Chapter 6 – Missing You

1494 Words
After how many days na hindi sila nagkikita ay naging payapa ang mga araw ni Trisha. Alam niyang walang Miggy na bubulaga sa kanya sa mga araw na iyon. Pero whether she accept it or not ay nami-miss niya ito. "Bakit ba kita iniisip? Wala naman tayong relationship. I don't even see the reason why I should think of you.” isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Kailan nga ba ang balik ni Miggy? A week pa. Tatatlong araw pa lamang ang lumilipas. Wala ring rason para magkita silang muli. Settled na ang loan niya dahil inayos ni Miggy iyon before he left. Labis naman ang kalungkutang nararamdaman ni Miggy. Holiday na holiday ay nasa overseas siya. Hindi naman siya nag-iisa dahil kasama niya ang daddy niya pero hindi siya sanay na wala ang mommy niya at mga kapatid sa ganoong okasyon. Mabuti na lamang at may modernong paraan na para makipagkomunikasyon siya sa mga ito. Nag-video call na lang sila para kahit paano ay maibsan ang kanyang kalungkutan. "Miggy, happy new year, anak!" bati ng mommy niya. “Happy new year, Mi Ferdinand.” bati ni Martha sa asawa. "Happy new year, Mom! Sa inyo din mga bro!" sabi naman ni Miggy. “Happy new year, Mi Amore!” kahit kailan talaga ay sweet pa rin sa isa’t isa ang mag-asawang Martha at Ferdinand. Kaya naman naman ito ng mga anak nila. Magkakasama ang mga ito sa ancestral house ng mga Alfonso. Gusto man niyang makasama ang family niya ay malabo pero babawi na lang siya pag-uwi nila. Hindi naman mapakali si Nissa sa harap ng gate. May dumating kasing package na pagkalaki-laki. Mas excited pa siya kaysa sa may-ari ng package. Patakbo pa itong nagtungo sa ate niya na kasalukuyang nasa kwarto. "Ate, may delivery ka." sigaw ni Nissa sa pintuan na animo’y kinikilig pa. "Huh? San daw galing?" kunot ang noong tanong ni Trisha na naguguluhan dahil wala naman siyang package na hinihintay. "Hindi sinabi e." bakas ang kilig sa kapatid na tila may nagti-twinkle pang stars ang mata nito. Hindi na niya kukulitin pa ang isang ito dahil alam niyang walang sense ang sasabihin nito since mahilig din magsekreto ang makulit niyang kapatid. Agad siyang lumabas at bumaba papuntang sala. Halos lumuwa ang mga mata niya sa nakita. Paano’y isang giant teddy bear na ‘sing laki niya at isang bouquet ng white tulips ang nakalagay sa sofa. Nagpalinga-linga siya para tingnan sina Nissa at ang parents niya. Hawak naman ng kanyang ina ang dalawang kamay ni Elyze na nakatunghay rin sa kanya. Tila kumikinang din ang mga mata ng mga ito katulad ng kapatid. Matagal nang gusto ng kanyang mga magulang na magkaroon siya ng mapapangasawa kaya naman excited din ang mga ito sa nakita. "Ate, nanliligaw ba sa ‘yo ‘yan?" tanong ni Nissa. Sa halip na sagutin ay hindi na lang niya ito pinansin. Nilapitan niya ang delivery at sinilip ang card na nakasingit sa bouquet. “Happy new year, Ms. Trisha Barameda… Miguel Alfonso?” basa niya sa card na hindi makapaaniwala. Nagtataka siya kung bakit naman siya padadalhan nito ng flowers at bear. Iniisip niya kung nanliligaw ba ito sa kanya. Bahagya siyang kinilig sa kaalamang galing ito kay Miggy. But she was afraid at the same time to fall in love again. "No. Never." pigil niya sa naiisip. Hindi siya dapat nagpapadala sa mga regalo. Hindi sila close at lalo ng walang dahilan para bigyan siya nito ng kung ano pa mang regalo. "Nis, sa ‘yo na lang. I don't need it." alok niya sa kapatid sabay akyat sa taas. "Talaga ate?" excited na tanong naman ni Nissa. Tumango lang siya at tuluyan ng umakyat ng hagdan pero nakakaisang hakbang pa lamang siya ay tumunog na ang telepono niya. Isang mensahe sa taong kanina lang ay nasa isipan niya. “Miggy here. Nagustuhan mo na ang pinadala ko?” tulala sa mensahe na napapaisip siya. "How did he get my number?!" tanong niya sa sarili. Well everything is possible sa taong in love pero ilang beses pa lang naman sila nagkita. "Ah, never mind." sabi niya sa sarili. Wala siyang balak mag-reply or what. Hindi naman na sila magkikita not unless pupunta ito sa bahay niya o pupunta siya sa banko. “Tama. Sa banko.” bigla niyang naalala. Maaring nakuh nito ang number niya sa records niya. Buong araw niyang isinubsob ang sarili sa trabaho. Kahit holiday ay hindi niya puwedeng pabayaan