CH. 2: Ang Anak ng Presidente

2817 Words
NATALIA "ANO ba?!" galit na balikwas ko sa aking crimson red queen sized bed.  My room was as big as you can imagine and you can pretty much tell it was like a presidential suite in a five star hotel because everything was provided in there. Color crimson red ang room ko and complimented with other light and dark red colors. Hindi ko paborito ang red, I just love it. Hindi masyadong obvious eh? I glare at the person who’s disturbing my precious sleep.  "Alam mo namang ayaw ko ng ginigising ako ng ganito kaaga 'di ba, Kakay!" sigaw ko sa maid. If you know the Kakay Comedienne, ka-look-a-like sila. "Eh ma'am. Utos lang po ng Presidente. Sumusunod lang po ako sa utos nya." sagot nito. Kakay was one of the maids na matagal ng nagsisilbi sa amin at kaedad ko lang ito kaya medyo 'di na epektibo ang mga tantrums ko sa kanya. "Err! Tell Dad that na susunod na lang ako! Mauna na syang magbreakfast. Ang aga aga eh!" may attitude pa rin na sabi ko at tumalukbong ulit sa kama na nagtakip ng kumot. "Ma'am naman. Mas takot kaya ako kay Pres kaysa sa inyo. Ma'am, sige na bangon ka na." she pleadingly said. Ugh! Nakakarindi ang boses nito. "Bingi ka ba?!" balikwas ko ulit. "I.Said.Get.The.Hell.Out of here!" sabi ko using my command tone. Kilala na nya ako. Kung ayaw nyang mabawasan ang nakausling nguso nito, lalabas na ito in 5 seconds. Nakita ko naman ang pangnginig nito sa outburst ko. Hindi ito mapakali. Atras abante itong nag-aalinlangan kung aalis ba o hindi. I know mas takot sya sa Daddy ko pero alam rin nya kung paano ako magalit. Kaya wag nya akong susubukan kung ayaw nyang maparehas sa mga dating kasambahay namin dito. "Eh ma'am... Ano kasi... Ma'am..." "Kakay!" I throw her my death glare and muntikan na akong matawa sa reaction nito. Para itong batang nawiwiwi na naghahanap ng maiihian pero walang makitang CR o lugar kung saan pwedeng umihi. Pero syempre hindi ako pwedeng tumawa dahil seryoso nga ako sa oras na yun. I need a hella lot of sleep. I certainly do. Hindi ito sumagot. "Bibilang ako ng tatlo pag 'di ka pa nakaalis dito ipapacut off ko sweldo mo. Wag mo akong subukan, alam mong kaya kong gawin yun." banta ko dito.  Napanganga naman itong nakatingin sa akin. I know she need lots of money dahil may sakit ang ama nito. Ito lang kasi ang nagtatrabaho sa pamilya nya. So, I used it as a threat to her. Ang bad girl ko ba? Nahhh, that's just me! Bwahahaha! "Isa..." I started to count. Hindi na nya ako pinatapos at nagmamadali na itong umalis. "Good girl." sabi ko with an evil smirk at bumalik sa paghiga. Tulala na lang akong napatitig sa kisame. Hindi na tuloy ako nakabalik sa pagtulog. Asar naman tong si Kakay oh! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil nagclubbing kami ng mga barkada kong sina Haruka at Sofia. Mga anak rin sila ng mga well known businessman sa bansa at purely rich girls din na gaya ko. Pero syempre ako ang pinakamaganda. Tsaka I can't help to rethink the face of that beautiful brown eyed girl na nakita ko sa resto. I only once glance at her direction pero parang may kakaibang kuryenteng dumaloy sa buong diwa ko. I tried to shrug the thought off sa buong gabi. I succeeded pero ng nakauwi na ako ay 'di pa rin ako dinalaw ng antok dahil she was haunting my thoughts. I still clearly remember her curly long brown hair, matching her nakakaintimidate na brown eyes, matangos na ilong, magandang mukha at mapupulang labi. Even her body was god darn hot. Naiinis ako sa sarili ko dahil para akong natameme sa oras na yun at walang nagawang moves para kilalanin ito. Syanga pala, in case you’re wondering why I was ogling with a girl. I, Natalia Aquino, is a bisexual at confident ako sa sarili ko kaya nga naiinis ako dahil wala akong nagawa to just even get to know the name of that girl. Kaya ngayon, nagdudusa ako dahil 'di ito mawala sa isipan ko. I was not so like that. In a snap of my fingers, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko but at that