Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang kinabahan si Trisha sa nakita. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ay tila katumbas ng paglabas ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib. Nagpapalit-palit ang kanyang mga mata. Naguguluhan kung totoo ba ang kanyang nakikita. Nalilito siya kung paniniwalaan ba niya ito o hindi. Earlier this morning ay nabanggit ni Sophie na may invited guest sila. Hindi naman siya nag-abala pang tanungin kung sino dahil nga banggit nito ay family outing. Kaninang umaga naman ay nakatanggap ng follow-up si Miggy mula sa isang kaibigan. Hindi naman makatanggi ang binata lalo pa at close friend niya ito. Naunang pinagbuksan ng driver si Ken. Ang sumunod naman ay ang lalaking pamilyar ang pagmumukha kay Trish. Sa totoo lang hindi lang pamilyar. Kung hindi ay talagang kilala

