Mariemar Matapos namin mag-usap ni She, ay mabilis din kami na lumabas wala ng ibang mga tanong na inurirat ang aking kaibigan. Hinanap namin kaagad ni She, si Azul at Dragen at nakita naman namin ang mga ito sa may parte kung nasaan ang mga sasakyan na aming gagamitin namin na nakaparada. Kapansin-pansin ang parang may awkwardness na namamagitan sa dalawang magkaibigan. Para bang may mga isyu sila na hindi na pinagkasunduan. Ngunit para bang hangin na nawala iyon awkwardness sa pagitan nila ng makalapit na kami ni She, sa kanilang dalawa. Magiliw na niyakap ni Dragen ang aking kaibigan at pinatakan ng magaan na halik sa labi at noo. I find that so sweet and respectful. Kitang-kita ko kung gaano kasaya silang pareho sa kanilang relasyon. Sa isip at puso ko ay lihim kong inuusal ang

