Hanna POV
Napag isip isip ko kung gusto ko makuha si Calix kailangan ko syang Landiin hahahha alam ko panget ako pero alam ko na hindi nya kayang iwasan ang attraction na namamagitan samin
Kaya uumpisahan ko sa pagiging sweet sa kanya. Kaya kahit na May hang over pa ko pinagluto ko siya nang cookies at syempre ng lunch nya para naman parating busog ang baby ko mwahahhaha .
—Lunch Time—
Calix POV
“ BABY CALIX”
Nagulat Kami ng mga kaibigan ko dahil sa sigaw at ang Malala dahil sa pagmumukha ng babaeng nasaharapan ko ngayon
“ Calix my love Pinagluto kita”
What the ****
“Bro kilala mo?”
“ Hindi ah”
“ eh bat kilala ka?”
“ Kasi sikat ako”
Nagulat na lang ako na umupo si Hanna sa tabi ko at naka ngiti ng malawak. Nilagay nya sa harapan ko ang pagkain.
“ Grabe naman kahapon Lang tayo mag kita kinalimutan mo na ko?”
Ano ba ang plano ng babaeng to? Plano nya bang ipahiya ako?
“ love? Uy wag kang matulala sa mukha ko baka ma inlove ka sakin”
“Asa at Wala akong planong Kainin ang pagkain na yan baka May lason pa yan”
“ eh si my love talaga masyado mo kong pinapakilig” sabay hampas sakin
Hindi ko alam kung ano ang nakakakilig sa sinabi ko ay isa pa hindi nya ba alam ng pinagkakaiba ng insulto sa pinakikilig tskk pambihirang babae at hindi ko alam pero parang May humaplos sa puso ko
Hanna POV
Hindi nakayanan ni Calix ang pagpapacute ko sa kanya kaya kinain nya rin mwhahahah ( insert ako ang nag wagi song)
Pinagmamasdan ko Lang syang kumain. Ang cute nya talaga Kaya naiinlove ako eh
“ huwag mo akong titigan ang creepy mo”
“ sus kinikilig ka lang eh”
“ hoy ambisyosa kahit kailan hindi ka magugustuhan ng kaibigan ko ay isa pa May syota na yan”
Alam nyo ang sarap mang hampas ng taong lobo. Kailangan pa bang ipamukha na may girlfriend na ang Calix ko? As if naman hihinto nako dahil Lang don no ako ang legal at sya ang illegal. Kahit kailan ang Akin ay akin mwhhhahaha Makaalis na nga dito baka hindi ko Matiis at makain ko si Calix charot wag ngayon maybe bukas na lang hahahha joke
“ my love Alis Muna ako ha. Wag mo ko ma miss mwah”
Nakachansing pa ko Kay Calix my love kahit kiss lang sa cheeks yun. Umalis na ko bago pa ko makarinig ng salita sa kanya
Umpisa pa Lang yan humanda ka calix mabibighani ka rin sa ganda ko. Ang kailangan ko Lang gawin ay landiin ka ng sobra sobra mwahhahahha