Halos magsigawan na sina Sophia at Trish dahil sa lakas ng tugtog sa bar. Nakailang shot na nga ba siya ng tequila? Isa? Dalawa? Tatlo? Ah ewan. Basta ang alam niya ay nag-eenjoy siya. Matagal-tagal na rin simula nang pumunta siya sa bar na ‘yon. Marami na ang nagbago.
Dito nabuo ang matamis na pag-uusap nila ni Drake. Bakit nga ba siya sumama pa sa party na ‘yon? Naalala na naman niya ang lalaking ‘yon. Sa bawat daplis sa kanyang mukha ng makulay na liwanag ng ilaw na nakasabit sa bawat kisame ay siya namang indayog ng bawat tao sa loob ng bar na sinabayan pa ng malakas na tugtog.
"Sophie, uwi na tayo." sambit niya sa kaibigan na tila ba hindi siya naririnig nito. Busy ito sa pakikipag-usap kay Brix –ang pang-apat nitong boyfriend. Hindi naman din kasi siya mahilig mag-party. At lampas dalawang taon na siyang walang night life. Nang dahil kay Drake.
"Shophia... Ta-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang makita niya ang pamilyar na mukha ng nakakainis na nilalang na nakaengkwentro niya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o hindi. May kasama itong apat na lalaki na kasing kisig ng katawan nito. Napailing na lang siya sa sinabi ng isip niya na makisig.
Naka-suit ang mga ito at ang isang kasama ng mga ito ay may kasamang mga babae sa magkabilang gilid nito. Hindi niya alam kung ano ang nakain niya. Parang hinahatak ng mga paa niya ang katawan niya papalapit sa grupo ng mga lalaking ito. Bakit nga ba niya nilapitan ang mga ito?
Pasuray-suray na naglakad siya malapit sa mala-adonis na grupo ng lalaki. Mayamaya pa ay nasa harap na siya ng mga ito at saka ikinumpas niya ang kanyang kamay saka dinuro ang lalaking nakabanggaan niya sa banko.
"Hoy! B-bakit n-nandito k-ka? H-hindi ba d-dapat nire-review mo ang r-records k-ko?!” nauutal niyang sabi dala ng kalasingan.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Macoy ang babaeng mukha namang sophisticated pero nanggugulo sa bonding nilang magkakapatid. Kahit busy pa ito sa pakikipaghalikan sa babaeng katabi.
"Do we know you, Miss?" tanong niya rito pero hindi na nakapagsalita si Trish dahil inunahan na siya ni Miggy.
"She's our client. The girl I was telling you about." hindi alam ni Trisha kung ano ang naikwento ng magaling na lalaking ito sa mga kasama nito. Pero ang mas nakalilito ay nang tumayo ito at hawakan siya sa kamay at hatakin palayo sa mga kasama nito. Dinala siya nito sa sulok ng bar at muli ay nalanghap niya ang pamilyar na pabango na nanunuot sa kaloob-looban ng kanyang ilong.
"Infairness... ang bango." nangingiti pa niyang sabi nang pabulong. Hindi na nakapagpigil pa ang lalaki at kinausap siya nito habang nakatayo sila sa sulok.
"I will not stop you sa pagsigaw sa 'kin in front of many people at my office. But I will not allow you to humiliate me in front of my brothers." seryoso pero malumanay at ma-awtoridad niyang sabi kay Trisha.
“So mga kapatid niya pala ang mga gwapong lalaking ‘yon na kasing gwapo niya…” saad ng isip niya.
Pakiramdam ni Trisha ay para siyang batang pinagagalitan ng daddy niya dahil sa ginawa niya. Umakyat ang init sa pisngi niya at sa buong mukha. Para bang nakalunok siya ng isang buong kamatis sa sobrang pula at nakakain ng sandamakmak na sili dahil sa init na narararamdaman niya.
"s**t! Trisha. What are you doing?" bulong niya sa sarili niya.
"Humanap ka ng paraan para malusutan mo siya." bulong pa niyang muli.
"I n-need to g-go to the t-toilet..." sambit niya sabay hatak ng kamay niya at takbo sa loob ng toilet.
"Oh my gosh! What did I do? Why did I approach them? Gosh." pabulong niyang sabi na natataranta. Hindi niya alam kung ano pang gagawin niya sa sarili dahil sa katangahang ginawa niya.
Hindi pa rin naman siya napapansin ni Sophia na wala na siya sa tabi nito. As usual ay busy pa rin ito sa pakikipag-usap sa boyfriend nito. Kahit siguro umuwi na siya ay hindi siya mapapansin nito. Kaya nga lang ay malalagot siya kapag iniwanan niya ito. Tiyak na tatalakan siya ng isang buong linggo.
"Perang papel na butas! s**t!" sigaw ni Trisha sa gulat nang paglabas niya ay nakaabang pa pala sa pinto ng toilet ang lalaki. Medyo nahimasmasan na siya at nawala ang pagkalasing niya.
"W-why are you still here?" tanong niya sa lalaki.
"Waiting for you." muli ay namula si Trish. Pagkasabi ng lalaki ay iniangat nito ang braso sa pader at itinukod. Halos masakop na ng malaking dibdib nito ang balingkinitang katawan ni Trisha. Napaisip naman si Trisha kung bakit naman siya hihintayin nito.
"So, anong kailangan mo?" kunwaring matapang na tanong niya. Pero kinakabahan siya dahil kung tutuusin ay siya ang nagsimula ng gulo na hindi alam ng magaling niyang kaibigan dahil busy ito. At wala ito sa tabi niya to rescue her from this beast na any moment eh mukhang lalapain na siya.
