Narating din nila Joeuanna ang isla. Nag-aalalang sinalubong sila ni Arlene pero mabilisan siyang hinila ni Blake sa kwarto. Nawalan siya ng pagkakataon na magkwento at sumenyas na lamang sa babae na mamaya na sila mag-uusap. "Blake, ngayon na ba tayo aalis?" tanong niya habang binubuksan nito ang kwarto nila. "No." "Huh? Kung ganoon, ba't kailangan mong magmadali?" "Because I want to kiss you." Napasinghap siya. "Blake!" "And I know you won't like it if I do it in public." Sinulyapan nito ang namulang balat na kinurot niya kanina sa van. Muntik na silang magkabukol dahil naeskandalo yata ang driver at napapreno bigla. Napasinghap si Joeuanna nang bigla siyang isandal ni Blake sa dingding ng kwarto at hinalikan. "Blake!" Her protest was caught in her throat when Blake deepend the

