Dahan-dahang pumasok ang dalaga sa pamilyar na lugar kung saan muling nagbalik ang alaala ng nakaraan. Alaalang nagdulot ng matinding sakit sa kanyang puso. Alaala ng naudlot nilang kasal ni Drake. Ito rin ang hotel kung saan sila magdi-dinner ni Miggy. Muling lumibot ng mga mata ng dalaga pagpasok sa hotel. Marami na ang nagbago pero hindi ang position ng sofa na pinagbuhusan niya ng kanyang mga luha. May emergency naman si Miggy kaya pinauna na niya ang dalaga kung saan sila kakain. Katulad ng napag-usapan ay maghihintay ang dalaga sa lobby. Marahan siyang naglakad sa parehong puwesto kung saan niya unang nakita ang lalaking nagbigay ng puting panyo. Same spot kung saan inayos nito ang stiletto niya. Hindi pa rin naman siya gutom kaya makapaghihintay pa siya. Nag-scroll muna siya sa so

