CH. 6: Ang Daga Part II

2920 Words
NATALIA ANG AGA kong nagising. Tsaka ang ganda ng panaginip ko kaya ang ganda ng bangon ko. Super ganda pa ng feeling ko kaya ng tingnan ko kung anong oras na ay nagulat pa ako ng mga around six ng umaga pa lang pala. Wow! Simula ng grumadweyt ako ng architecture ngayon na lang uli ako nagising ng ganito kaaga at infairness ang gaan sa pakiramdam. Bumangon na ako at pasipol-sipol pa tsaka sumideline na tiningnan ang notifications ng phone ko sa watty kung may update ba ang poborito kong story na Probinsyana pero wala naman pala. Marahil sa sabado pa ulit mag-aupdate yung author. Yung bonus chapter kasi ang naging dahilan ng masayang pagtulog ko. Hahaha! Sa isiping yun, biglang nag-init ang pakiramdam ko at kinailangan ko ng quick shower. Kagabi kasi nanaginip lang naman ako ng pagkaganda-ganda kaya ayun gising na masaya ang magandang dalaga. Sa panaginip kasing yun ay kaaksyon ko si Angelina Jolie. Hayaaaa... *grin* Pagkatapos kong magshower, pinatuyo ko lang ng kaunti ang buhok ko at nagsuot lang ng pambahay na lose white shirt na off shoulder sa kaliwang side, black cotton short shorts at flipflops. Matapos akong masiyahan sa nakikita ko sa salamin ay pumanaog na ako. Maaga ako sa 7:00 A.M. na schedule na breakfast namin ni Dad kaya naman I head down to the kitchen kasi nauhaw akong bigla. Ganun daw talaga kasi yun basta galing ka sa pagligo, uuhawin ka. May scientific explanation yun eh. Nakalimutan ko lang. Bastaaaa... Tanungin nyo na lang si google. Nadaanan ko naman ang apat kong guards na sina Piolo, Sam, Derek at Zanjoe, na agad na bumati sa akin which I happily responded with a good morning.  Kitang-kita ang gulat na expression sa mga mukha nila. Marahil sa pagbati ko rin sa kanila kaya nagulat ang mga ito. Sabi ko naman sa inyo eh, masaya ang gising ko. ^_^ Nagsimula na ulit akong maglakad sa aking destinasyon at agad naman silang sumunod sa akin. "Hintayin nyo na lang ako sa dining." Utos ko sa mga ito ng huminto ako para harapin sila.  Pati ba naman kasi dito sa loob, susundan-sundan pa ako. Hmp! Medyo nakakainis na rin kasi na palaging may nambubuntot sa'yo kaso I don't have a choice. Tsaka ginagawa lang nila ang nakatalagang tungkulin ng mga ito. Tumango naman ang apat bilang sagot at parang robot na naglakad papuntang dining room. Bumuntong hininga na lang ako at binalik ang saya sa diwa ko. Nadaanan ko ang ilang mga kasambahay which was mirroring the guards expression ng bumati ako sa kanila pero nginitian ko lang ang mga ito na ikinanga-nga nila ng lalo. Kibit balikat lang akong tumuloy sa kitchen dahil nauuhaw na talaga ako. Just when I'm about to enter the kitchen door, horror filled me when I saw this kasambahay na akmang sasaksakin ako. Bago sa paningin ko yung kasambahay at base sa tangkad nito'y parang ito yung nakita ko rin dito sa kitchen na nakatalikod sa akin at ayaw humarap kahapon ang peg. And look at her. Curly brown hair, brown eyes, matangos na ilong, makinis na mukha at mapupulang labi with a sexy body, I guess. Dahil fit naman yung maids uniform sa kanya. And her legs yo, Deym! Kasambahay ba talaga ito? Eh ba't ang gandaaa??? Though nadistract ako sa ganda nya, mas natakot ako sa hawak nyang patalim. "What the hell are you doing?!" takot na tanong ko pero pinatatag ko yung boses ko para 'di naman maobvious yung pagkatakot ko.  Kung may balak man syang saksakin ako, umakto na akong nagtapang-tapangan para naman kahit papano magkaroon ako great valor. Nyaa... Natigilan naman ito at unti-unting binaba yung patalim. Hindi ito makatingin sa akin at hindi ko rin mabasa ang expression nya but as I was clearly seeing right now, goddarn it, ang ganda talaga ng ale. Tsaka she looks familiar. Parang nakita ko na sya somewhere. Her face sounds familiar, I mean, looks familiar pala. "M-may daga po kasi,  Ma'am Nat." Narinig kong sabi nya.  Medyo napatanga ako ng sandali dahil paano ko ba sasabihing natulala rin ako sa boses nya. Naks naman! Sa kasambahay lang ba ako mafo-fall? Sa isiping yun ay nagsinuplada na ako. Hindi pwedeng sa kasambahay lang ako mahuhulog. Yay! Ano na lang sasabihin ng mga nasa high society sa akin kung sa maid lang ako papatol. Pero si heart, bakit tumatambol? "Daga lang naman pala tapos ganyan talaga yung porma mo." I began to rant. Kainis kasi eh. Daga lang pala tapos kung makaporma parang sasaksak ng tao pero ng marealize ko yung sinabi nya... "D-daga? Dagaa? Nasaan? Nasaaaan?" I squeak tsaka mabilis na napayakap dito. O.my.god. Daga! Takot ako sa daga. Ang number one weakness po ni Natalia Aquino ay ang daga! "Patayin mo. Patayin mo!" sigaw na utos ko dito habang panay naman ang yakap ko sa kanya.  Huhuhu! Takot talaga ako sa daga. Except sa allergy ko sa tubig alat, ayaw na ayaw ko talaga sa daga. Just merely seeing that little smelly creature eh para nang ikakamatay ko. "Yun nga po sana gagawin ko, ma'am." Sabi naman ng kasambahay na ngayon nga ay nakahapit naman ang isang kamay sa bewang ko. Sumiksik ako sa dibdib nya. Mas matangkad kasi sya sa akin, marahil two inches lang. Natutuliro talaga ako sa ganda ng boses nya pero mas nangibabaw yung takot ko sa daga kaya takot na takot pa rin akong sumiksik dito. Infairness, ang bango ni maid. Tsaka feeling ko ang lakas lakas ng braso nya. Feeling ko kayang kaya nya akong protektahan anytime na kakailanganin ko ito. Feel na feel ko yung moment. Kaya ayun, nakaisip tuloy ako ng magandang idea. "Daga... oh my god... patayin mo. Dagaaa..." arte ko pero actually tsansing na ‘tong ginagawa ko. Ang bango eh. Maano ba't lumandi muna ako pag may time. Haha! Sarap ng breakfast ko. "Daga... Oh no... My god, please kell eett..." maarte pa ring sabi ko habang panay ang amoy dito. Tangna, ano kayang pabango nito? Parang mamahalin. Totyal! "Nasa paanan nyo na po, ma'am!" I heard her say at dahil dun mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya.  Nawala na yung drama ko. Mas umiral yung takot ko sa daga pero sumidline pa rin ako ng amoy at himas sa sexy at mabangong kasambay. Ang maniac ko ano? Hahaha! "Waaaahh!!! Patayin mo! Daga! Oh god. Kill it!" utos ko dito. Naramdaman ko namang parang nagpipigil itong matawa pero hindi ako sure ha dahil hindi ko naman makita ang mukha nya. Haka-haka ko lang yun. "Anong nangyayari dito? Bakit ka sigaw ng sigaw, anak?" I heard Dad say.  Hindi ako lumingon dito but I remained in my position na nakasiksik sa dibdib ng mabango pa rose petals na kasambahay. Shucks! Parang gusto ko ng tumira sa bisig nya forever. Hayaaa? Ansabe ko? "Dad, there's a rat lurking around." Maarteng sabi ko na 'di pa rin bumibitaw sa kasambahay. Ambango men, palanghap muna kahit sandali. *evil grin* "Totoo ba ‘to, July?" narinig kong sabi ni Dad. Upon hearing the name, dun na ako napalayo sa kasambahay at napatingin dito. She's who? Naiisip nyo ba ang naiisip ko? "Uhh... yes po, president. May daga po kasi kanina." Sagot naman ng kasambahay pagkatapos ay tumingin sa akin then she grin. As in toothy grin na lumabas ang mapuputing ngipin nito.  Pwedeng-pwede na itong ipang-model sa anumang brand ng toothpaste. At pakiramdam ko'y nanghina ang mga tuhod ko sa ngiting yun. Wow, anyayare sa akin? And again, she's what? Sino raw ito? "July?" takang tanong ko.  I was looking pa rin sa kasambahay who’s having this cute smile to me. I don't understand myself why I can't take my eyes off of her. She's just so cute. Pinakamagandang kasambahay na nakilala ko in my entire life. "Oh yes, anak. Meet Agent July Mercado. Your new lady guard." Si Dad. Then the agent smiled to me na lumabas pa ang dimple sa kanang pisngi. Hayaaa... Eng gende.Tsaka kamukha nya nga talaga si Mrs. Pitt. Hayaaa... Natulala naman ako ng sandali. Ay bakit ganito yung nararamdaman ko? Eh bakit para akong nahipnotismo sa brown na mga mata nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko na parang nalunok ko yata ang dila ko at hindi ako makapagsalita. Just when I'm about to talk, bigla namang sumulpot si Haruka at Sofia. "Hi tito, Nat and oh wow... July baby? Bakit ka nakamaids uni?" mabilis pa sa hangin na nakapulupot sa braso ni July ang malanding Haruka. ‘Ahas! Ahas ka!’ Sigaw ng utak ko na nag-death glare sa nagpapacute na si Haruring. "Hehe. Cover." Pacute naman ng ahente.  Shucks! Naglandian sa harapan ko. "Ay ganun ba? Eh bakit 'di mo ako tinawagan? 'di ba may number ka naman sa akin?" si Haruka na nakakapit pa rin na parang tuko sa agent. Parang nakalimutan ng dalawa na naroon rin kami. Inis naman ‘tong Haruka na ‘to, nakaw eksena. Tsaka ang landi rin ng agent! Hmp! Mga haliparot! Egrrr... ‘Anong pinagpuputok ng butse mo?’ Wag kang makialam dito brain! Napakamot lang sa batok ang ahente at akmang magsasalita ng may nag-interrupt. I was not aware that I was killing them by looking at them in a frightful look. "Breakfast is ready!" si Kakay. Tiningnan ko muna ang mga ito ng isa pang masamang tingin at nagdadabog na pumunta sa dining hall. Padabog akong naupo sa pwesto ko na katabi ni Dad na nakaupo sa center table. Sumunod naman ang mga ito. "Tabi tayo, July baby." Narinig kong sabi ng malanding Haruka na pinaupo ang agent sa dating pwesto ni Sofia.  Padabog rin na naupo si Sofia sa tabi ko. I was still giving them a death glare na hindi naman nakikita ng agent dahil she was so busy with the flirt Haruka. Sheyt! Bakit naman ganito ang peg ko? Bakit ngatngat na ngatngat ang loob ko sa nakikita ko? Siguro, marahil, sapagkat mas pinili ni Angelina Jolie ang malanding hilaw na koreana na ‘to kaysa sa beauty ko? Awts naman. Mas higit naman akong maganda kay Haruring. Napansin siguro ni Dad ang attitude namin kaya nagsalita na ito bago kami nag-alay ng dasal sa pagkain. "Kids, respect the food. Kumain tayo ng matiwasay, okay. Ayokong may hindi magandang nagaganap sa hapag kainan." He said pero 'di namin pinansin.  I'm sure Sofia was also mirroring what am I doing right now. Madalas na talaga ‘tong dalawang kaibigan ko dito sa WH dahil parang kapatid na rin ang turingan namin sa isa't isa, they practically lived here but I think malalagasan ako ng isang malanding kaibigan... Wait... what? Am I jelly effin' bean? Why should I be? Nagdasal naman si Dad para sa food na ikinapikit muna ng mga mata ko alang sa pagrespeto naman sa pagkain. Actually, kaming lahat na nasa mesa ay ganun ang ginawa. Oo nga pala, ang masunurin kong guards ay nakatayo sa sulok ng dining na nadagdagan pa ni Bruce at John Cena na guards ni Daddy na nakatayo sa 'di rin kalayuan. Inis na inis akong kumakain dahil Haruka was treating July like a baby. Panay ang subo at bigay nya ng pagkain dito. Enjoy na enjoy naman ang ahente. "Bakit ang aga ng pagbwisita nyo dito, Haruring?" masungit na tanong ko.  Haruka don't want us to call her in that name kung nasa harap ng ibang tao. Lalo pa nga sa mga gusto nito. She was embarrassed by that name at minsan dahil ako ang tumatawag dito ng pet name nya'y wala na itong nagagawa. Sinasadya ko talaga, para mapahiya ito kay July. Huh! Gantihan lang pag may time. I succeeded to get her attention. Nilakihan nya ako ng mata habang ngumiti ng plastikan. "I told you to never call me that name in front of other people." Sabi nya sa pagitan ng pekeng ngiti at medyo pabulong na but it was so clear na rinig pa rin naming lahat. "What? The Haruring? It was cute actually." Sabad naman ni July. "Ayeee talaga?" kinilig naman na sabi ni Haruka.  Ako? Napakuyom lang ang kamao. Egrrr... Aba't nakyutan pa sa Haruring ang bruhang ahente?! Naks naman! "Why is she dining with us?" taas kilay ko namang baling kay Dad. "Who?" nonchalant na sagot nito. "Her!" I pointed my spoon sa gawi ng agent. "Kasambahay sya, 'di ba?" masungit na sabi ko. "She's not totally a kasambahay, anak." Kibit balikat naman na sagot ni Dad. "Pero cover nya yun. Dapat she's doing her job. Malalaman nilang agent pala sya at hindi kasambahay dahil you treat her evenly." I reasoned. Inis ako, bakit ba? "Natalia it's not like that---" "I think Ma'am Natalia's right, sir. I shouldn't be joining you here." Sabi naman ng ahente na nagpunas na sa bibig with the table napkin at akmang tatayo when Dad spoke. "You stay there, July." He said in his command tone. Natigil naman ang ahente sa pagtayo at itong si Haruka naman ay may papigil-pigil pa sa kamay ni July. I grunted. Sofia groaned. "Natalia, be nice to July. She's not your ordinary ladyguard. Except sa malaki ang pasasalamat ko sa pagtulong nya sa pagbabantay sayo'y may malaking utang na loob din ako sa pamilya nya." Mariin na sabi ni Dad. I just rolled my eyes kasabay na pagsabi ko ng, "Whatever." Sinabi ko bang manghire pa sya ng isa pang alalay? 'di ba sabi ko na okay na ako sa apat kong guards? Pft! "I'm serious about this, Natalia. Be nice to her." Huling banta ni Dad sa akin.  Hindi na ako sumagot. In my 21 years of existence, ngayon lang ako nagkaroon ng major major na banta kay Dad. Ngayon na nandito ang ahenteng ‘to. WTF?! Sino ba ito sa inaakala nya? "Let's continue eating." Sabi ni Dad.  Padabog ko namang sinunod ito and once more I glared at the agent na ngayon nga ay amused na nakatingin sa akin. Nakipagsukatan naman ako ng tingin at ito ang unang bumitaw as she shook her head at nagpatuloy sa pagkain. ‘Pft! Talo sa tinginan. Waley itong agent na ‘to.’ Kantyaw ko sa loob-loob ko. Kahit pa nga nagkaroon ako ng mabilis na crush sa agent na to'y napalitan naman ng panibugho dahil mas kinakampihan pa ito ng ama ko. Biruin mo yun? Ilang araw pa lang ba nakilala ni Dad ito pero kung makapagtanggol lang si Dad sa kanya, wagas! Tahimik na kaming kumakain habang panay pa rin ang pasweet ni Haruka sa ahenteng 'di na rin tumingin sa akin. At ang atribida rin eh. 'di na ako tinapunan ng tingin simula pa kaninang nagsukatan kami ng tingin. Akala mo kung sinong maganda. Ayt! I was playing my food when someone's phone rang. It was not mine dahil sure akong naiwan ko sa kwarto ang phone ko. Kay Sofia pala yung phone na nagriring. Then she answered it tapos kami, kumain lang ulit. Pasweetums pa rin si Haruring sa ahente. Ako? Naninibugho na hindi ko alam kung bakit. Ugh! "Oh yes, tuloy kami. Oo. Wait us in two hours. Yes, yung mga napag-usapan natin tuloy yun. Okay. Okay. Bye." Then she turned off the line at humarap sa akin. "We are leaving in two hours, Nat. We will use my family's private plane. Ready ka na ba?" Medyo nagbuffering pa yung utak ko sa sinabi nya tsaka ako parang natauhan at biglang napatayo. "Sheyt! Ngayon na ba yung alis natin?" "Words, Natalia. Words." Epal ni Dad. "Sorry." Hinging paumanhin ko.  Kahit naman suwail at suplada ako but Dad trained me not to cuss. Kasi bad daw yun tsaka masagwa pakinggan. Pero minsan hindi ko mapigilan magsabi ng bad words at minsanan ko rin lang ginagawa yun pag he was not around. Hehe. "I haven't pack yet. Una na ako." Wow, nakalimutan ko talagang ngayon na yung alis namin. Ang sarap kasi ng panaginip ko kagabi. Hayyy... namental block tuloy ako. "Leaving where?" narinig kong tanong ni July.  Uh-huh, kahit nakatalikod na ako'y kilala ko na ang boses nito. Tinandaan ko talaga dahil alam kong magiging matigas na karibal ko ito sa Daddy ko. ‘Asooos, yun lang ba talaga?’ Uip brain, joiner ka rin ano? I halt.  "Dad, paano ba yang alaga mo, walang kaalam-alam kung saan pupunta ang BABANTAYAN nya. Tsk. Tsk. Walang kwenta." I mockingly said as I glance once again at the agent. At tinaasan ito ng kilay tsaka mabilis na tumalikod dito. Hindi ko na alam ang naging reaction nya at wala na rin akong naging pakialam dahil aawayin ko ang gusto kong awayin. Pagsusupladahan ko ang gusto kong pagsupladahan dahil ako ang masusunod at wala ng iba. "Kakayyyy!!!" sigaw ko habang naglalakad papuntang kwarto. Nagkumahog naman ang kasambahay sa paglapit sa akin. Ewan ko kung saan syang lupalop nanggaling ang maid pero humihingal itong lumapit sa akin. Paglingon ko ay nakasunod na pala ang apat kong guards. ‘Eh yung malanding nakakacostume ng kasambahay, 'di sumunod?’ Nakuup, landi lang yata ang nasa JD (Job Description) nito eh. "Ano po yun, ma'am?" tanong ni Kakay. "Tulungan mo akong mag-empake. Alam mo naman ang usual na dinadala ko when I go out of town." Utos ko dito at parang tuta na sumunod-sunod sa akin sa paglakad tungo sa kwarto ko. "Mauna ka na! Bukas naman yung kwarto ko!" bulyaw ko naman dito dahil naalibadbaran ako sa kasusunod nya. "Yes, ma'am! Yes, ma'am!" Dali-dali naman itong tumalima. Sumusunod pa rin ang apat kong guards na parang mga robot. Talagang posture na posture. Hininaan ko ang paglalakad dahil nagbabakasaling nahuli lang yung ladyguard. Pero nakarating na ako sa harapan ng kwarto, and as I motion my hands to my four guards na hintayin ako dito sa labas na umayos naman sa pagkakatayo ang apat, I counted 1-10 muna bago pumasok sa kwarto ko. One... Two... Bakit 'di sumunod yung agent na yun? Five... Six... Ayp! At wala yata talagang balak! Nine... Nine and one-half... Buset! Dapat nagsisimula na syang bantayan ako! At nag-extend pa ako ng half ha! Badtrip na agent yun! TEN! Natagalan na nga yung ten ko eh. Ayt! Ayt! Ayt! Grrr... Nagpapadyak na binuksan ko ang doorknob ng pinto ng kwarto ko at pumasok ako kasabay nang pagbalibag sa pintuan. Nahulog pa nga yung wall frame na nakasabit sa katabi ng pintuan pero wa pakialam na ako kahit pa nga pinta pa yun ni Fernando Amorsolo na nabili pa ni Dad sa sobrang mahal na presyo. Eh sa badtrip ako eh. Egrrr!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD