Joshua POV
Puntahan ko kaya sina Calix baka pinaiyak naman nya si Hanna.
“Oh Lanna nandito ka pala nakita mo ba kung na saan sina Calix?”
“Ha? Hindi hindi”
Ano kayang nangyari Kay Lanna bakit parang namumutla yun at parang balisa.
Hay bahala nga sya.
“Psst Joshua tulong naman kailangan madala si Calix sa hospital”
Narinig ko na parang May sumitsit pagharap ko nakita ko si Hanna habang nakayakap Kay Calix
“Sh** anong nangyari”
“Mamaya ko na ipapaliwanag”
“Ok isakay mo sya sa likod ko”
“Ha?”
Mas madali kong madadala sa pack si Calix kapag naka anyong lobo ako kaysa kung gagamit kami ng sasakyan. Kaya nagpalit ako ngayon ng anyo at sinenyasan si hanna pero nakatingin lang sya sakin na parang nagtataka kung bakit ako nag palit ng anyo. Minsan talaga May pagka slow si Hanna eh.
Pagdating ko sa pack nasa labas ang lahat na parang alam na nila na paparating ako kunsabagay nararamdaman ng membro kapag May nasaktan
“Huhuhu mamatay na ba ang anak ko”
Minsan talaga OA si tita
“Tita mamatay si Calix kapag hindi pa natin sya gagamutin “
“Ay sige hatid na natin sya sa hospital”
Pagdating namin pinasok agad si Calix sa kwarto kung saan ginagamot ang sugatan
“Mas mapapadali ang pag galing nya kapag nandito sa tabi nya ang mate nya”
“Ganun ba. Sige ipapatawag namin si Lanna. Oh nandito naman pala sya”
“Tita kailangan kong umalis kasi May emergency sa trabaho ko”
“Ano? Paano ang anak ko?”
“Pasensiya na po”
Ang totoong mate hindi iniiwan ang mate kapag nasa kapahamakan ito.
Tinitigan ko ng mabuti si Lanna at sinuri ito.nang makita nyang nakatingin ako sa kanya bigla nyang iniwas ang kanyang tingin na parang natatakot na may malaman ako sa kanya.
“I need to go tita”
“Ok mag iingat kang mabuti.”
Umalis si Lanna na parang nagmamadali
“Joshua? “
“Bakit tita?”
“May nalalaman kaba sa nangyayari sa dalawa?”
“Wala po”
Umiwas ako ng tingin Kay tita mahirap na
“Ah ok”
Umalis na si tita at pumasok na sa kwarto kung saan nakalagay si Calix
Kailangan kung malaman kung ano talaga ang nangyari.
Hanna POV
Pagkatapos kong ilagay si Calix sa likod ni Joshua tumakbo ako agad papunta sa parking lot para puntahan si calix alam ko naman na hindi ako makakapasok agad agad eh kasi hindi ako nila ka membro pero alam ko magagawan ko yan ng paraan Sabi nga nila pag gusto maraming paraan pag ayaw maraming dahilan.
Nandito na ako sa May border ng pack at tulad nga ng inaasahan ko May mga bantay
“Sino ka? Anong ginagawa mo dito?”
“I’m hanna,ako kasi ang kasama ni Calix ng mangyari yun sa kanya at kaibigan nya rin ako”
Mag kaibigan Lang muna ang pa kilala ko sa kanila sa susunod mag ka-Ibigan na hahahhaha
Nagkatinginan silang dalawa na parang nag dadalawang isip sila kung papasukin ba ako o hindi pero sa huli pinapasok nila ako at sinamahan sa kwarto kung nasaan so Calix
Nakita ko si Joshua Tulala parang malalim ang iniisip.
“Hoy”
“Hanna?”
“Paano ka nakapasok dito?”
“Sa pinto heheheh”
Sinamaan nya ko ng tingin
“Joke lang syempre pinapasok ako ng mga bantay.kamusta nga pala si Calix?”
“Ok naman sya kailangan nya Lang daw ang mate nya para mapadali ang buhay nya ay este mapadali ang pag galing nya”
“Ah Ganun ba”
“Ano pala ang nangyari?”
“Hindi ko alam eh naguusap lang Kami ni Calix tapos yumuko ako kasi pinulot ko ang nahulog kong pang-ipit tapos pag tingin ko sa kanya puro dugo na sya akala ko pa nga kung una prank yun eh pero nang matumba na sya sa harap ko dun ko Lang nalaman totoo pala yun”
Ang totoo nyan May naramdaman akong presensya habang naguusap kami parang si Lanna pero impossible iyon nasa canteen sya eh at alam ko na hindi nya yun magagawa kay Calix o baka naman hindi para kay Calix yun baka para sakin yun.
“Joshua? Nung umalis ba kami sumunod si Lanna?”
“Oo Sabi nya kasi mag cCR sya tapos nung papunta ako sa Hardin para hanapin kayo nakasalubong ko si Lanna parang namumutla pa nga eh”
“Ganun ba”
May suspect na ko ang kailangan ko Lang ay ebidensya dahil alam ko na hindi sila maniniwala sakin.