"Sa pagkakatanda ko… parang sinabi mo na hindi magiging kayo?" pilyang sabi ni Sophie habang nakapilig ang ulo sa dibdib ng fiancé nito. Kahit kailan talaga ay mapambuko itong isang ito. Pinamulahan naman ang dalaga habang katabing nakaupo si Miggy sa tabing dagat at nakapalibot sila sa bon fire. "Did I say that?" maang niya. Mabuti na lamang at mapula ang apoy kung hindi ay mahahalata ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Animo'y teenager na kinakantiyawan sa harap ng crush niya. "Fine. Hindi mo sinabi." alam ni Sophie na malalagot siya dito pagbalik nila ng maynila lalo pa at iniwan niya ang mga ito ng makailang beses na pero worth it naman dahil ang ending ay sila pa rin ni Miggy sa huli. "Good." umirap ang mga mata nito sa kaibigan at saka hinarap si Miggy. "Just ignore her. Ganyan t

