-realized na tao pala ang nasa likuran niya. "I'm so sorry." sabi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD