Hindi naging madali ang unang araw ni Trisha. Ang akala niya ay sapat na ang magkasama sila ni Miggy sa loob ng bahay. May pamilyang maituturing at may asawang mapagsisilbihan. Para mas mabilis ang pag-recover niya ay pinilit ng dalaga na gumising nang maaga para makapagluto ng pagkain nila. Handa na ang almusal at si Miggy na lang ang kulang. Dahil magkatabi lang ang kwarto nila ay agad niya itong pinuntahan at kinatok sa kwarto nito. Makailang ulit na siyang kumakatok ngunit walang Miggy na nagbubukas ng pinto. Sinubukan niya ring tawagin ito ngunit walang sumasagot. Naisip niyang baka tulog na tulog ito dahil late na silang nakatulog kagabi. Paano'y late na rin nakauwi ang mga kapatid nito. Nagtungo siya sa kanyang kwarto para kunin ang cellphone niya. Naisip niyang tawagan ito. Nang