moment, I don't know why kung bakit ako naging ganun katameme. Regrets, regrets. Huli na para sa regrets. Now, all I could do is to move on. Anyways, pwede ko namang makuha kung sinuman ang gugustuhin ko. Hindi ko na dapat sayangin ang oras ko sa pag-iisip sa babaeng yun. Makatulog na nga lang ulit. Pumikit ako ulit at natulog. Nagpasalamat ako dahil mabilis akong nakatulog but I was badly dreaming of something na nakakatakot. I saw a big wolf, na I never thought nag-eexist pala. It was figthing a fanged creature na well known sa tawag na vampire. Nandoon lang daw ako at nakatayo. Nakatingin sa dalawa habang naglalaban ang mga ito. Wala akong ibang nagawa kundi maitulos sa kinatatayuan dahil they are freaking creatures whom I never thought na makikita ko in person. I believe na may vampire kasi may isang kaibigan akong vampire but I'm totally sure she's harmless pero isang wolf, wow! Hindi ko alam kung anong iisipin ko. They were fiercely fighting each other at talagang papatayin ang isa't isa. Hanggang sa matalo na nga ang vampire ng malaking wolf at pinugutan ito ng ulo gamit ng matatalas nitong fangs. Then the wolf face me with the head of the vamp in its mouth at tinapon ito pagkatapos ay dahan dahang lumapit sa akin. Dapat tumatakbo ako, right? Lalo pa at kitang kita ang fangs nitong nangangalit pa rin. Pero I was just there standing. And we were both staring at each other. Kasi ang cute nga ng wolf. It was twice a human size and its color was ash grey complimenting with black with an eyes who’s golden brown. I was lost in its eyes at hindi ko namalayan na sobrang lapit na nito. It was still looking at me like a predator ready to crush its prey. But instead of running away, hinawakan ko ang ulo nito at mahinang hinimas. To my surprise, hindi ako kinagat at parang maamong tuta itong napapikit na dinama ang pagkakahawak ko sa kanya. The wolf whimp and I found it so cute. Napangiti ako dahil sa ginawa nito. We were like that for a moment ng napalayong umuungol sa sakit ang wolf. I was confused and asking myself if I had done something wrong dahil to my surprise, nakita kong tumatagos ang dugo sa buong katawan nito at bigla itong napahandusay sa sahig. I was just there standing at nagtataka sa mga nangyayari. Then I saw a vampire holding a knife. Hindi ko maaninag ang mukha nito but when she fast fled to me, I was shocked to see my friend Haruka who's now wanting to stab me. Ang nagawa ko na lang ay sumigaw habang ito naman ay mischievously smirking and stabbing me endlessly. Then I woke up full of sweats. Nagpasalamat ako sa maykapal na panaginip lang pala ang lahat ng yun. Whew! I decided na bumangon na at magshower na lang para maibsan ang kabang nararamdaman ko galing kanina sa panaginip ko. It was an odd dream. That was the first time I dreamt something like that. I strip and went to the shower room. I was thinking again about the brown eyed girl. Why can I never stop thinking of her? Hindi na mabuti ‘to. Mabuti pa ngang matawagan na naman ang mga friends ko para makaparty party na naman kami tonight or magsha-shopping kaya later. I finish showering at magbihis ng may kumatok na naman sa pintuan ko. "Pasok." sabi ko while I face my mirror cabinet and apply a little make up. Narinig ko ang pag bukas ng aking pintuan. "Lalabas ka na naman ba, Nat?" hindi ko na kailangang lumingon para alamin kung sino ito. "Dad, alam mo namang ineenjoy ko pa ang life ko. Hayaan mo na ako." sagot kong 'di tumingin dito. It was my Dad. The President of the Republic of the Freelipinas, Hon. Jaime Aquino. Oo, anak ako ng Presidente. At ako lang naman ang pinakaspoiled at pinakamasungit na anak nya. Nag-iisang anak eh kaya wala syang choice kundi sundin ang gusto ko kung ayaw nyang matulad ako kay Mommy at mawala rin sa buhay nito. