Kung mabibigyan lang siya ng chance ni Trisha. Itatama niya ito. Itatama niya ang lahat. Ang mga nagawa niyang mali. Pero paano? Paano ba? E sarado na ang puso ng dalaga. Sarado na. Nagsara na simula nang malaman nito may naka one-night stand siya nakabuntis. "Drake, please... Please lang. Huwag mo naman akong paulit-ulit na saktan. Huwag mong hayaang madurog ulit ang puso ko. Huwag mong hayaang kamuhian kita habang buhay. Please... tama nang sinaksak mo ‘ko patalikod. Huwag namang pati harap-harapan, Drake. Please..." pagusumamo ng dalaga sa dating kasintahan. Matapos ay sinakop ng mga palad ng dalaga ang kanyang mukha. Tanging hagulgol na lamang ang maririnig sa terasa. Mabuti na lamang at nasa sala na ang kanyang ina niya at si Miggy. Ayaw niyang makita siya ni Miggy na ganoon. Helple

