NATALIA "UMUPO ka, Ruby. Ikaw din, July. " narinig kong sabi ng Reyna. Nasa isang pribadong kwarto kami ngayon na tinatawag nilang family room. Narito kaming lahat, The Royal Couple, Tita Trix, Tita Alex, Ely at ako. At ang kararating lang na mga walk-out girls na sina July at Ruby. I felt the burning stares of July pero as usual hindi ako makatingin sa kanya. May isang kamay rin kasing mahigpit ang pagkakakapit sa aking kanang kamay. It was Ely's hands who’s giving me the stares of warning na parang sinasabing, Don't do anything stupid. Alam mo kung anong kaya kong gawin. Ugh! Edi sya na. Juls, I'm sorry. I need to do this. Umiiyak ang puso ko't sumisigaw. Naks, hindi pareho sa kanta pero honestly umiiyak talaga ang puso ko. Gusto kong sabihin ang totoo sa mga nilalang na narito. M