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Nat..." he said at naramdaman ko na lang na hawak na pala nya ang isang balikat ko. I stop applying my makeup and look unto him through the mirror. Nakikita kong pagod na pagod ang mukha nito. Though Dad was still handsome and matikas pa rin but I can say he gained more wrinkles ever since naging presidente ito ng bansa. And lucky countrymen dahil mabuti pa ang mga ito, nabibigyan ng time ng Daddy ko samantalang ako, hindi. "Dad please... Let me be on my own. I can handle myself. Hakuna matata." I said smiling sweetly to him at bumalik sa ginagawa ko. I heard him sigh again. I know it’s a sigh of defeat and naramdaman kong binitiwan na nya ako. I mentally did a victory laugh sa pagkapanalo ko dito. "Nat, how could I not be worried? You are always out at laging madaling araw na kung umuuwi. I'm still your Dad, syempre nag-aalala ako sa’yo." he said. "May bodyguards naman ako ah. Ano pang silbi nila kung 'di nila ako mababantayan ng maayos? Come on Dad, I'm just having fun. So please, hayaan mo na ako." I said, still doing my thing. "Fun pa rin, Nat? You’re 21 and a registered architect. The top in your class and the second highest rated examinee nung nagtake ka ng exam tapos ganito, anak? Alam mo kung nandito ang mama mo, ganito rin ang magiging reaction nya. Sinasayang mo buhay mo sa mga walang kwentang bagay." he calmly said pero tagos sa puso ko ang lahat ng sinabi nito. "Eh wala naman sya dito. Iniwan na nya tayo." bulong ko. "Anong sabi mo?" Dad asked. I didn't bother to answer and just check myself sa salamin sa closet ko. Instead, iba na lang ang sinabi ko. "See Dad, sinabi mo na mga achievements ko. Isn't that enough for you? Kahit naman nagbubulakbol ako, you see hindi ko pinabayaan ang studies ko." I told him in a serious tone. Ano bang problema nito? May period ba sya? Hindi naman sya usually ganito ah. "I know that Nat, pero ibang level mo na ngayon. Papunta ka na sa adult level and kahit pa nga ang dami mo ng achievements, irresponsible ka pa rin." Nashock ako sa boldness ni Dad today. I look at him in an hindi-makapaniwala look. "Yes Nat, I'm telling you you’re irresponsible. I get enough of it. Since nawala ang Mommy mo naging ganyan ka na. Pinalaki naman kita ng maayos at binigay ko sa'yo lahat ng gusto mo but you still do stupid things and stunts. Nakalimutan mo na bang presidente ang ama mo? You’re putting our lives in jeopardy." he said in a firm tone. "What do you mean, Dad?" confused na tanong ko dito. Hindi ko talaga ito maintindihan. "Nakalimutan mo kung ano na namang ginawa mo kagabi?" Tumingin akong nakakunot noo dito. "I don't know what you're talking about." I replied. Instead of answering me, he handed me his phone as a video rolled on it. Sa video, it was freakin' me na may kaaway na babae. It was in the club na paborito naming puntahan ng mga friends ko. Halatang lasing na lasing na ako habang pinagsasampal ang kawawang babae. Walang pumigil sa akin dahil binabantaan ko silang lahat na wag lumapit. I was gripping the girls hair hard habang kitang kita sa mukha nito na nasasaktan ito sa ginagawa ko. "Alam mo miss sabi ni Charles Schwan, When a man has put a limit on what he will do, he has put a limit on what he can do. But I don't have effin' limits! Coz I'm the hot, beautiful daughter of the president!" sabi ko sa video dun sa babae at ininudnod ang mukha nito sa bar counter. Other people there are cheering at ang iba nga, ito at nagvideo na agad naging viral sa YouTube. Yay! Anong ginawa ko? Hindi ko na binasa ang comments dahil alam kong puro mga negatibo lang ang mga ito. Poker face na binalik ko kay Dad ang cellphone nito. "Wala akong alam dyan. Baka kamukha ko lang yan." paghuhugas kamay ko at bumalik sa harapan ng closet mirror ko. Actually, hindi ko matandaan ang eksenang ‘to pero naalala ko ngang nagawa ko yun ng makita ko na ang video. "Seriously? Kamukha? Come on, Nat. You muster a reason better than that." Dad said mockingly. I can sense he's really pissed off. He rarely does that to me. Kinakabahan ako sa loob ko but nunca kong ipapakita dito na natatakot ako sa kanya. You can probably say, hindi maganda ang relasyon namin ng ama ko dahil ganito ako sa kanya. Yes, tama kayo. Ever since Mom died, Dad and I ay 'di na magkasundo. "Hindi ako yan. Edited lang yan." sagot ko pa rin.  Ang galing ko pala sa quotations pag nalalasing ako. Now, I should probably take videos everytime na malalasing ako dahil baka lumabas pa yung mga words of wisdom kong nakastore pa sa precious brain ko. "Pinacheck ko na ‘to sa magaling na technician and it was not fake. Marami rin ang saksi Nat and there are a lot of other versions of that video." he sternly said. "And god, hindi lang pala ito ang mga naging biktima mo, Nat. Marami ka pang videos sa panghahamak ng ibang tao. I thought it was all rumors but it turns out not. I don't know what to do with you anymore!" Nagulat ako sa galit na nakikita ko kay Dad ngayon. Wow, galit talaga sya. Hindi ako makapagsalita and I was just looking at him with wide eyes. I can't believe he is doing this to me now. "D-dad, sinisigawan mo na ako?" naiiyak na sabi ko. His expression soften when he heard what I said. Alam ko namang hindi nya ako kayang pagalitan ng matagal. "I-i'm sorry, iha. It's just that, I get enough of it. I love you anak that's why I'm doing this to you." he calmly said. "Hindi! You don't love me anymore dahil pinagagalitan mo na ako. I hate you, Dad! I hate you!" I said throwing my tantrums. Umiyak pa ako para makita nitong I was upset to what he did to me but the truth is ginangantihan ko lang ito. And it’s the perfect moment para mahingi ko dito ang isa sa mga gusto kong gawin this season. "Anak hindi naman ganun..." he said trying to hug me pero nanlaban daw muna ako. Magaling ako dito, guys. Trust me. "No! You don't! Huhuhu!" maarteng sabi ko. "Nak, please forgive me. Wag ka ng umiyak." he never really likes that his daughter is crying. My Dad is so kind, aww. At ako naman? I'm a witch! Hahaha! Patuloy pa rin ako sa aking fake crying till he said the magic word. "Okay. Tigil ka na sa pag-iyak, iha. I'll do anything that you want. Please, just forgive me. I'm so sorry." "Lahat?" pero umiiyak pa rin daw ako ngunit sa loob-loob ko’y I was smirking in victory. "Oo." he said. Ahh... I know these fake cries will work. Ang galing ko! XD "Promise?" my cry fade kuno at pinahid ko na ang fake tears ko. I was just making sure. Iba na ang sigurado. "Yes, anak. Patawarin mo lang ako." kawawang nilalang, 'di nya alam I was just making this all up. But duhhh... it’s okay, kasalanan nya rin naman. "Okay." I smiled sweetly at him. "Pinapatawad mo na ako?" "Yes, Dad." sabi ko in a grin. "But in one condition." "Ano yun, anak?" "I'll be spending my time as slowly as I want, touring all over this country." I said in a bossy tone.  "Pero anak it is not safe---" "Uh-uh you promised. Remember?" taas kilay kong sabi dito. He sighed. I smirked ng yumuko sya at nagpuppy eye ng tumingin na ito sa akin. "Okay." he said na napabuntong hininga. But the hell sa buntong hiningang yun, he said okay and it's a freaking confirmation. Yehaa! Nagtatalon akong napayakap dito. Yes! Country tour! Nakakasawa na kasi ang other country and I realized 'di pa pala ako nakakatour sa bansa ko. Wow, excited na ako. "Thanks, Dad!" bulalas ko. "I'm just gonna call my friends." bumuntong hininga lang ito ng kumalas na ako dito mula  sa pagkakayakap. Tinawagan ko na ang aking mga kaibigan and I waved at him to get out. "You'll take your guards with you ‘nak for safety." I heard him say ng nasa pintuan na ito. "Whatever, Dad. Okay." I said not looking at him at nagdadial pa rin. Then I heard the door closed at masaya kong binalita ang next getaway sa friends ko. They are both excited too and ako rin. Andami ng pumapasok na lugar sa isipan ko. So I search on the internet at ako mismo ang nagpabook ng reservations. Binigay ko ang ibang work kina Haruka at Sofia. The work that I mean was the research of the places where we will go and reservations of accommodations. Yay! Ain't it fun? Indeed, it will be! Super excited!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD