JULY "WELCOME to my kingdom. Welcome to... Faerie Landia." Narinig ko ng mabuti ang sinabi ni Ruby pero masyado lang akong na-amaze talaga sa nakikita ko ngayon. "T-totoo ba ‘to?" I heard Natalia say. Pareho pa rin kaming nakatitig sa sinasabing kingdom ni Ruby. And it is, truly a kingdom! "Oo naman!" Magiliw na sabi ni Ruby. "Oh, tatanga na lang ba kayo dyan? Tara na sa kaharian namin." At nagpatiuna nga syang naglakad. ‘Wow naman.’ Wow talaga, wolf. Sumunod na rin kami kay Ruby. Habang naglalakad papuntang kingdom nya, naglilibot rin ang paningin ko. My girlfriend there, is doing the same. Ang laki ng kingdom ni Ruby. Wow, kakaiba ang ambience dito na 'di ko madescribe. Indescribable eh. Talo pa ang mga nagtatayugang palasyo sa UK sa nakikita ko ngayon. And yo, the landscape and