"If my memory serves me right, ikaw ang may kailangan sa 'kin... Right, Ms. Trisha Barameda?" mas kinabahan pa siya. Dahil naaalala pa nito ang buong pangalan niya at mukhang wala siyang puwedeng ilusot dito. Pero tulad nga ng lagi niyang sinasabi 'butas ng karayom lang ang hindi niya kayang lusutan'.
"Well, I guess your memory is bad. I don't need anything from you tonight. So if you will excuse me, hinihintay na ako ng mga kaibigan ko." pagsisinungaling niya. Pero parang wala namang pakialam ang friend niya na kung saan man siya magsusuot dahil hinahayaan siya nito na humanap ng knight niya pero wala na siyang choice.
Pagkasabi ay hinawi niya ang braso ng lalaking nakatukod sa pader na sumasakop sa lumiliit niyang mundo sa bar. Naglakad siyang papalayo pero ramdam niya na inihahatid siya ng mga mata nitong kulay kayumanggi.
"Oh, Kuya? Sino ba yung magandang chikababes na ‘yon at napatayo ka pa sa kinauupuan mo?" tanong ni Macoy na ngayon ay hindi na kasama ang mga babaeng kanina ay umaaliw sa gabi niya.
"Just someone. The girl I told you about. Siya ‘yong babaeng nagwawala sa office ko." sabay lagok ng tequila na nasa harapan niya.
"I thought may girlfriend ka na, Kuya." sabi naman ni Rick.
"Bagay naman kayo. Maganda siya. Sexy pa." sambit muli ni Macoy.
"Ikaw talaga. Puro babae na naman nasa isip mo." naiiling naman na sabi ni Miggy. Paminsan-minsan ay nagba-bonding ang alfonso brothers lalo na kapag umuuwi sila sa bahay ng parents nila.
"Kuya naman. Girls are life. Paano na lang ang buhay kapag walang girls?" dagdag pa ni Macoy na idadahilan ang lahat para lang sa babae.
"Cheers to forever brotherhood!" at sabay-sabay nilang itinaas ang mga baso nila.
"Trish, Sa’n ka ba galing?" nakataas ang kilay na tanong ni Sophia sa kaibigan na magkasalubong din ang kilay at kulang na lang ay sumabay ang kulog at kidlat dahil sa halos magkadikit na ang mga kilay nito.
"Wow at ngayon napansin mo na ang presence ko? Kanina lang naman naghahanap ako ng savior pero wala ka dahil busy ka." nakangusong sabi nito na nagtatampo.
"At bakit mo naman kailangan ng savior? May nang-harass ba sa ‘yo at muntik ka na’ng ma-r**e?" tatawa-tawang sabi ng kaibigan at sinabayan pa ng bungisngis ng iba pa nilang kasama.
"Hmp. Umuwi na nga tayo. Baka naghihintay na si mommy sa bahay." dagdag pa nito.
"What? Ang aga pa kaya. Sabi ko naman sa ‘yo kanina mag-enjoy ka and don't settle sa past. Wala na si Drake. Madami namang hot papa diyan sa paligid. Katulad nung limang iyon." sabay nguso sa direksiyon ng limang lalaking kanina lang ay iniskandalo niya. Patay malisya naman si Trish na kunwa'y hindi narinig ang sinabi ng kaibigan sabay agaw sa basong hawak nitong may lamang tequila at nilagok.
"Magpa-powder lang ako at magbo-boys hunting." pabirong sabi niya sabay sukbit ng shoulder bag niya. Hindi pa man din siya nakalalampas sa limang lalaking kanina ay iniskandalo niya ay napansin niyang tumayo ang lalaking gusto niyang bugbugin dahil sa pagpapahiya nito sa kanya sa sarili niya.
"Sinusundan mo ba ‘ko?" tanong niya rito pagharap niya nang mapansin niyang nasa likuran na niya ito.
"Excuse me? Are you referring to me?" seryosong tanong ng lalaki.
"Yes? May iba pa ba? Ikaw lang naman ang nandito." mataray na sagot niya sa lalaking nagmamaang-mangan pa.
"And what makes you think na sinusundan kita? Hindi ba ako puwedeng pumunta ng toilet? Gusto mong sumama?" sa pagkapahiya ni Trish ay dali-dali siyang tumalikod. Baka totohanin nitong isama siya sa toilet ng mga lalaki.
"Hmp! Tse!" mataray na sabi niya sabay takbo papunta sa toilet nang hindi niya namalayang may basa pala sa dadaanan niya. Parang nag-slow motion ang paligid at unti-unti siyang napa-slide. Malapit na siyang matumba at wala na siyang nagawa kung hindi ay pumikit at manalangin na hindi siya mabalian sa pagbagsak niya.
"Huh?" nagtataka niyang sabi. Hindi man lang sumayad sa sahig ang katawan niya. Ang mas nakapagtataka ay nakasandal siya sa isang mabango at matigas na bagay.
Dahil nakapikit siya ay hindi niya alam kung ano ang sinasandalan niya. Dahan-dahan siyang nagmulat at laking gulat niya nang makita ang sinasandalan niya. Agad siyang napatayo ng maayos.
"Are you okay?" isang pamilyar na tinig ang naalala niya sa taong narinig niya. Muling naamoy niya ang scent na pamilyar sa kanya. Hindi na niya nagawang humarap pa. Tumango na lamang siya. Sa pagkapahiya ay dali-dali siyang pumasok sa toilet.