10

1175 Words
"Whoa!" chorused ng mga kasama ni Joeuanna sa mesa. "Mukhang may tama na si Joe a..." pansin ni Peter. "At mukhang malakas," sabi ni Oliver na sinundan ng apiran at tawanan. "Tsk, tsk, tsk... alam mong bakasyunista lang iyan Joe, hindi iyan magtatagal dito. Bakit mo binakuran ng husto?" bulong ni Will sa kanya. "Pinagsasabi mo?" inis niyang sita dito. Unti-unti ng nangangapal ang pakiramdam niya. May anim na bote pa siguro at makakatulog na siya ng mahimbing. "Kilala kita Joe, baka nakakalimutan mong close din tayong tatlo ni Randey noong elementary hanggang highschool kahit hindi tayo magkaklase. Alam ko kung ano ang lalaking iyan sa'yo. Pero hanggang ngayon ba naman..." umiling-iling si Will. "Gising-gising din sa kahibangan kapag may time Joe." "Alam mo? G-ganoon ba ako kahalata, ha, Will?" Nag-aalala niyang hinarap ang kaibigan. "Hindi naman. Ang galing mo nga umarte e. Sigurado ako walang kaide-ideya ang taong iyan kung gaano mo siya kamahal. At sa ayos mong iyan, malabo kang magustuhan ni tisoy. Iyan pang laking Maynila, sanay sa mga babaeng kulang sa tela ang suot? Sayang ang paghihintay mo, sinasabi ko sa'yo." Napalunok siya at sunud-sunod na nilagok ang dalawang bote sa tabi niya. Sayang nga ba ang paghihintay niya? Pero hindi naman siya naghintay. Umasa lang. Gusto niyang batukan ang sarili sa naisip na palusot. Isang linggo na lang. Isang linggo na lang at mawawala na ulit ito sa paningin niya. "Are you okay?" Napapitlag siya at tarantang pinunasan ang gilid ng mga mata. May sa kabute din minsan si Blake, bigla na lang sumusulpot sa tabi niya. Tumawa siya. "Hindi pare... tingin ko, kailangan mo ng iuwi si Joe," singit ni Will. "H-hindi! Kaya ko pa ito, ano ka ba Will!" protesta niya at muling kumuha ng alak habang tumatawa. May tama na nga siya. Bukod sa pangangapal ng pakiramdam, isa sa mga senyales na dapat na siyang tumigil ay ang pagtawa niya ng walang dahilan. "We should go Joeuanna, my head's spinning a little as well. Baka hindi na kita maihatid mamaya," sabi ni Blake at inalalayan siyang tumayo. She laughed at nagpaalam sa mga kaibigan. Inirapan niya si Fancy ng magtama ang mga mata nila, bakit ba, ayaw na niya sa babae noon pa man. At sigurado siyang ganoon din ito sa kanya. "W-whoo.. easy. . you're not helping, Joeuanna..." Blake said na ikinakunot ng noo niya. "B-bakit?" medyo bulol niyang tanong habang kinakapa ang noo at leeg nito. Pinagpapawisan ang lalaki. "Seryoso, ilang bote ang nainom mo?" "Konti lang... but sumama ang pakiramdam ko kaya nilapitan na kita. Can we not talk? Ihahatid na kita para makatulog na din ako... s**t!" mura nito ng biglang matisod. Napatawa siya lalo't siya na ngayon ang umaalalay sa lalaki. Pati pagmumura nito ang gwapo. "Sa kubo na lang ako ni Lolo. Mahangin doon..." sabi niya habang pasuray-suray silang naglalakad. Ang bigat at tangkad pa man din ni Blake. Nang marating nila ang kubo, pabagsak na binitiwan ni Joeuanna si Blake sa papag na nandoon. Umungol lang ang lalaki habang pikit-matang tinanggal ang suot na T-shirt. Bumungisngis siya, "T-teka... huwag ka ngang maghubad dito. Doon ka sa bahay niyo... Blake..." Inalog-alog niya pa ang lalaki na mukhang wala ng balak pang bumangon. Mukhang mapipilitan siyang katukin ang Lola Jacinta niya dahil sa lalaking umagaw ng tulugan niya sa kubo. Naiiling niyang dinampot ang T-shirt nito at ibinulunbon para magka unan ito kahit paano ng matigilan siya sa ideyang pumasok sa isip niya. Tiningnan niya ang maamong mukha nito at pikit matang tumabi. May dahilan naman siyang maibibigay. Wala naman sigurong masama kung hilingin niyang makatabi ang lalaki sa pagtulog kahit isang gabi lang. ~~~~ Nagising siya dahil sa sunud-sunod na tahol ng mga aso. Napatingin siya sa kalsada kahit madilim pa din. Siguro ay may dumaan na tao. Muntik pa siyang mapasigaw ng makita ang katabi. Oo nga pala, nasa tabi niya si Blake. Napapangiti siya sa kalokohan ng mapansing nagsasalita ito. At dahil sa may kahinaan at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito, inilapit niya lalo ang sarili dito. "Eila..." tawag nito. Paulit-ulit. Napailing siya at natatawang tumingala sa langit para mapigil ang pag-iyak. Kilala niya ang tinatawag nito. Napag-usapan na nila iyon minsan. At hindi rin ilang beses niyang narinig iyon kay Lola Sally. Si Eila - ang babaeng minahal ni Blake. Ang dahilan kung bakit ito pumayag na pumunta sa Cargeria. Mukhang hindi pa talaga nito nakakalimutan ang babae. Sabagay, siya nga na hindi ito nakikita ng personal, puro kwento lang at larawan, minahal niya. Hindi niya nakalimutan kahit iilang memorya lang ang meron siya. Ito pa kaya na nakasama ang babae sa halos araw-araw sa loob ng ilang taon? Pinahid niya ang mga luha at tinalikuran ito pero hinila siya nito palapit. Napatili siya sa gulat at tarantang itinukod ang mga kamay sa pagitan nila. "Are you crying?" salubong ang kilay na tanong nito. Nginitan niya ang lalaki. "H-hindi, Blake." "Are you sure? Hindi ka niya sinaktan ulit?" tanong nito na ikinatanga niya. Sino'ng tinutukoy nito? "Hey..answer me. You know I love you, right? At gagawin ko ang lahat para sa'yo, alam mo iyan." Pinagdikit pa nito ang mga noo nila at gusto niyang pumalahaw ng iyak. Mukhang nananaginip si Blake. At hindi siya ang nakikita nito ngayon. Pinilit niyang ngumiti at nanginginig ang boses na nagsalita. Ang sakit ng nararamdamam niya ngayon, sobrang sakit na hindi niya alam na kaya niya palang maramdaman. Akala niya, ang umasa lang at mangarap ang pwede niyang magawa. Hinawakan niya ang pisngi nito, "Hindi, Blake. Nagpapasalamat akong nandito ka ngayon sa tabi ko. A-and I love you too." Ngumiti si Blake at hinalikan siya sa noo. "Good. Because I hate it whenever you cry. Come on here, dito ka na matulog sa tabi ko." Wala na siyang lakas na tumutol kaya napasunod na lang siya sa lalaki. Isa pa, inaantok pa rin talaga siya. Gusto ulit niyang matulog at baka sakaling pagmulat niya ulit ng mga mata ay magising na siya sa kalokohan niya. ********* Blake opened his eyes dahil sa ingay na naririnig. May nagtatalo na naman yata sa kabilang bahay. Napasapo siya ng ulo dahil sa sakit na dumaan doon. s**t! Mukhang may hang-over pa siya. He stiffened when he heard a low girly moan. At sigurado siyang hindi sa lola niya iyon. Unti-unti niyang nilingon ang nakadagan na bagay sa tabi niya habang hindi mapigilan ang kaba. "s**t!" gulat na bulalas niya as he saw Joeuannas' body beside him. Then he heard the voices clearly. It's the angry voice of Lola Jacinta habang sinasaway ng Lola Sally niya to calm down. "Jacinta, kalma ka lang. Hintayin nating magising ang mga bata." "Sabihan mo iyang apo mo na panagutan ang apo ko! Dahil hindi ako papayag na umalis iyan dito na parang walang nangyari sa kanilang dalawa!" Nilingon niya ulit ang nakapikit pang si Joeuanna. "Key..." she murmured. She even moved closer to his chest, hugging him tighter that caused his breath to hitch. He's in big trouble kung tama ang naiisip niya habang pinapasadahan ang half naked nilang ayos. Then he heard some chuckles and cussing. Parang nararamdaman pa niya ang pagtakas ng dugo sa mukha when he lift his head and saw Joeuanna's grim looking uncles' standing in front of them. 's**t! s**t! s**t!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD