CH. 9: Sayaw sa Hita

2856 Words
NATALIA WALANG hiyang babaeng yun! Walanghiya! Walanghiya talaga! Grr! Walanghiya siya dahil hindi nya ako tuluyang hinalikan! Sa halip, pinatayo nya lang ako ng maayos na parang walang epek yung nangyari, na parang walang spark! Meron nga ba? Ah basta, nakakainis! Ugh! Akala ko talaga yun na eh. Ang lapit na eh. Kaunti na lang talaga. Inches na lang! Tapos ang sasabihin nya lang, sorry?! Naku... Naku... Naku... ‘Expectant ka kasi!’ Oo na brain, expectant na kung expectant.  Masama bang mangarap? Wait... what? Ako? Si Natalia Aquino s***h ang maganda't maalindog na anak ng president ay pinangarap na mahalikan ng bruhang malanding agent na yun? No! I must be insane! Egrr... Malala na ‘tong nararamdaman ko. Pwedeng may magpaliwanag nito? Naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko. Buti na lang tahimik ang paligid at walang nag-iingay dito sa loob ng sasakyan ngayon. Tahimik lang naming binabaybay ang daan papunta sa nireserve naming hotel na lalagian namin dito sa Iligan ng ilang araw. I was lost in my thoughts at nanggagalaiti pa rin sa nararamdaman ko mula sa 'muntikan' ng kissing scene namin ng ahente. My god, feel na feel kong tumunga ng bote ng alak sa oras na ‘to.  Yeah, yun ang pinakauna kong gagawin paglapag na paglapag namin sa hotel mamaya. Maglalasing ako at mag-eenjoy. Kakalimutan itong walanghiyang pag-flip ng tyan ko at matinding impact ng brown eyes nito at kilig tuwing makikita ko si July. ‘I warned you!’ Yes, brain. Susundin na kita. Don't worry! Hayy, palagiang away sa sarili? Kaloka! +++ Sa hotel... "Miss Aquino?" tawag pansin sa akin ng isang magandang dilag. Medyo nawala naman ang inis ko sa nakita. Uhm, magandang tanawin. "Good noon po. Sorry for interrupting pero ako nga po pala ang head producer s***h host ng 'Saan gagala sa Freelipinas?'. Kinuha po kami ng presidente to cover your escapades at tour all over the country po para na rin po sa promotion ng bansa, dahil yun din naman po daw ang gusto nyo." Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. Oo nga at sinabi ko yun kay Dad pero the fact na nangialam na naman sya'y medyo uminis sa diwa ko. Pakialamerong matandang yun ah! But anyway, maganda naman ‘tong si miss sino nga daw ulit sya? "What's your name?" diretsong tanong ko sa kanya.  Nakita ko namang parang naintimidate ito sa akin and I can't help but to smirk because of that. I know na marami talagang naiintimidate sa akin. Well, who wouldn't? Ako lang naman ang magandang anak ng long time president dito sa Freelipinas. Alam nilang, kung anong kapangyarihan meron ang ama ko'y ganun rin ang meron sa akin. O mas higit pa nga dahil hindi naman ako kayang tiisin ng mabait kong ama. *evil laugh* Syanga pala, ‘Saan gagala sa Freelipinas’ ay isa sa mga pinakasikat na entertainment show dito sa Freelipinas. Ito nga ang specialty nila, base na rin sa pangalan ng show. So, ito pala ang host huh. "A-ahh, A-ako nga po pala si Jacquilyn Gomez po and this is my staff, Andres as camera man and assistant ko po, si Allou." I heard her say at tinuro ang mga kasama sa likuran na ngayon ko lang napansin.  Nakababa na rin ang mga kasamahan ko sa sasakyan at naghihintay sa likuran ko. Syempre, todo bantay na yung mga guards ko at kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatayo sa 'di kalayuan ang nagmamasid na sexy'ng ladyguard. Woah? Ansabe ko? I just complimented her, again! Hayy, this has to end. "Okay." Uninterested na sabi ko. I'm itching to get to my room at makaalis na sa presence ng mga ito, lalo na sa paningin ni July. Ang gulo na ng isipan ko dahil dito. "Let's talk later, Jac. Papatawag na lang kita." Sabi ko dito at dali-daling umalis.  Dali-dali akong pumasok sa presidential suite na nireserve namin at nagkulong muna ako sa kwarto. Wala na akong balak mananghalian dahil parang nanghihina na akong gustong magpahinga na lang sa lahat ng nangyari ngayong araw sa akin. Gusto ko ng magpahinga sa confusing feelings na ‘to. Haaaa! Nakakawalang gana. Makatulog na lang nga muna. And with that, nakatulog nga ako, not minding kung binabantayan pa ako ng mga guards kong yun. Well, it’s their job. Alam na nila kung anong dapat nilang gawin. Bahala na sila. +++ JULY "What are you doing here?" tanong ko kay Jacqui.  Pasimple akong pumunta sa kwarto nila when I secured na okay na si Natalia sa room nila. Tutal nandun din ang apat na guards and so far wala pa namang danger alert kaya minabuti ko munang kausapin sila Jacqui. I can't believe they are here. I didn't ask for back up. "Chief sent us. Mas mabuti daw yung marami tayong  nagbabantay sa prinsesa." Sagot naman nitong  may kinukulikot sa laptop. Sumilip naman ako sa monitor. "Is that Natalia's room at sa presidential suite?" gulat na tanong ko dito. She just grinned. "Bright idea?" tanong nito sa akin.  Tumango lang ako. Mas mabuti nga yung may mga hidden camera's na nakalagay dun sa suite nila para sa close monitoring na gagawin namin. Ganito kami magtrabaho, we don't wanna miss anything. "But I didn't ask for back up." Pag-iiba ko ng usapan dito at tumabi sa kinauupuan nito.  Napatingin ako sa monitor ng laptop nya at parang may sariling isip ang mga mata kong dumako sa particular square ng monitor. Yung sa kwarto ni Natalia. Kitang-kita naman mula rito ang malaanghel na mukha nitong payapang natutulog. "Juls? Hoy!" batok sa akin ni Jacqui. "Aray naman! Nambabatok agad, te?" inis na baling ko sa kanya. "Kasi naman, kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka naman pala nakikinig." Salubong ang kilay at matiim itong nakatingin sa akin. Hala. Nagsasalita pala ito? Eh bakit wala syang narinig kanina? Tsk. Tsk. Ano ba naman ‘to. Hayy... "Ano nga ulit sabi mo?" tanong ko ulit dito at sumulyap ulit sa monitor.  This time gumalaw na si Nat at bumaling sa kabilang side. Mas nakita ko tuloy ng maayos ang mukha nya dahil pabor na pabor sa side ng camera ang view na ngayon. "Ika ko, sara mo yang bibig mo dahil tumutulo na laway mo sa kakatingin kay Natalia!"  "Ako?!" eksaheradang sagot ko. "Hoy babae, I am not ogling at that b*tch!" "Ow, defensive..." tukso nito sa akin. "Tumigil ka nga, Jacqui. Hindi ko sya type." Nilakihan nya ako ng mata. "Totoo?" "Oh ba't parang hindi ka naniniwala, babae?" "Seriously, best? Ang ganda kaya ni Miss Natalia. Eh ako ngang straight, napapahanga sa kanya, ikaw pang super straight?" tumaas ang kilay ko sa sinabi nya. "Super—" "Hep! Hindi pa ako tapos. Sabi ko, super straight. Straight boy!" tsaka ito humagalpak ng tawa. Nakasimangot at nakanguso akong tumingin lang dito. "Tawa pa, best. Talagang may nakakatawa." Poker face na sabi ko sa kanya. Hindi naman ito tumigil sa kakatawa. Ang hilig talaga kasi nitong pikunin ako. Natatawa pa rin itong bumaling sa akin. "Hindi ka talaga nagagandahan?" tanong nya. "Hindi." "Bakit?" "Basta." "Don't tell me you didn't find her sexy?" "Medyo." "So, that means you found her hot?" "Medyo." "Isn't she gorgeous?" "Yeah." "Do you find her attractive?" "Yes." "So, she's beautiful?" "Definitely." "Prospect girlfriend?" "Pwede." "May gusto ka sa kanya?" "Oo." "Gusto mo syang maging mate?" "Gusto." "Haha! Huli! Deny pa more!" OWEEMGEE! "Jacqui! Walang hiya ka!" hinuhuli lang pala ako ng bruhilda? Oh god, ano bang sinabi ko? Oh sh*t! Hinablot ko ito para sana'y patayin sa kiliti pero mabilis na itong nakatakbo kung saan 'di ko sya maabot. "Magbabayad ka! Halika rito!" nanggigigil na hinuli ko ito habang panay ang kantyaw at papalayong tumatakbo mula sa akin. We were like that for, I don't know how long, till nahuli ko si Jacqui, pinning her on the couch at pinanggigilan kong kilitiin. Piglas ito ng piglas but she couldn't get away from me kasi mas malakas ako sa kanya. I'm her alpha, anyway. "Oh god. Hahaha! Pleaseeee... Gosh, July! Hahahaha!" I'm loving it. Wala talaga itong kaya sa akin. Kasalanan nya rin naman. "You're a naughty girl. Parusa mo ‘to." Sabi ko sa kanya, plastering a smirk on my face.  She was still laughing hard at kiliting-kiliti pa rin ito. Alam ni Jacqui na hindi ko ito titigilan kahit umiyak pa ito at magmakaawa. "What the hell are you doing?!" I heard that familiar voice. ‘Uh-oh. Trouble. Trouble. Trouble.’ Epal ni wolf. And like in the movies, lumingon ako ng pa-slow motion sa nagsalita at para lang makita ang galit na galit na mukha ng dragonesa este prinsesa. Yay! Hindi naman ako makagalaw mula sa ibabaw ni Jac. ‘Lagot ka. Tignan mo po posisyon nyo ni Jacqui.’ Sabi ni wolf. Napalunok naman akong tinignan ang posisyon namin ni Jacqui. At ang sagwa nga ng posisyon namin. I was on the top of Jackie at nakaupo sa bandang tyan nito while her sundress was lifted higher, revealing her toned legs. Oh god. At bakit feeling ko para akong nahuli ng girlfriend kong nakikipagsex sa iba? Napalunok ako bago tumingin uli sa gawi ng prinsesa, who is still in her death glare that was so intimidating. Naiintimidate lang nga ba ako o may iba pang rason? Bakit parang gusto kong magpaliwanag? Palagay ko, pumunta lahat ng dugo ko sa ulo ko. "I can explain..." at bago ko nga napigilan ang bibig ko'y lumabas na ang mga katagang yun. Tumaas ang kilay nito at nagsabing, "No need. Maglampungan kayo hanggang gusto nyo. Ang landi!" tapos pabalibag nyang sinara ang pinto. "She likes you too, best." Nakangising sabi ni Jacqui. Pinanliitan ko ito ng mata. "Kasalanan mo ‘to. Lagot ka sa akin!" gigil na tinuloy ko ang pagkikiliti ko sa kanya and again, she's begging for me to stop. "July, dalian mo dyan at lalabas na si Miss Nat –  oh sorry sa disturbo." Si Sam. Napatigil na naman kami ni Jacqui. "Uhh... I think you need to cut that. Galit na galit si Miss Natalia eh. Parang may binabalak na namang masama, kailangan na natin syang bantayan, Juls." I was sure; my face was crimson red again. Tumango na lang ako at umalis sa taas ni Jacqui, na ngumingiti-ngiti pa. Pasimple ko itong inaksyunan ng kamao bago sumunod kay Sam. "Bye, agent." Palanding sabi pa ng bestfriend ko bago kami nakaalis sa kwarto nya. Putya ka, Jacqui! "Idol na talaga kita, Juls." Iiling-iling namang sabi ni Sam.  Hindi na lang ako nagsalita dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang lakas ng tambol ng dibdib ko. Wala naman akong ginagawang masama, 'di ba? Pero bakit ako kinakabahan at bakit ayaw kong magalit si Natalia sa akin? Ugh. So, confusing. ‘Lagot ka!...’ Wolf, malinis ang konsensya ko!...  ‘Lagot ka talaga!...’ Ugh! +++ We ended up in a bar sa hotel na tinuluyan namin. Mag-gagabi na rin at hayun nga, panay ang tungga ng prinsesa ng tequila, vodka at anumang inumin. Lakas uminom! Kasama nya syempre ang dalawang kaibigan nyang wala ring pakundangan sa pagtungga ng alak. Akala ko talaga tatalakan nya ako kanina pero ang 'di ko inexpect eh, iignorahin nya lang ako, hanggang ngayon. Nakamasid lang naman kami ng apat na guards sa mga ito pero hindi nagpa-obvious. Nasa sulok-sulok ang apat at ako naman ang medyo malapit kay Natalia. She was so hot tonight.  She wore a black glittery fitted tube dress na maliit na lang ay makikita na ang singit nito. God, I wanted to snatch her at that moment o bigyan ito ng mataas na robe para takpan ang magandang katawan nito from those prying eyes.  Yes, pinagtitinginan nga sya ng mga p*****t people from the bar. Who wouldn't? She's so gorgeous. Lalo pa nga't nakalugay ang mahabang buhok nya in big curls, matching her seductive makeup. Lalo na ngayong nasa dance floor sila, buti na lang walang nagtatangkang lumapit dito. Maybe, nakilala ito ng mga tao roon. Yung dalawang kasama nya rin naman ay super sexy at magaganda pero nag-stand out talaga si Natalia. ‘Lasing ka na ata eh?’ No wolf, I'm not. Tss. Akala ko tumahimik na ito. Nakailang shots na rin naman ako pero malakas ang dosage ko sa alak kaya matagal rin akong matamaan. ‘Then you really like Natalia na? You're complimenting her. Kanina pa.’ Tukso nya sa akin. "I am not." "You're not what?" hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Haruka.  Wala na rin si Sofia sa dance floor, si Natalia na lang at isang hindi ko kilalang lalake ang dikit na dikit na kasayaw nya. Uptown Funk yung tinutugtog na kanta tapos kung makasayaw sila parang Careless Whisper ang nakasalang. Aba! Akma kong pupuntahan ang mga ito sa gitna ng dance floor ng hilahin ako pabalik ni Haruka. "Saan ka pupunta?" paanas na sabi nito na inilapit ang katawan sa akin. Oh gosh, tukso! Bigla namang umalinsangan ang paligid. Lunok ang naging peg ko te bago ako nakasagot. Wait, what is she wearing? Ngayon ko lang napansin, akala ko kasi skin tone lang ang small dress nya kanina pero see-through pala! Oh gosh, tubeeggg? Ay hindi, alak. Alak! "Ba-babantayan si Natalia." Oh geez, she's biting my ear.  r**e! "Don't worry about her. Kaya na nya ang sarili nya." Obviously, lasing na si Haruka.  I know she has a thing for me but I'm not that insensitive para hindi malaman na may gusto ang isang kaibigan nito sa kanya. And speaking of her friend... "You're taking advantage of her dahil lasing sya!" galit na sabi nito at hinablot papalayo ang lasing na Haruka mula sa akin. "I am not!" taas kamay na sabi ko. "No. I'm the one—-" "Yes, you are! Shut up, Haruring!" then she threw a glare at me. "Landi mo talaga! Halika na nga." At kinaladkad si Haruka na hindi na nakapalag. Sa kanilang tatlo, parang si Haruka ang mabilis malasing. Poor girl, puro mga party girls ang mga kaibigan nito. Napailing-iling na lang ako bumaling sa gawi ni Natalia para magulat lang ng wala na ito sa kinatatayuan. Naalarma naman akong nagsimulang magpalinga-linga sa paligid. Stupid me! Nasaan na ba yun? ‘Landi kasi…’ Tumahimik ka wolf! Taranta akong luminga-linga sa paligid. The place was so crowded. Gitgitan ang mga tao sa bar na yun. Ugh! Bakit kasi dito pa nag-aya? "Relax, ate. Nag-cr lang sya." Kausap sa akin ng kung sinong katabi ko. Paglingon ko'y si Andres pala. "Susundan ko." Mabilis kong sabi pero pinigilan nya ako. "Papalabas na sya, te." Sabi nyang nginuso ang pintuan ng CR. Sakto ngang lumabas doon ang prinsesa at pumunta sa bar counter kung nasaan kami. "Oh... lalake na naman ngayon? Wow ha. Landi mo, girl." Sabi nya sa akin at inisahang tungga ang alak nasinerve sa kanya ng barista. Hindi ako nakareact agad. Ano raw ang sinasabi nya? Nakatingin lang naman kami ni Andres sa kanya habang panay ang tungga nito ng alak. Wow, may balak nga siguro itong maglunod sa alak. Then just a snap, hinila nya si Andres papuntang dance floor. "Pahiram, b*tch!" narinig ko pang sigaw nya. Hayyy, babaeng yun talaga. Buti na lang hindi nya masyadong namukhaan si Andres. Sabagay, medyo lang naman kasi ang hawig nila ni Rizal dahil fraternal twins naman sila at hindi identical. Pansin kong tipsy na rin si Nat. Disco hits are blasting all over the place at tumutuyo ang lalamunan ko while watching Natalia's dancing with the beat. Oh lord, she's so goddamn goddess on the dance floor. Sayaw lang ng sayaw si Natalia at Andres with couple of songs. Selos na selos naman ako sa kapatid ko dahil buti pa sya, nayayakap at nahahawakan si Natalia. ‘Jealous ha? Hahaha!’ Oh gosh. Ansabe ko? Walang kapaguran si Natalia sa pagsasayaw kahit pa nga iniwan na sya ni Andres sa dance floor. "Ate, taas ng energy." Hinahapong sabi sa akin ni Andres. "Dun muna ako sa labas magbabantay." Dagdag nya ng 'di ako umimik. ‘Whoosh! Newsflash! Agent pinagselosan ang kapatid, bubugbugin mamaya! Hahaha!’ "Shut up, wolf. Shut up!" I muttered on my breath as I gulped my beer, one time. Iniinis pa rin ako ni Wolf but I keep my eyes where Natalia's dancing. I was not aware na napapadami na rin pala ang inom ko habang panay ang 'di mapuknat-puknat na mata kong nakatutok lang dito while she's dancing with some random people. Lady guard nya naman ako, so may karapatan akong tumingin sa kanya. ‘Justify yourself.’ Isa pa wolf, nakakarami ka na! Katagalan ay mas lumapit ako sa gawi ni Natalia where a couch was near there. Mas mababantayan ko kasi ito kung malapit ako. Many boys and girls are hitting on me that night. Pero I shrugged them easily kaya wala ng nagtangka. Buti naman. Nang nasa couch na ako'y dala-dala ko pa rin ang drinks ko habang nakatingin dito. Admittedly, nagngingitngit na ang kalooban ko dahil sa paglalapit ng mga katawan nila ng mga ibang nakakasayaw nya but I have no right kaya naman hanggang tingin na lang ako. Ang nakakainis pa, habang enjoy na enjoy sa pagsasayaw ang dragonesa'y 'di man lang ako pinapansin. Kahit sulyapan ay 'di nya ginawa sa akin! Kaya naman nagulat pa ako when she cleared her way with those random guy and chick at hindi ko alam kung imagination ko lang na, she's walking like the goddess Aphrodite sa gawi ko. At saktong nag-change ang song into Blurred Lines by Robin Thicke. Intro pa lang, tumaas na ang mga balahibo ko. Lalo na ng gumigiling itong papunta sa akin. Oh my god. What is she doing? Sa akin ba talaga sya pupunta? Lumingon ako sa likod ko. It was already a wall. Wala naman syang ibang tinitignan kundi ako! Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko. I felt the sweat beginning to form in my forehead. Airconditioned naman dito pero bakit parang ang init? And it was confirmed na bago pa nagsimula ang pag-rarap ni Robin Thicke, nasa harapan ko na nga ito, sitting on my lap, sexily dancing and grinding on me. OWEEMGEE! Water please? *dry throat* *lunok* *paypay* *ice bucket* Ano paaaaaa!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD