Calix POV
Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko nag iisip kung ano ba ang dapat kong gawin ngayon.
“Bro pwede ba tayong mag usap?” Mindlink sakin ni Joshua
“Sure bro punta ka lang dito sa kwarto ko”
Hindi ko alam kung ano ang pag uusapan namin sa Tono kasi ni Joshua parang seryoso ang pag uusapan namin.
Bumalik Lang ako sa realidad ng may nagbukas ng pinto.
“Bro hindi ka ba Marunong kumatok” Bastos na bata
“Kanina pa kaya ako kumakatok”
Sa sobra ko sigurong pag iisip hindi ko narinig ang mga katok nya
“Ano ba ang pag uusapan natin”
“Si Lanna ba talaga ang mate mo?”
Napa iwas ako ng tingin sa kanya hindi ko ineexpect na ganun ang itatanong nya.
“Huo naman kaya nga minarkahan ko sya diba”
“Talaga Lang ha. Alam mo naman na hindi kaya ng isang mate na malayo sa kanyang mate lalo na kapag ito ay namarkahan na pero sa kaso mo parang hindi mo nararanasan yun”
“Bro hindi man halata pero masakit sakin na malayo si Lanna pero hindi ko sya pwedeng pigilan sa pangarap nya”
Tinitigan nya ko ng matagal na parang kinikilatis ako kung nagsasabi ba ko ng totoo o hindi.
“Halata ka pag nagsisinungaling alam ko na hindi mo mate si Lanna. Ang totoong mate mo ay si Hanna. Alam ko na hindi Nahahalata ng iba pero hindi ako.”
“Paano mo nalaman na mate ko si Hanna?”
“Hindi ako bulag Bro kitang kita ko ang mga kislap ng mga mata mo kapag tumitingin ka sa kanya na kahit kailan hindi nangyari Kay Lanna”
Ganun ba ko kahalata? Oo aaminin ko gusto ko na si Hanna
“Hindi ko sya pwedeng ipakilala sa pack josh”
“Ha? Bakit naman?”
“Kasi Tao sya at mahina hindi sya nararapat na maging luna Baka sya pa ang maging dahilan para bumagsak ang Pack natin”
“Hindi mo magagawang iwasan sya”
“Kaya ko at kakayanin ko”
“Ikaw bahala basta siguraduhin mo Lang na hindi mo ito pagsisisihan”
Hindi ako magsisisi kahit kailan basta para sa pack kaya kung itulak palayo ang mate ko at gagawin ko ang lahat huwag Lang malaman nang lahat na hindi ko mate si Lanna.
Joshua POV
ngayon pa Lang na aawa na ako Kay Hanna kasi sya ang mas masasaktan dito.
Sana nga hindi magsisi si Calix sa pinili nya dahil kahit kailan hindi maiiwasan ng isang werewolf ang kanyang mate. Kung May magagawa Lang ako sana para hindi masakatan si Hanna. Masyadong mabait si Hanna kahit na maluwag ang tornilyo nya alam ko na kahit mahina sya nararapat sakanya ang maging luna namin.
Hindi nababagay si Lanna na maging luna dahil sa ugali nya ay alam ko halos lahat ng myembro sa pack na to ay ayaw Kay Lanna dahil naranasan na nila kung paano tratuhin nito. Mabait Lang naman si Lanna kapag kaharap niya si Calix eh.
Gagawa ako ng paraan para matulungan si Hanna. Kung kinakailangan na maging sandalan nya ko kapag nasasaktan na sya ng sobra.
Sana huwag kang sumuko Kay Calix Hanna.