JULY 3 days later... Take my mind and take my pain, Like an empty bottle takes the rain. And heal, heal, heal, heal. And take my past and take my sins, Like an empty sails the wind Doon na tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Inesh naman oh! Ayokong umiyak pero hindi ko na kinaya. Ang sakit ng puso ko sa pagpipigil ng aking emosyo. Nakakaasar yung kanta! And heal, heal, heal, heal. And tell me some things last. And tell me some things last. Sino bang naglagay ng sibuyas sa mata ko? Ayaw nyang tumigil sa kakaiyak. Ayoko na. "Umiiyak ka na naman?" Tanong ni Jacqui. Dumating na pala ito. Agad ko namang pinahid ang aking mga luha sa mata. "Hindi ah." Suminghot pa ako. Yay, yung sipon ko. "Lokohin mo lelang mo." Sabi nito at lumapit sa akin. Inakbayan nya pa ako. "Normal