ang business niya. Mayamaya pa ay may nag-message ulit sa kanya. Pagtingin niya ay galing ulit kay Miggy. “I hope you like it. Miggy…” basa niya. Naiiling na lamang siya. Kahit bahagya siyang kinilig ay ayaw niyang itolerate ang nararamdaman niya. "Nag-e-expect ba siya ng reply? Sorry. Pero, I'm not the type of person who will entertain these kinds of surprises." bulong niya. Pero ilang oras na ang nakalilipas ay hindi na siya makapag-concentrate pa sa ginagawa niya. Saglit siya nagpahinga at nahiga sa kama pero pabaling-baling lang siya dito. Higa. Tagilid. Dapa. Tihaya. Kulang na lang ay ipatiwarik niya ang sarili niya. "Tss. Bakit ba kasi iniisip ko pa siya?" inis na sabi niya sa sarili. At dahil hindi rin naman siya makapag-concentrate ay bumaba na lang siya para puntahan si Elyze. "Sweety, do you want to go to the mall?" kumislap ang mga mata ng bata at mabilis na tumango. Minsan lang siya magka-time kay Elyze at dahil holiday naman ay ibibigay niya ang araw at oras na ito sa bata. "Ma, pa. Alis muna kami ni Elyze. But we'll be here before midnight."paalam niya. "Okay, Anak. See you later. Enjoy!" sagot naman ng mommy niya. Lumabas sila ni Elyze at nagtungo sa Moonway Pyramid Mall. Ilang oras din silang naglibot. Isinakay niya ang bata sa mga rides. Kumain din sila ng ice cream at enjoy na enjoy naman ang bata. Nang mapagod ay saglit silang nagpahinga. Pagkatapos ay nag-shopping sila. Palagi naman niya itong ipinagsa-shopping pero kadalasan ay hindi niya ito kasama. Mas lamang pa na kasama nito ang mommy at daddy niya. Paminsan naman ay si Nissa na isip bata rin sa kakulitan. "Sweety, let's go home." agad namang tumango si Elyze. Nang makarating sila sa bahay ay agad niyang inilagay sa fridge ang mga pinamili niya. Tinulungan niyang magluto ng media noche ang mommy niya at si Nissa. Na-miss niya ang ganitong pagkakataon. For the past two years ay puro mukmok lang ang ginawa niya pero this time ay okay na siya. "Ma, tikman mo nga ‘tong sauce kung okay na." sabay abot ng sandok na may sauce sa mommy niya. "Aba, anak. Nag-improved ang carbonara mo. Masarap. Dati kasi mapait." pabirong sabi ng mommy niya. "Ma!" sigaw niya sabay nguso na animo’y nagtatampo sa tinuran ng ina. Natawa na lang si Nissa at ang mommy niya. Hindi naman kasi talaga mapait ang luto niya last time pero umiiyak siya ng araw na iyon. Habang nagluluto. Unang new year dapat nila ni Drake no’n two years ago kung natuloy lang sana ang kasal nila. "Trisha, anak. May bisita ka." saad ng daddy niya habang karga si Elyze. Hindi naman na nagtataka si Trisha kung sino ang bisita niya. Malamang ay si Sophia iyon. Hindi talaga makatiis na hindi sila magkita. E kakakita lang nila no’ng Monday. Tinadtad siya ng tanong tungkol kay Miggy na wala naman siyang dapat na isagot. Dali-dali siyang lumabas ng kusina at nagtungo sa sala. "Sophie, Miss mo na ko n---" hindi na niya natapos ang sasabihin at natigilan siya. Hindi niya ini-expect ang bisita niya. At never siyang nag-expect. "Hi, ba--- Trish." bungad ni lalaking kaharap. What the hell is this human doing in her house. Mabait talaga ang daddy niya. Despite what had happened to them two years ago ay hinarap pa rin niya ang lalaking ito. "What are you doing here?" mapait na tanong ni Trisha na wala naman siyang balak estimahin ang bisita. "Dinadalaw ko lang si Elyze." pagkasabi ay agad namang tumakbo ang bata sa kanya. "Daddy!" sigaw ng bata. Agad naman itong niyakap ni Drake at hinagkan. "Did you miss, daddy?" tanong ni Drake sa anak. "Yet..." tatango-tangong sagot nito na may pagkabulol pa. Hindi na napigilan ni Trisha na sumama ang batang si Elyze sa daddy nito. Ipapasyal lang naman daw nito. Dali-dali siyang umakyat sa kwarto. Hindi niya kaya ang nakikita. Uminit ang mga mata niya at unti-unting namasa. Muling sumilip ang kirot sa kanyang dibdib. Feels like yesterday. Ang sakit no’ng nakalipas na dalawang taon ay bumalik na parang kahapon lang. Biglang pumasok sa isip niya ang lalaking tumulong sa kanya at nagpahiram ng panyo. At dahil doon ay saglit siyang nangiti. "Thank you." bulong niya at naghilom ang hapdi sa puso niya. Kung hindi dahil sa lalaking iyon marahil ay hindi siya makangingiti no’ng araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD